Thirty-nine [3]

45.1K 1.1K 43
                                    

Sapo ni Kai ang ulo nang maalimpungatan siya. Umungol siya ng mahina nang biglang sumakit ang sentido niya. Kung alam niya lang na ganito ang nangyayari sakanya, sana hindi nalang siya nagpakalasing. But who is she kidding? She wants to forget all the pain, even for just one night.

Nang magmulat siya ng mata, nakita niya four am palang ng madaling araw, nang mapagtantong masyado pang maaga, she snuggled close to her pillow. Her strong, warm and muscular...pillow?! Wait!

Nanlalaki ang mga mata niyang tinignan ang inaakala niyang unan. "Holy...shit!" mahinang sambit niya nang bumungad sakanya ang mukha ni Isaac. Dahan-dahan niyang tinignan ang braso nitong nakayakap sa bewang niya tapos dahan-dahan rin niya itong tinanggal. Nanigas siya nang mahinang umungol si Isaac. Kinabahan siya na baka magising ito, pero umikot lang ito at padapang humiga.

Maingat na inalis niya ang comforter at napansin niyang tshirt ni Isaac ang suot niya. Shit! Shit! May nangyari ba kagabi?! Kinapan niya ang dibdib at maselang bahagi ng katawan niya. May suot pa naman siyang bra at panty, she doesn't feel weird, at ang mas importante, wala siyang nararamdamang sakit lalo na sa bandang ibaba niya. She felt relieved. Ayaw naman niyang mawala ang pinagkakaingatan niya nang dahil lang sa kalasingan niya, kahit pa na si Isaac - ang lalaking mahal na mahal niya ang makakuha noon.

She sighed and looked at the sleeping figure beside her. Wala siyang masyadong maalala kagabi, all she remember was she was drowning herself with alcohol and dancing her ass off when suddenly Isaac's friend and twin stopped her. Hanggang doon lang ang naalala niya. Hindi narin niya inabala ang sarili na isipin kung paano siya napunta sa bahay ni Isaac. Baka tinawagan ito ng mga kaibigan nito.

Hindi niya alam ang gagawin. Mananatili pa ba siya at hinataying magising si Isaac para mapasalamatan niya ito? Pero paano kung pagsalitaan nanaman siya nito ng masama? Hindi niya na kakayanin. Hindi na kakayanin ng puso niya. Durog na durog na eh. Pero, kahit na masakit, pilit paring tumitibok ang puso niya sa lalaking ito.

But what happend yesterday was still fresh.

"Di mo na ba ako mahal?"

"Just stay away from me, Kai. I'm sorry."

Mabilis na pinalis ni Kai ang mga luha niya. That was the final straw. Hindi niya na ipipilit ang sarili kay Isaac. Tama ito, pinapahirapan lang niya ang mga sarili nila. Siguro, oras na para tumigil. Sabi niya, gagawin niya ang lahat para lang mapatawad siya ni Isaac. Siguro, kung tuluyan na niyang lalayuan si Isaac, baka mapatawad siya nito.

Once again, she looked at Isaac and a decision formed in her mind. She stood up and found her clothes neatly folded above Isaac's study table. Naroon din ang bag niya. Mabilis ang kilos niyang isinuot ang mga damit niya. Mabilis na tinawagan niya ang kuya King niya.

"Kai?" her brother answered.

"Kuya, I need a flight to Cebu. Now. I'm on my way to the airport. Now, kuya. Please." she whispered, scared that Isaac might wake up.

Narinig niyang bumuntong-hininga ang Kuya King niya. "I'll call the pilot to ready a private plane for you."

"Thank you, Kuya." sagot niya, pinipigilang mabasag ang boses niya. Pero, alam niyang alam ng kuya niya ang nangyayari.

"Sana tama ang desisyon mo, Duchess Kai." huling sinabi nito bago pinatay ang tawag.

She was about to leave when she stopped infront of a mirror. Hinawakan niya ang kwintas na suot niya at ngumiti ng mapait.

"It's time to let go."

-------

Malakas na umungol si Isaac nang mag-inat siya. His sleep was peaceful. Perfect, actually. He smiled when he remembers his dream, a dream where he was making love with the woman he loves, his Kai.

Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon