Four

50K 1.3K 64
                                    

Sorry guys. I thought I posted this last night. Na-save lang pala as draft. Sorry, na-tanga. Haha! I was busy talaga kasi dahil sa thesis and OJT hunting. So bear with me nalang muna. Pasensya na peoplettes!

---------------

Masayang naglalakad papunta ng canteen si Kai para kitain ang mga barkadang sina Lei at Bogart. Nakasukbit sa isang balikat niya ang backpack niya habang ang mga kamay naman niya ay nakapasok sa magkabilang bulsa ng cargo pants niya. Napapasipol pa siya dala ng kasiyahan niya.

Sino ba kasing hindi magiging masaya? Pasado siya sa flaring presentation niya. Ibig sabihin, candidate na siya for graduation. Ilang buwan nalang, makakaalis narin siya sa impyerno na kinalalagyan niya. Konting hintay at tiis nalang.

Agad niyang nakita si Bogart dahil sa ginto nitong buhok. Nilapitan niya ang mga kaibigan at tsaka umupo sa tabi ni Lei.

"Pasado?" pagkumpirma ni Lei habang nilalaro ang mga hikaw sa tenga nito.

Tumango siya at nilapag sa lamesa ang papel na nagsasabing ga-graduate siya. Napangisi siya ng malaki. Masaya lang talaga siya.

"Iyon oh! Libre na iyan, Kai." sabi ni Bogart sabay akbay sakanya.

Mabilis na siniko niya ito sa dibdib at tinanggal ang braso nito sakanya. "Sapak, gusto mo? Huwag mo nga ako maakbay-akbayan. Tsaka isa pa, wala akong pera para ilibre kayo, tsaka na kapag mayaman na ako."

Natawa naman sina Bogart at Lei. "Ang haba naman ng sinabi mo."

Napailing siya at napangalumbaba sa ibabaw ng lamesa. Maya-maya lang ay napabuga siya ng malalim na hininga. Isa pa iyang si malanding Isaac sa problema niya. Naku! Kapag nakita niya talaga ni tungki ng ilong ni Randolph, pitik agad iyon sakanya!

Naglalakad na sila ng mga kaibigan palabas ng SCU nang makasalubong nila ang barkada ni Isaac. Agad na pumihit siya sa kabilang direksyon para iwasan ang malandi.

"Kai, saan ka pupunta?" tawag sakanya ni Lei.

Pero hindi pa man siya nakalalayo ay may tumawag na sakanya.

"Dimaano!"

Mabilis na napatigil siya. Napamura at napapikit siya ng mariin. Ano nakan ang kailangan sakanya ng malanding 'to?

Dahan-dahan siyang humarap kay Isaac. Nakangisi ito sakanya. Nasa likod nito ay ang kambal nito at isa pang lalaki na may hawak na soccer ball.

"Ano?" tanong niya.

"Easy lang, taray mo naman."

Pinagkrus niya ang kanyang mga braso at nagbuga ng hininga. Hinawi niya ang kanyang pulang buhok dahil sa inis niya. Ewan ba niya, sa tuwing nakikita niya si Isaac ay naiinis siya.

"Anyway, I just want to remind you your job tomorrow."

Bumuntong-hininga siya at ibinaba na ang mga kamay. "Oo. Pupunta ako."

Napatingin siya sa dalawang kasama nito. Tinanguan lang siya ng mga ito. Ang sungit naman ng mga 'to. Hindi ba uso ngumiti? Napailing nalang siya at nilagpasan na ang grupo ni Isaac.

"Nga pala, Dimaano!" tawag muli ni Isaac.

Inis na nilingon niya ito. "Ano nanaman?"

"Ang galing mo kanina. You know, bang bang." nakangising sabi nito.

Noong una ay hindi niya pa makuha ang sinasabi nito, pero mabilis ring gumana ang utak niya at na-gets na rin ang sinasabi ni Isaac. Nanuod ito? Kung nanuod ito, nakita nito kung paano siya humataw habang nagbabato ng mga bote at baso sa ere!

Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon