Twenty-two

38.6K 1K 41
                                    

Nagmamadali si Kai sa pag-aayos dahil ayaw niyang masundo siya ni Isaac dito sa bahay nila. Tinext niya ito na sa kanto nalang siya nito sunduin, but being Isaac himself, hindi ito pumayag. Kaya naman, nagkukumahog siya sa pagkilos.


Pababa na siya nang marinig ang boses ng Auntie niya na binabati si Isaac. Bigla siyang kinabahan kaya naman mabilis siyang bumaba para ayain na si Isaac paalis.


"Aalis na po kami, Auntie." paalam niya at tsaka hinatak na si Isaac palabas ng bahay.

Bahala na mamaya pag-uwi niya kung ano ang gagawin sakanya ng Auntie niya, basta ang mahalaga mailayo niya si Isaac sa mga ito. Pagkapasok sa kotse ay matalim na tinignan niya si Isaac.


"Sinabi ko naman sa'yo na sa kanto nalang tayo magkita!" sigaw niya rito pero hindi iyon ininda ni Isaac. Prente lang itong nakaupo at nagsimula ng magmaneho.


"At sinabi ko naman na susunduin kita sa bahay ninyo 'di ba?"

Nagbuga siya ng hangin dahil sa pagkairita. Hindi kasi alam ni Isaac ang pwedeng gawin ng Auntie at Uncle niya. Gagamitin ng mga ito si Isaac para sa pera. Ayaw niyang mangyari iyon. Kung kaya niyang ilayo ang nobyo sa mga umampon sakanya, gagawin niya.


"Pwede ba'ng sundin mo nalang ako? Please. Ayokong nakikipag-usap ka sakanila."


Nilingon siya ni Isaac sandali. "Bakit naman? Mababait naman sila ah? Pero siyempre, hindi ko makakalimutan iyong sinaktan ka nila dati, pero naiintindihan ko naman dahil baka nag-alala talaga sila sa'yo."


She wanted to snort at what Isaac said. Gusto niyang kontrahin ito na kaya siya sinaktan ay dahil wala silang mautusan at saka sanay naman na siya. Sanay na ang balat niya sa mga palo, latay at suntok na natatamo niya sa mga umampon sakanya.


"Just, do what I say. Please." pagsusumamo niya.


Sa huli'y bumuntong-hininga si Isaac at kinuha ang kamay niya at saka hinalikan. "Kung ano'ng gusto mo, Kai. Sige, gagawin ko."


Inabot ng kanyang kamay ang pisngi si Isaac. "Thank you."

---

Hindi na nagulat si Kai na nakatingin sakanilang dalawa ang lahat na madaanan nila ni Isaac sa campus. Magkahugpong ang mga kamay nila at dala ni Isaac ang mga libro niya sa isang kamay.

Kung dati ay nahihiya siya na makita sila ni Isaac na magkasama, ngayon, may nararamdaman siyang pagmamalaki, hindi dahil alam niyang may naiinggit sakanya, kundi dahil kasama niya na ngayon ang mahal niya. Mahirap sakanya ang mga pinagdaanan nilang dalawa, hindi naging madali ang pagtanggap niya sa nararamdaman, pero nagawa niya iyon dahil pina-realize iyon sa kanya ni Isaac. He opened her hear and made her feel love again.


Hindi na niya namalayan na nasa tapat na sila ng room niya. Binigay sakanya ni Isaac ang mga libro niya at walang-sabing hinalikan siya sa labi. Mabilis lang iyon pero nawala ata siya sa sarili. Kahit kailan, nakakaliyo talaga ang mga halik nito.


"I'll see you at lunch." sabi nito at tsaka naglakad na patalikod habang nakangiti parin sakanya, nag-flying kiss pa ito na ikinatawa niya.

Pag-upo niya sa pwesto niya, sangkatutak na mga tanong ang ibinato sakanya ng mga kaklase niyang mga babae, iyong mga lalaki naman ay tahimik lang pero alam niyang gusto rin ng mga ito malaman ang sagot niya.


Sa dami ng tanong, isa lang ang sinabi niya. "Basta, kami na."

She don't need to explain what really happened. Sa kanila na iyon ni Isaac. It's their secret. Kaya naman excited siya nang lunch break na. Hindi na siya nagulat nang makita si Isaac sa labas ng building niya at nakaabang sakanya.

Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon