Ten

42.4K 1.1K 53
                                    

Masayang nakikipag-usap si Isaac sa kaibigang si Calix nang mamataan niya si Kai na papunta sa may gawi ng canteen. Malakas niyang tinawag ito.


"Kai! Kai!"

Tinapik niya sa balikat si Calix bago ito iwanan at sinundan si Kai na mukhang hindi siya narinig kaya muli niya itong tinawag.


"Kai!"

Lumingon si Kai sa gawi niya pero laking gulat niya nang mabilis na naglakad ito at hindi man lang siya pinansin. Napatigil siya sa paglapit rito at napa-isip. May nagawa ba siyang mali? Noong isang araw lang ay inihatid pa nga niya ito sa bahay nito.


Tinignan niya si Calix na ngayo'y nasa tabi niya na.


"Ano'ng problema?" tanong nito sakanya.

Umiling siya. "Hindi ko alam. Iniiwasan ata ako ni Kai."

"Baka hindi ka lang nakita."

"Hindi eh." sabi niya habang umiiling. "Nakita niya ako. I just don't understand why she ignored me."


Natawa si Calix sa tabi niya at tinapik siya sa likod. "Dude, the whole SCU knows Kai doesn't like you. Kaya hindi na nakakapagtaka kung hindi ka man niya pansinin."


Napapalatak siya. Hindi 'yun eh. Pakiramdam niya ay sinasadyang iwasan siya ni Kai. Hindi kaya dahil nagtapat siya na gusto niya ito? Pero bakit naman siya nito iiwasan?


Hanggang sa huling klase niya, hindi maalis ni Isaac sa isip niya si Kai. God! That woman is driving him crazy! And how he amits that he's crazy for her.


He loves Kai's guts. Hindi siya tulad ng ibang babae na halos itapon na ang sarili sakanya dahil lang sa kaalamang isa siyang Ford. Kai is different. Heck, she's not even her type to begin with, but still she fell for this woman. Ganoon nga talaga iyon, ano? Lagi sakanya sinasabi ng Mommy niya na we sometimes fall for the person we never expected. In his case, it's right. Every fucking word is right.


Nabalik siya sa kanyang sarili nang mamataan niya muli si Kai na naglalakad sa may Botanical Garden. Mabilis niyang hinabol ito at pinigilan sa braso.


"Kai." hinihingal niyang sabi.

"Bakit?" tanong nito sakanya. Tinitigan niya ang mukha ni Kai. Tangina. Ang ganda niya talaga kahit pa ang seryoso ng mukha nito.


"Ano iyon, Isaac?" tanong nito, bakas sa boses ang pagkairita.


"Iniiwasan mo ba ako?" diretso niyang tanong.

Kumunot ang noo ni Kai. "Ano ba'ng pinagsasasabi mo? Kung wala kang sasabihing importante, mauuna na ako."

Mabilis na humarang siya sa harap nito. Bawat hakbang nito ay hinaharangan niya para hindi ito makawala sakanya.

"Isa, Isaac. Lumayas ka sa harap ko." matapang na sabi nito.

Ngumisi siya. "Now there's my Duchess Kai."


Batid niya ang paghinga nito ng malalim, tanda na nagtitimpi ito sakanya. "Isaac, wala akong oras makipagbiruan sa'yo. Pagod ako, gusto ko ng umuwi."


Humalukipkip siya at pinakatitigan si Kai. Damn, he could stare at her all day. "Sagutin mo muna ako kung bakit mo ako iniiwasan."



"Hindi kita iniiwasan. Saan mo naman nakuha iyan?"


"Tinawag kita kanina, alam ko nakita mo ako pero 'di mo ko pinansin."

"Nagmamadali ako kanina. Alis na."

Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon