kabanata 11

3.4K 105 1
                                    

Tahimik na nakatingin sa bintana ng kotse si Mallari.Tinatanaw sa bintana ang kalsadang dinadaanan, at hindi binibigyang pansin ang tensyong namamagitan sa kanila ngayon ni Darth. Hanggang ngayon at nagtataka parin sya sa ginawa nitong paghila sa kanya. Maging kung paano na naroon na ito at ang pagsuntok na ginawa niyo kay Kelly.

Bigla ay nakaramdam sya ng pag-alala sa kaibigang nawalan ng malay kanina dahil sa kagagawan nito.

Kamusta na kaya sya? Tanong niya sa sarili.

Galit na tingin ang ipinukol nya nang hinarap niya si Darth. Bubulyawan nya sana ito ng kaagad nyang napansin ang higpit ng pagkakahawak nito sa manibela. mababakas sa diin ng tingin nito sa harap ang masama nitong aura, ngunit hindi sya nagpatinag.

"Ihinto mo ito bababa ako." Utos nya dito. Ngunit parang wala itong marinig, hindi sya nito pinansin.

Sa inis nya dito ay pinisil nya ang pisngi nito para pukawin. Mabilis itong nag-preno dahilan para mahinto ang sasakyan. Nahugot nya ang hininga sa ginawa nito. Agad nitong inalis ang kamay nya sa mukha sabay tingin ng matalim sa kanya. Medyo natawa sya sa sarili sa ginawa nya.

"Fuck!" Usal nito sa baritonong tinig. Medyo nagulat sya pero hindi sya nagpahalata. Hayan na naman ang kabang nararamdaman niya para dito sa tuwing malapit ito sa kanya. Maingay ang dagundong ng puso nya.

Nailang sya sa matalim na titig nito kaya tumalikod na sya at akmang bababa ng hawakan sya nito sa braso at sapilitang nilagyan ng seatbelt.

Natigil nya ang paghinga nya sa ginawa nito. Mabilis ang paglapit nito kaya hindi nya namalayan at hindi sya nakagalaw. Takot din syang marinig nito ang malakas na dumadagundong sa loob nya.

"Ano ba! sabing bababa na ako eh!" Pagpupumiglas nya ngunit hindi sya nito pinakinggan. Mabilis na pinaandar nitong muli ang sasakyan.

Pagkababa nila ng sasakyan ay agad sya nito kinaladkad papasok ng mansyon. Ramdam nya ang mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. At hindi iyon nakakatuwa, dahil nanghihina na sya sa hawak nito.

"Oh, ang aga nyo ata--" Hindi na naituloy ni Manang ang sasabihin nang lagpasan ito ni Darth. Agad na nagtaka ang matanda sa kinikilos nila kaya binigyan nya ito ng isang maliit na ngiti, pahiwatig na ok lamang sya. Pero sila hindi.

Mabilis nilang tinahak ang hagdanan. Bigla syang kinabahan ng huminto sila sa silid nito. Hindi pa sya nakakapasok doon. Tila kulog sa pandinig nya ang mabilis at mabibigat nitong hakbang. Ramdam din nya ang kaba at panghihina nya na naroon pa rin.

Binuksan nito ang pinto at akmang ipapasok sya nang pigilan nya ito gamit ang kanyang pwersa. Tinignan sya nito ng masama ngunit hindi sya nagpatinag. Panay sya sa pagpupumiglas sa hawak nito kaya pwersahan sya nitong pinasok. At kahit anong gawin nyang pagpupumiglas ay wala parin syang kawala dahil di hamak na mas malakas ito sa kanya. Kaya sa huli ay nagawa nito ang gusto.

"A-ano ba, b-bitawan mo nga a-ko...".nauutal nyang sambit, bakas sa tono nya ang takot at kaba. Kinakabahan sya dahil sa takot nya na mangyari ang kanyang iniisip. Marami siyang naiisip na hindi maganda.

Agad sya nitong kinulong sa dalawang braso at sinandal sa pinto. Napahinto sya sa pagpupumiglas ng yumuko ito at natahimik. Nagtataka sya at kinakabahan parin dahil hindi nya alam ang iniisip nito. Animo'y pinapa-kalma nito ang sarili. Kahit maging sya hindi nya alam ang mga naiisip at pinapakalma nya rin ang sarili, kailangan niya iyon.

Titignan palang sana nya ito sa mukha ng hinigit sya nito at tinulak sya pahiga sa kama. Nagulat sya sa ginawa nito. Tatayo na sana sya ng manigas sya sa pagkakahiga ng maramdaman ang mainit na katawan ni Darth na pumatong sa kanya. Dinaganan sya nito. Batid ni Mallari ang bigat nito ngunit, hindi naman nya nagawang magreklamo. Bagkus, ay nakapatahimik pa.

Tila na istatwa sya sa ginawa nito. Ni hindi nga nya ito magawang itulak. Nararandaman din nya ang bilis ng paghabol sa paghinga nito na akala mo ay  nakipagkarera sa kanya, kapareho ng kanya.

Bakit? Taka sa kanyang sarili.

Nang maibalik nya na ang lakas at sarili sa wisyo ay nag-ipon sya ng lakas para itulak  ito ngunit bigo sya dahil sadyang mas malakas ito. Bagkus ay mas humigpit lamang ang yakap nito sa kanya. Nanginginig na siya sa bigat at sa nararamdaman.

Hindi maganda ito! Aniya sa sarili.

"Please, Stay. Just a minute." Nagsusumamo nitong pakiusap.

Pakiramdam ni Mallari ay nagtaasan ang lahat ng buhok nya sa katawan ng dumampi ang hininga nito sa balat nya. Nanghina sya sa kinilos nito at hinayaan nya na rin ang ginawa nitong pagsiksik sa kanyang leeg.

Ano bang nangyayare? Naguguluhan nyang tanong sa isip.

Hindi nya alam kung bakit sinunod ang sinabi nito. May kung ano sa kanyang hindi mapaliwanag at napaamo nito.

"Mommy..." Tila nagising sya sa magandang panaginip nang marinig ang tinig na iyon ni Grey. Mabilis pa sa alas-kwatrong tinulak nya ito palayo nang marinig ang tinig dahilan para malaglag ito sa kama.

"Ugh!" Rinig nyang inda nito. Napatakip sya sa bibig nang makita ito sa lapag at namimilipit. Tatayo na sana sya papalapit dito ng bumukas ang pinto. Sabay silang napalingon sa bandang iyon.

"Hi mommy, hi daddy." Masayang bati ni Grey sa kanila. Ngumiti sya rito na akala mo ay walang nangyari. Tumakbo pa ito palapit sa kanya sabay yakap.

"Hi baby, hehe." Aniya.

Binalik nya ang tingin nya kay Darth habang yakap sya ni Grey. Nang mahuli nya itong nakatingin sa kanya ay agad itong nag-iwas ng tingin. Medyo napahagikgik sya ng mahina nang mapagtantong namumula ang buong mukha nito. Nakita nya pang nagtiim-bagang ito.

"Pfft...Hihihi!" Hindi na nya napigilan ang sarili na matawa. At dahil doon ay binigyan sya ng isang matalim at madilim na tingin ni Darth. Isang peace sign at ngiti lang ang ginawa nya. Agad naman itong nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Baby, gusto mo mamasyal?" Tanong nya dahilan upang kumalas at mapatingin ang musmos sa kanya.

"Really mommy? Yes,yes!" Agad nitong sagot. Mababakas naman sa tinig nito ang pagka-excite.

"Yes baby, we will go out together with your daddy." Aniya.

Nakita naman nya sa sulok ng kanyang mata ang paglaki ng mga maliit nitong mata nang mapatingin sa kanya.

"Yehey!" Anito at naglulundag na yumakap si Grey palapit kay Darth dahil sa saya.

Nang magkasalubong ang mga tingin nila ay isang kindat lang ang ginawa nya upang asarin ito. Gusto nya kasi makita muli ang pamumula nito ngunit nagkamali sya, dahil sya ang namula at umiwas ng tingin ng isang ngiting nakakaloko ang sinukli nito sa kanya.

 

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now