Kabanata 39

3K 79 4
                                    

Muling bumuhos ang mga luhang kanina pa nya tinatago, pati ang hikbing nais na kumawala sa kanyang bibig. Grabe ang pagpipigil nya dahil nakaharap ang musmos, ayaw nya kasi makita sya nitong tumatangis at baka mag- alala pa ito sa kanya. Mabuti nalang at nakatulog narin ito.
Naiinis sya sa isiping hindi man lang sya nito sinuyo pa muli pagkatapos ng sagutan nila sa mall. Nagsawa na talaga ito marahil sa kanya.
Patuloy lang sya sa paghagulgol. Ang pakiramdam nya na talaga namang nagpapabaliw sa kanya. Sakit nga naman kasi eh, Huhuhu, I hate him!
Para rin naman syang tanga kung ididiin nya pa sa sarili kundi dahil sa narinig nya kahapon mula sa labi nito ay hindi sya mag- iinarte ng ganoon. Kailangan pa ba nyang lokohin ang sarili na hindi sya nasasaktan magpahanggang ngayon sa sinambit nitong mahal pa nito ang kapatid nya. Masakit malamang may mahal syang iba!
May ipinaglalaban din ang utak nya e, kanina pa sumisigaw sa isip nya pansin nya lang.
Naisipan nya lang tumigil sa pagdadrama ng makaramdam sya ng uhaw at tumigil na rin sa pagtulo ang kanyang mga luha naubos na ata.
Tinignan nya ang sarili sa salamin bago lumabas ng kanyang silid. Ay chinitang dyosa!
Nang makalabas sya ng silid, sa kanyang unang pagtapak nakaramdam sya ng tila kakaiba dahilan para mapahinto sya. Madilim na dahil pinatanay na marahil ni manang ang lahat ng ilaw sa mansyon. Tahimik narin dahil tulog na ang lahat ng tao roon bukod sa kanya.
Mabigat ang kanyang bawat hakbang palapit sa mahabang hagdan. Kanina pagkauhaw lang ang nararamdaman nya ngayon ay may kasama na itong kaba. Kabang walang halong takot? Ay hindi nya maintindihan ang sarili.
Nakahinga sya ng maluwag ng makita na ang hagdan. Napatanong sya sarili kung bakit ba naman sya kakabahan e nasa masyon lang naman sya na may maraming bantay na tauhan at isama pa ang mga teknolohiya ditong makabago. Nakakapraning ang mga nagyayari sa kanya sa totoo lang.
Halos nabitin sa ere ang paa nyang inihakbang nya sa hagdan nang umilaw ang isang maliit na liwanag. Tila nagsilbing spotlight iyon at nakita nya ang pamilyar na pigura roon.
Nakaupo ito sa isang upuan habang hawak ang isang gitara. Nagtaka sya sa nakikita. Para saan nga naman kasi iyon.
Kitang kita nya ang dahan dahang pag angat ng ulo nito hanggang sa magtama ang mga mata nila. Napanganga nalang siya ng kindatan sya nito at bigyan ng nakakabaliw na ngiti.
"Pwe-pwedeng huminga?Uh..." Wala sa sariling naibulong nya. Ramdam nya ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Natatae syang ewan sa kilig.
Dahan dahan syang bumaba ng hagdan. Para syang naglalakad papunta ng altar. Advance nya diba? Mabilis ang pagtibok ng puso nya. Parang may fiestang nagaganap sa kanyang tyan. Ang utak nya parang nagtititili sa kilig.
Nang makalapit sya rito ay patuloy lang ito sa pagtipa ng gitara habang sya nakatayo lang.
Nang matapos ito sa pag awit walang pasabing sinunggaban nya ng mahigpit na yakap.
"I'm sorry Mallari, patawarin mo na ko. Hindi ko kayang galit ka sakit." Nagsusumamong himig nito.
Damn her, he's crying!
Nanlamig sya ng nakumpirmang luha mula kay Darth ang basa sa kanyang balikat. Mas humigpit din ang pagyakap nito sa kanya.
"I love you Darth, so-sorry rin. Na-natatakot kasi ako *hik*!" Hindi narin nya napigilan ang mapaluha.
Nag-aalalang pinatahan sya nito.
"Hush mommy, i love you too. Oh god! please stop crying. Bakit ka natatakot?" tanong nito.
"Ba-ka magsawa ka na sakin, baka hindi mo na ako mahal." Aniya na hinihingal at putol putol
"No baby, hindi ako nagsasawa sayo. And i love you always remember that, hindi magbabago yun. Bakit mo ba iniisip yan? Ikaw lang ang babae ko, iniisip mo parin ba si Daniella. She's nothing to me baby, co'z you're my everything. You and Grey." Paninigurado nito.
"But you still love her... my sister." Mahina nyang anas.
Rinig nyang napabuntong hininga ito.
"Sasagutin ko na naman ito, for the second time.I love her because sya ang ina ng anak ko, unlike ng pagmamahal ko sayo, i love you, because you are my Mallari." Masayang batid nito. Hindi maalis ang ngiti sa malarosas nitong labi.
"Sabi mo yan ah," Aniya. Pinunasan pa ni Darth ang luha sa kanyang mukha.
"Hays baby, bata ka pa nga."
...
Malapit ng sumikat ang araw ngunit hindi na nila nagawa parehong matulog. Nasa verenda lang sila nakatayo habang pinagmamasdan ang pagiiba ng kulay ng kalangitan.
Sa isip isip nilang pareho para silang mga bida sa isang romansang palabas. Kinikilig si Mallari sa eksena nila ngayon. Paano ba naman ay nakayakap sa kanyang likod si Darth at nakasandal ang ulo nito sa balikat nya. Hindi nya tuloy mapigilan ang mapahagikgik ng palihim.
"Sana ganito nalang tayo lagi mommy noh," biglang sambit nito.
"Sana nga. Ayun lagi ang hiling ko kay God. I want to be with you forever." aniya.
Dahan dahan itong umalis sa pagkayakap sa kanya at pinihit sya paharap dito. Pumulupot ang mga braso nito sa beywang nya dahilan para mas mapalapit sya rito. Pagkatapos ay pinagdikit nito ang kanilang noo. Ramdam tuloy niya ang paghinga nito.
"Huwag mo kaming iiwan ni Grey huh!" Nagsususumamong anas nito.
"Hindi ko kayo iiwan, mahal ko kayo." aniya. Wala man sya sa punto ng kasiguraduhan ay sinagot nya parin iyon.
Isang sandaling katahimikan ang nanaig sa pagitan nila. Ang mga mata nilang tila nag uusap at nagkakaintindihan. Isang buntong hininga ang basag roon.
"Mallari sorry for being selfish. Sa kagustuhan kong wag mo akong iwan nahinto ka na sa pag- aaral, at alam kong tutol din ang magulang mo sa atin." Aniya nito na tila may dinadalang napakabigat. Kalungkutan ang mababakas sa tinig nito.
"Sshh, ginusto ko ito. At tyaka next year pwede ko pa naman ipagpatuloy kapag naayos na natin, at sila tatay wag mo isipin yun lilipas rin iyon at makakalimutan nila. Ang importante ngayon masaya tayo." Aniya.
Isang ngiti lang sa bawat isa ang nagpatanggal ng kalungkutan sa kanilang atmospera.
But then, kahit sinabi iyon ni Mallari ay ramdam nya rin ang takot ayaw lang nya ipakita kay Darth. Ayaw nyang makitang nasasaktan ito dahil sa kanya.
Gaya rin ng sabi nya ang importante ay masaya sila ngayon. Intindihin nalang nila ang problema kapag nariyan na.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now