kabanata 59

716 15 1
                                    

Isang mabigat na braso ang nakadagan sa tiyan ni Mallari at isang hita sa kanyang hita. Nang magising siya ay dahan dahan niyang idinilat ang mata upang lingunin ang katabi sa kama. She is now seeing Darth sleeping peacefully. Ang malambot nitong mukha ay napakalapit sa kaniya. Nakaramdam siya ng ilang nang matantong napakalapit ng mukha nila sa isat-isa. Agad naisip ang sariling amoy. Ayaw niyang makita siya nito a may muta pa at bakas ng panis na laway. Kaya naman, marahan siyang umalis sa pagkakakulong mula sa bisig ng lalake. Agad na dumiretso sa cr upang maligo.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa kaniya nang humarap sa veranda. She smell the air of morning and hear the nature as she close her eyes. Kulay asul pa ang langit at tahimik ang paligid. Pagkatapos niyang maligo ay nagtimpla siya ng kape sa baba at doon pumwesto. Ala-sais ng umaga siya gumising at diretso naligo. Ngayon na papasikat ang araw sa kaniyang harap at inaalala ang naganap na pag uusap nila ni Darth kagabi. She smiled as she remembered her confession to him. Words came to her mouth unexpectedly. Ramdam niya ang kalayaan sa ginawa kagabi. She loves him and she will take the risk. Ngayon desidido na siyang ipaglaban ito sa kahit sa sinong hahadlang sa kanila.

A warm arms wrapped in her waist from behind. Ipinatanong pa nito ang baba sa kaniyang balikat. She smiled as she felt him. Ang amoy nito ay napakamahalimuyak at talagang hahanap-hanapin. His huge figure is fitted to her slim body. Umangat ang kamay nito sa kaniyang baba upang paharapin siya rito at tyaka siya ginawaran ng malambot na halik. Nang magtama ang mga mata nila ay naramdaman ang kilig sa umagang iyon.

"Good morning." Bati nito nang nakangiti. Binalik niya sa tanawin ang mga mata.

"Morning." Sagot niya.

"Ang aga mo."

"Ikaw din." Aniya.

"Too early to take a bath." Dagdag pa nito na nagpamula sa pisngi niya. Tuyo na ang buhok niya kaya malamang sa panibagong suot at sa amoy ng body wash nito nakumpirma ang kaniyang ginawa kanina.

"Bakit bawal ba maligo ng maaga?" Aniya.

"No baby." Maikling sambit nito bago siya ginawaran ng halik sa leeg. Nanigas ang katawan niya at nagtaasan ang buhok sa katawan sa ginawa nito ngunit hindi niya pinahalata ito.

"I'll prepare our breakfast tyaka natin sunduin ang anak natin." He said at kumalas na ito sa kaniya. Hindi niya na sinagot pa ito dahil sa ginawad na halik sa kaniyang leeg. Mabuti nalang hindi na iyon hinintay pa ni Darth bago umalis.

Napabuntong hininga siya nang maalala. Hindi niya alam kung ano sila ni Darth. Sinabi lang nito na magpakasal sila ngunit walang engagement ring walang proposal o kung proposal na ba ang ginawa nito kagabi kaso ay biglaan iyon at hindi pormal o kailangan pa ba ng pormal na proposal. Hindi niya alam. She expect something and she hates it. Ayaw niyang obligahin si Darth sa mga ganung bagay. Ang importante ay sila kahit hindi na klaro.

Through enough, magkasama nilang sinundo ang anak. It was their first time to go to his school together. Ang kaninang iniisip ay kinalimutan nalang niya. Paulit ulit sinabi sa sarili na hindi na kailangan ng ganun. Napagdesisyunan nilang sa isang Filipino restaurant kumain ng tanghalian. Mabilis na inihain sa kanilang mesa ang lechong kawali, kare-kare at kaldereta. Na-miss niya bigla ang luto ng kaniyang ina. She smiled as she roam around her eyes in the table. Hindi niya pa nasasabi sa magulang na nasa Pilipinas na siya. Mabuti nalang hindi rin ito gaano tumatawag ngayon. Ayaw niyang mag-alala ang magulang niya sa kaniya. Hanggang ngayon ay iniisip niya kung paano sasabihin dito na narito siya muli sa mag-ama.

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng masasarap na nakahain ng biglang mag-usap ang mag-ama.

"Grey, will you let me marry your mama?" He suddenly asked. Napalunok siya roon. Nagtataka kung bakit bigla itong nagtanong ng ganun. Nakita niya ang pagtaas ng kilay ng kaniyang anak nang tinignan siya nito. Then, he faced his father.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now