kabanata 13

3.4K 92 0
                                    

Agad umuwi si Mallari upang harapin ang kapatid. Mabilis itong tumakbo kahapon at nakasakay ng jeep kaya hindi niya naabutan at nakausap agad agad. Alam niyang uuwi rin ito kaya naman sa bahay siya dumiretso. Pinalipas lang niya ang gabi upang mapag isipan ang mga sasabihin sa kapatid, hindi siya handa sa pagkatuklas nito. At natatakot siya sa maaaring iniisip nito ngayon. Kaya maaga siyang umalis sa mansyon upang umuwi sa kanila. Laking gulat pa niya nang makita ang magulang niya sa bahay. Wala itong sinabi na uuwi ito ngayon, kaya mas lalo niyang nadama ang kaba. Iniisip na baka nabanggit na ng kapatid niya ang nakita. Natakot siya sa isiping iyon. Hindi alam ang gagawin.

"Nay hindi kayo nagpasabing uuwi kayo ngayon, naghanda sana ako."Aniya dama ang takot at kaba kanina pa.

"Hindi na kami nakapagsabi dahil biglaan at gusto rin namin kayo surpresahin. Ako na ang magluluto ng kakainin natin ngayon anak, nang makabawi ako sa pangungulila niyo at ngayon lang ulit ito magagawa kasi mamaya rin ang balik namin ng ama mo. Sinamantala lang namin ang maikling day-off namin sa trabaho roon." Litanya nito. Masaya siyang nakabisita ito ngayon ngunit higit na nag alala sa isiping ang byahe ng magulang niya ay hindi biro. Batid niya ang magiging pagod ng mga ito.

"Ah... nay gising na po ba si Miranda?" Aniya ng muling maalala ang kaba at takot. Sa ngiti ng kaniyang ina niya ngayon malamang ay hindi pa nabanggit ng kapatid niya ang kinakatakot niya.

"Hindi pa e, halika nga at pumasok na tayo sa loob, 'kay gising na rin ang tatay mo." Inaya na siya nito papasok sa loob.

"Tay mano po." Aniya nang makalapit sa ama.

"Bakit ngayon ka lang ata umuwi anak?Saan ka nagpalipas ng gabi? Ngayon lang ata nangyaring hindi ka umuwi ng linggo ng gabi?" Tanong ng kanyang ama pagkaupo sa sofa.

"Uh... tay kasi may tinapos pa po akong project sa school." Pagdadahilan nya. Ramdam niya ang panginginig dulot ng kaba ngunit sinikap na umayos sa harap ng magulang.

"Ganun ba?" Anito at humigop na ng mainit na kape.

Kumain muna sya ng almusal na hinanda ng kaniyang ina nang maalalang hindi pa pala nakakapag-agahan dahil sa nagmamadali sya pauwi sa bahay nila.

"Nga pala anak totoo bang..." Binaling ng kanyang ama ang atensyon sa kanya. Kinabahan naman sya bigla ng titigan siya nito sa mata. Napalunok siya dito.

" Po, ano po yun 'tay?" Nauutal niyang tanong.

"Totoo bang--" Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin nang bumukas ang pinto ng kwarto nila ni Miranda. Sabay sina ng kaniyang ama na napatingin sa kakalabas lang na kapatid.

Kusot-kusot pa nito ang mata pagkalabas kaya tumayo na siya. Papalapit sa sana sya sa kapatid nang pagdako ng mga tingin nito sa kanya ay umiwas na ito at lumakad papuntang kusina at kaya sinundan niya agad ito.

"Miranda anak gising ka na pala. Umupo ka na at ipaghahanda na kita ng almusal." Rinig nyang ani ng ina.

"Mamaya na ako mag-aalmusal nanay, wala pa po akong gana." Tugon nito. Nagkatitigan sila ngunit masamang tingin lang ang iginawad nito sa kaniya.

Nang makasalubong niya ito ay akmang kakausapin nya ng lagpasan sya nito. Kaya sinundan niya ito hanggang sa silid nito.

"Pwede ba ate maaga pa, lumabas ka na muna. Ayaw kong makausap ka." Pagtataboy sa kaniya nito.

"Miranda, yung nakita m--"

"Okay fine, let's talk about what I saw yesterday. Ano yung nakita ko? Care to explain to me. Kabit ka ba?" Radar nito.

"No, Mali ka n--"

"At ikakaila mo pa. My god ate, ano nalang sasabihin nila nanay kapag nalaman nila ito. Grabe, nakakahiya!"

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now