kabanata 50

666 16 0
                                    

Note: Nag eedit ako ng mga first chapters. Major revision ang kailangan, kaso hindi ko parin sure kung maayos na sya as in. Daming typo at hahaha ewan ko ba ang pangit ko magsulat dati. Pero thank you sa nakaappreciate!
Kung babalikan nyo yung umpisa, mapapansin nyo ang laki ng pagbabago. Sorry but I think what I did is better this time.

...

Hindi nya alam ang gagawin sa malaking masyon na tinutuluyan nya ngayon. Wala namang gawaing bahay dahil lahat ng naroon ay maayos at marami rin silang katulong kaya hindi na sya kailangan pa. Hindi rin sya pinapansin ni Grey na sobrang abala sa pag aaral. Natutuwa syang makita ang kasipagan nito sa pag aaral at halatang matalino pa. Ayaw niya na lang rin isipin na kaya ginagawa nito iyon ay upang umiwas sa kanya, anito nga ay nakakairita sya.

Samantala, sobrang inis naman ang nararamdaman nya ngayon kay Darth na kasalukuyang nasa study room at kasama ang haliparot nitong babae. Natandaan nya pa ang paghahalikan nito noon. Nakakainis na alaala. Nagpupuyos talaga ang dibdib. Hindi makapaniwala na isa ito sa hindi nagbago, ang pambababae nito.

Nasa kusina siya ngayon nakaupo, nilalantakan ang croissant na inihain sa kanya ni Manang Ising. Masarap ito at malambot ngunit dahil sa inis at pananahimik nya hindi nya maappreciate ang sarap nito. Kawawa pa ang pagkain sa kanyang ginagawa, pinipiga at pinipilas ng marahas.

"You are hurting the croissant." Malamig na sambit ng kararating lang na anak. Dumiretso ito sa ref upang kumuha ng maiinom.

Napatingin sya rito at pinagmasdan ang pag inom nito.

"Stop staring." Matalim na titig ang ipinukol nito sa kanya.

"Sorry." Mahina nyang sambit. Napayuko sya.

Lagi nalang nya naiinis sa mga kilos nya ang anak nya. And she doesn't want it anymore. She needs to do something para magbalik loob ang anak nya sa kanya.

"You seems so mad. Why, because of daddy and that woman?" Sambit nito na tila hinuhuli sya.

Napakagat sya ng mariin sa labi nya. Kanina pa ba nito napagmamasdan siya?

"No baby--"Grey stopped her.

"Don't call me baby, matanda na ako. And if you want to have daddy, do something." He said emotionless. Umalis na rin ito agad. Hindi na hinintay pa ang sasabihin nya.

"But you are my baby." She whispered silently and hurted.

Namimiss na nya sobra ang anak nyang napakalambing sa kanya. Ngayon ay pinaparamdam talaga nito sa kanya na hindi na sya nito kailangan pa.

Sa ngayon wala pa syang maisip na paraan upang mapaamo ang anak niya. Siguro ay uumpisahan nalang muna nya sa pagluluto ng masarap na ulam para sa gabing iyon.

Sinabi nya kay Manang Ising na gusto nyang siya ang magluto ng pagkain nila ngayon. Niluto nya ang pinakamasarap na putaheng alam nya. Ang specialty nya.

Sinigurado nyang napakasarap niyon kaya naman nang marinih ang sigaw ng anak nya na paparating ay naexcite sya ng sobra. Gusto nyang matuwa naman ang anak nya sa kanya ngayon nang mapalitan na ang inis nito sa kanya simula ng dumating siya dito.

"I'm hungry already nanay Ising!" Sigaw nito.

"Nagloto mame mo ng masarap na pud don, dale tikman natin. Hihihi!" Rinig nya pang usapan ng dalawa. Kaya naman dinala nya na sa hapag ang mga niluto.

Nakaupo na sa hapag ang anak nya ng maabutan. She smiled to him ngunit nag iwas ito ng tingin. Nang mailapag nya na ang malaking bowl ng ulam ay hinanap ng paningin nya si Darth. Ganito ba ito lagi? Hindi sinasabayan sa pagkain ang anak nya at inuuna ang pakikipaglandian sa babae nya. Nakaramdam siya ng galit dito.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now