kabanata 25

2.5K 87 0
                                    

Pagkauwi nila sa bahay nila ay inihiga niya muna sa kwarto nila ni Miranda ang musmos. Tahimik ang buong kabahayan. Wala gustong pumutol sa tensyon namamagitan sa kanila miski ang kapatid niya.

Sige ang palakad- lakad niya habang sinusubukan tawagan ang numero ni Darth.

Kapag napapatingin sya sa mga mata ng kanyang ama ay napapaiwas sya dahil seryoso ito. Makikita naman sa mukha ng kanyang ina ang pag- aalala.

Lubos ang pasasalamat niya sa maykapal ng sagutin na ni Darth ang tawag. Napamura pa sya ng 'shit' pero mahina lang dahil baka marinig ng mga magulang niya.

Tinignan muna nya ang magulang niya bago pumasok sa kwarto. Sumunod naman ang kapatid niya sa kanya at ito na ang nagsara ng pinto.

"M- mallari?" Tila kinakanabang sambit nito.

"Nasaan ka?" Bungad niya.

Pinanlakihan niya ng mata ang kapatid ng idikit nito ng todo ang tenga sa hawak na cellphone. Tsismosa!

"I'm here in police station. I have something to tell you, Grey is missing." Ani nito.Mahahalata sa tinig nito ang pag- aalala.

"Kasama ko sya. Nasa bahay na namin kami." Mahinahon nyang sabi.

"What? But how?" Aniya nito.Nagulat ito sa narinig.

"Magkita tayo sa babaaan ng dyip." Yun lang ang sinabi niya at binaba na ang linya.

Binuhat na niya ang natutulog na musmos.

"Ano daw sabi kapatid?" Usisa ng baliw nyang kapatid.

"Wala. Samahan mo nalang ako." Sambit niya at lumabas na sila ng silid.

"Nay, tay ihahatid ko na po muna si Grey." Paalam niya.

Tumango ang ina niya samantalang wala namang reaksyon ang ama niya.

Sa may babaan ng dyip sila naghintay.Maya- maya lang ay nandyan na si Darth. Kinuha kaagad sa kanya nito ang musmos at niyakap ng mahigpit dahilan para magising ito.

"Daddy, I found mommy." Ani nito pagkamulat.

"Thank god!" Paulit- ulit na sambit nito.

"Buti kami nakalita kay baby Grey." Bulaslas ng kapatid niya.Dapat sasabihin niya iyon kaso naunahan na sya ng atrabidang kapatid.

"Thank you very much. Nagbabayad na ako ng pinamili namin sa counter ng mawala sya sa panngin ko." Sambit nito.

"Dapat hindi ka nalilingat kapag lumalabas ka ng kasama si baby Grey. Paano kung masama ang nakakita sa kanya?" Ibubuka palang niya ang bibig niya, nasabi na ng kapatid niya. Siya dapat ang magsasabi nito.

"Masyado isang paba—"

"Ikaw na, ikaw na Miranda." Malakas nyang sabi dahilan para maputol ang sasabihin nito.Hindi sya makapaniwala sa sobrang pagka- atrabida nito.

"Dinaig mo pa ako. Dapat ako magsabi nun sa kanya e." Naiinis nyang anas dito.

"Hehehe! Peace tayo te. Bagal mo kasi ibuka bibig mo e." Nangingiti at kumakamot sa batok nitong sabi. Aba't sinisi pa talaga siya.

Habang nagbabangayan sila, natatawa si Darth na pinagmamasdan sila habang sinusuri naman sila ni Grey.

...

"Are mommy and auntie fighting, daddy?" Walang muang tanong nito.Binulong pa iyon sa tenga niya para hindi marinig ng dalawa.

"No, they're just uhm... Naglalambingan. Hahahaha!" Natatawang paliwanag niya.

"Like you and mommy did?" Inosenteng sabi nito.

Natahimik sya. Naalala nyang iyon din pala ang dinahilan ni Mallari nung bungangaan siya nito ng huling pasyal nila.Bigla ay naramdaman niya ang pag- init ng pisngi at tenga niya.Nanlaki ang mata niya. Para syang bakla na kinikilig. Yuck!

Iniling- iling niya ang mukha para mawala ang pamumula ng mukha niya. Tsk...

"Alam na nga pala nila nanay ang tungkol kay Grey, although hindi ko pa nasasabi ang dahilan kung bakit nandito ako sa sitwasyon na ito." Mahinang sabi ni Mallari.

Napasinghap at napatingin sya sa dalaga sa narinig.Nakayuko ang ulo nito habang kinukutkot ang daliri. Alam na ng magulang niya.

"Natatakot akong magpaliwanag sa kanila. Hindi ko alam kung paano uumpisahan." Sabi nito kagat- kagat ang kuko.

Gusto sana niya sabihin dito na para itong batang namomoblema dahil nahuling gumawa ng kasalaban sa pagkagat nito sa kuko.Pero walang panahon para sabihin iyon gayong nasa ganoon silang sitwasyon. At totoo nga namang nahuli sya na gumawa ng kasalanan- at iyon ang pagsisinungaling. Napailing sya. Hindi niya mapigilang purihin ang kagandahan nitong hindi basta- basta at simple, kakaiba. Cute! Napangiti sya.

"Sasamahan kitang magpaliwanag." Walang kaabog- abog nyang sabi.

"Huh? I mean, hindi pwede!" Magulong sabi nito.

"But—"

"Hindi pwede madadagdagan lang ang ipapalinawag ko kapag sumama ka. Kaya ko na." Pinal na sabi nito.

Aareglo pa sana siya pero hindi na sya pinagsalita pa ni Mallari.I'm worried about her...

Hindi niya mapigilan isipin ito at alalahanin ng maka- uwi sya sa mansyon kalong- kalong ang anak.Nangangamba sya maaaring maging reaksyon ng mga magulang nito.Biglang pumasok sa isip niya ang posibleng masapal ng mga ito si Mallari.

Napailing sya. Sumusubra ang pag- iisip niya. Your just over thinking man!

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now