kabanata 58

817 19 2
                                    

Nang gabing iyon napagtanto ni Mallari ang lahat lahat. Kahit sinabi noon sa kaniya na huwag na lumapit pa rito at malamang kapatid pa niya ang unang minahal nito ay hindi siya natigil sa muling pagbalik dito. She remembered how her parents mad so much to her nang malaman ng mga ito ang tungkol sa kanila. Lalo na ang ama niya. Gulat rin siya ng mga panahong aminin nito sa kanila ni Miranda na may kapatid sila sa labas. Anak ito sa unang minahal ngunit hindi pinakasalan. Nakilala kasi ang ina niya at minahal nito. Ang bagay na iyon, ay hindi niya inaasahan. Alam niya kasi na ang buhay nila ay simple lang dahil paniniwala niya simpleng mag-anak lang sila. Happy and contented with everything. Hindi niya inakala may tinatagong madilim na nakaraan at galit pala ito. At sa lalaking mamahalin pa niya. Sinisisi ng ama niya si Darth sa pagkamatay ni Gregina, her ate. Maging ang apo nito ay alam niyang hindi nito matanggap, at nasasaktan siya para roon. Grey doesn't deserve to be unaccepted. Wala namang kasalanan ang bata, hindi niya kasalanan na isinilang siya. Maybe their fate was only played. Ngunit kahit ganoon, ang pagmamahal niya lang ata ang hindi matitibag sa lahat. Buong buhay niya sinunod niya ang kagustuhan ng kanyang magulang, kaya sa pagkakataong iyon na ipinagkaloob sa kanya nais naman niyang sundin ang sariling kagustuhan.

Hindi man niya maipahayag sa salita nais niyang iparamdam kay Darth na kailangan niya ito. Na kaya niya ng hindi sundin ang gusto ng magulang niya. Na hindi na siya muling aalis sa tabi nito. She wants to be with him until her last breath.

Sapat na ang anim na taon na pangungulila rito. Ngayon ay gusto na lamang niyang mahalin ito ng malaya at walang pagdududa. Nais niya na angkinin si Darth at ilayo ito sa mga babaeng umaaligid dito. Kaya niyang patawarin ang kalandian nito basta ay kapag inamin niya na ang pagmamahal rito na hindi naglaho ay hindi na muling uulitin iyon. He was her happiness and he will always be.

Isang magandang umaga para sa magandang gising ni Mallari. Agad na sumilay ang ngiti sa kaniyang labi matapos tamaan ng sikat ng araw ang mukha. Uupo na sana siya mula sa pagkakahiga nang mapalingon sa tabi niya. She felt her heart beat fast as she saw the pair of eyes looking at her. Ang gawa nitong mukha ay hindi kailanman pagsasawaan niyang pagmasdan.  Gising na ito at tila hinintay lang siya magising rin habang pinagmamasdan din siya. Mabango na rin ang bibig nito halatang nagsepilyo na.

"Good morning." He said and swallowed.

Gumaan ang pakiramdam niya ng marinig ang malamyos nitong tinig.

"Good morning." Bati niya rin at sa hindi na napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. She was thinking of him giving her a good morning kiss gaya ng ginagawa nito noon ngunit walang dumating, instead she did it. Dala ng kahihiyan sa ginawa ay agad siyang tumayo at lumabas na ng kwarto hindi na tinignan pa muli ang naging reaksyon ng lalake.

Nagdidilig siya ng halaman sa hardin nang tawagin siya ni Grey.

"Mom, dad let's take a photo for my assignment. My friends wants to see you two also." Sambit nito hawak hawak ang polaroid camera nito. Hinatak siya nito at pinaupo sabay tinawag ang amang paparating na. Kumuha sila ng larawan ng magkakasama. She smiled genuinely to it.

"Nice picture." Masayang saad ni Grey.

"Let me see it." Saad ni Darth at kinuha sa anak ang camera. Nakita niya ang pangngiti nito sa nakita. Naramdaman na naman niya ang pagkatunaw at pagbilis ng tibok ng puso niya. Nagtama ang tingin nila. Ang ngiti nito ay mas lumapad sa kanya. She smiled to him to.

"You two are creepy, what's with those smiles?" Saad ng musmos at umalis na agad.

Nahiya naman siya sa napansin ng anak niya kaya tumayo na rin at tinapos na ang pagdidilig.

Sabado ng umaga nang abalahin niya ang sarili sa pag aasikaso sa anak niyang dadalo sa retreat sa school. Kasali ito sa boys scout kaya kailangan nito sumama at sa isang araw pa ang balik dahil dalawang araw at isang gabi iyon. Natutuwa siya noong una pagkat sa kaniya pinapirmahan ng anak ang permission letter for parents nito ngunit nang matantong hindi ito uuwi ng gabi paea doon ay nakaramdam siya ng pag aalala. Kahit nais man niyang tumutol ay hindi niya na ginawa pa dahil kita niya ang excite ng anak para doon. Ayaw rin niyang ipagkait sa anak ang kaalamang makukuha roon sadyang nag aalala lang talaga siya.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now