kabanata 6

4.1K 119 2
                                    

"Kanina mo ako tinitignan ng masama, really ano ginawa ko sayo?" She asked. Totoo iyon, bulgar na ipinapakita nito sa kanya ang panay na pag irap at hindi pagpansin sa kanya na ikinaiinis niya sa totoo lang. Ngayon pa kasi ito nag-inarte ngayong silang dalawa ang partner sa isang takdang aralin na ibinigay sa kanila ng guro.

"Hoy babae! Bakit ba hindi mo ako kinakusap kanina pa?" Pangungulit nya sa katabing si Olivia na kanina pa sya hindi pinapansin at iniirapan pa sya. Pilit nyang iniisip kung ano naman ang nagawa nyang hindi nito nagustuhan kaya umaakto ito ngayon ng ganun.

"Nakakainis ka alam mo yon, kaibigan mo ako pero ang dami mong hindi sinasabi sa akin." Panunumbat nito. Natawa sya sa sinabi nito. Talagang sinabi pa nitong magkaibigan na sila ah. Kelan pa? Bakit hindi nya alam. Napailing nalang sya.

"Kung magkaibigan tayo, sabihin mo sakin kinakagalit mo." Aniya rito. Ngunit inirapan lang sya nitong muli.

"Che! Friendship over na tayo ngayon. Nakakainis ka, hindi mo sinabi sakin na magkakilala pala kayo in Sir, o may something sa inyo? " Talak nito. Malakas ang loob ng kaibigan nyang isigaw iyon dahil silang dalawa palang naman ang nasa silid. Ngunit ganun pa man ay tinakpan parin niya ang bibig nito upang matigil bago pa may makarinig sa pinagsasabi nito. Nanlaki ang mata nya sa sinabi nito. Hindi nya alam kung paano nito nalaman.

"Hmp!" Pagpupumiglas nito sa mga kanya niya na mabilis naman niyang kinalasan.

"Ssh! Olive Baka may makarinig sayo at lalong hindi kami magkakakila o may something gaya nang sinasabi mo." Puna niya rito.

"Okay mananahimik ako kung ---" May sasabihin pa sana ang kaibigan niya ng mahinto dahil sa pagpasok ng apat nilang kaklase na kinikilig pa sa hindi malamang dahilan.

"Ow em gi! He is super handsome talaga." Kinikilig ng isang sambit.

"Hindi lang iyon, ang hot pa niya tignan kahit naka teacher's uniform sya, bakat ang abs Ayyiiee!"

"He is perfect for me I think, gusto ko sya maging boyfriend, tutal I'm only seventeen and he's only 27, konti lang ang agwat."

"Hey Bitch wag kang feeler, ako ang magiging girlfriend niya I swear."

Malinaw sa pandinig nila ni Olivia ang pagpapantasya at pag-aagawan nina Ruby, Heidi, Hillary, at Natalie - ang apat na myembro ng grupong Famous Cliché girls ng Xladest Academy sa kanilang batch. Bukod sa magaganda ito ay mayayaman din na syang nagdadala ng kasikatan ng mga ito, ito rin ang dahilan kaya maraming lalaki ang nahumaling sa mga ito. Mababait naman ang mga ito sa kabila ng kasikatan ngunit hindi talaga maiiwasan ang mga insekyorang nagsasabing nagbabalat tao lamang ang mga ito dahil itinatago lamang daw ng mga ito ang tunay nilang anyo. Ganun pa man ay hindi sya interesado sa mga ito dahil kahit mga kaklase niya ang mga ito ay hindi rin niya ito ka-close.

Napatingin ang mga ito sa kanila. Isang matamis na ngiti ang binigay ng apat sa kanila ni Olivia na sinuklian din niya ng ngiti rin.

"Nakita kita, pumasok ka sa kotse ni Sir." Pang aakusa ni Olivia sa kanya na hindi naman nya itinanggi. Masamang tingin ang ipinukol nito sa kaniya kaya napahugot siya ng malalim na hininga.

"Mamaya na natin ipagpatuloy ang pag uusap nito." Bulong nya sa kaibigan niya na matalim parin ang tingin sa kanya. Napabuntong hininga sya. Siguro naman ay mapagkakatiwaan nya ang babaeng ito, tutal kaibigan ang turing nito sa kanya.

Sasabihin niya pa sana na mali ang akala nito ngunit tumayo na ito at pumunta sa ibang upuan at nagpasukan narin ang mga kamag-aral nya kaya hindi na niya natuloy.

...

"Good morning Sir!" Magiliw na bati kay Darth pagkapasok sa klase.

"Good morning class." Matipid nyang balik-bati dahilan para hindi maintindihan ang tilian ng mga estudyante nyang babae. Napailing nalang sya at nangiti.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now