kabanata 1

6.2K 178 7
                                    

"Ikaw nalang mommy ko please!"

Agad na napadilat ang mga mata si Mallari nang marinig ang tinig na iyon sa isip nya. Hindi na nya kailangan pa ng alarm clock, mukhang hindi pa rin siya tinitigilan ng batang iyon o konsensya na nya. Humikab syang muli at pumikit ngunit narinig nya lang muli ang iyak ng musmos. Inis syang napaupo mula sa pagkakahiga. Ginulo nya ang buhok sa inis. Wala tuloy syang magawa kundi tumayo na. Bumaba na sya papuntang kusina nang makaramdam ng uhaw.

"Nakakainis naman, bakit hindi maalis sa isipan ko. Grr!" Sambit nya pagkatapos uminom ng tubig.

"Sige hehe... ako na mommy mo. Pero uwi ka muna sa inyo ah, tapos sabihin natin sa daddy mo. Hehe." Aniya nya kagabi sa musmos. Madami pa syang nasabi bago nakumbinsi itong umuwi na. Mabuti nalang talaga ay natagpuan din nila ang body guard nitong takot na takot habang hinahanap din ang musmos. lagot daw kasi sya sa amo nito. Ang ama ng musmos.

Babalik na sana sya sa kanyang kwarto para muling matulog nang mahagip ng kanyang paningin ang orasan sa kanilang dingding. Magaala-singko na at alas syete ang kanyang pasok. Kaya sa huli ay napagdesisyunan nyang maghanda na sa pagpasok.

Nang matapos nyang ihanda ang susuoting uniporme ay pumasok na sya sa banyo. May sariling palikuran sa kwarto nilang magkapatid. Talagang pinaayos pa ito ng ama nya para sa kanilang dalawa ng kapatid nya.

Tama lang ang laki ng kanilang tahanan para sa kanilang pamilya. Magkahati silang magkapatid sa isang kwarto, at ang mga magulang naman nila ang magkasama. Mahimbing na natutulog pa ang kapatid nya, tumutulo ang laway.

Huhubarin na nya sana ang kanyang suot upang makapag-umpisa na ng may malaglag mula sa kanyang palda na panyo at kendi. Naalala nya na naman ang nangyari kagabi. Napabuntong hininga sya. Hindi nya alam kung bakit hindi nya makalimutan iyon. Hindi na kasi sya nakapag-palit ng uniporme kagabi sa hindi malamang dahilan, dahil na rin siguro sa pagod.

Dinampot nya ang mga iyon kasabay ng isang insedenteng nagbalik sa kanyang isip. Bigla syang napabitiw sa bagay na iyon, nakita nya sa panaginip nyang gamit ang panyong iyon pinunasan nya ang luhaang mata ng isang bata at ang kending ipinang-alok nya dito. Napa-iling sya.

Naalala nya ang sinabi nya sa musmos. Kinuha nya na lamang ulit iyon at nagpatuloy upang makaligo na.

Ala sais na ng matapos sya sa pag-aayos sa sarili. Kinuha na nya ang kanyang bagpack at lumabas ng silid pababa. Hindi pa sya tuluyang nakakababa ng malanghap ang mabangong amoy na iyon, Hindi na nya pala namalayan ang paggising nito.

"Hmm!ang sarap naman po nyan." Paglalambing nya sa inang abala sa paghahalo ng kanin sa kawali. Niyakap nya pa ito sa likod.

"Asus! sinangag lamang ito at tocino." Anito habang abala sa paghahanda ng almusal nila.

"Pero iyan naman po ang pinakamasarap na tocino at sinangag sa buong mundo." Pagmamalaki nya.

"Naku! Nambola pa, o sya maupo ka na at paghahainan na kita ng almusal ng makakain ka na." Anito at nagpatuloy na sa ginagawa.

"Ma'am yes ma'am." Aniya sabay saludo rito.

Iniidolo nya talaga ang kanyang ina sa lahat ng bagay. Naupo na sya habang ang kanyang ina ay abala sa paghahain ng magsalita ito.

"Nga pala bakit gabi ka na nakauwi?" Pagtatanong ng ina. Hindi nya na sinabi pa ang dahilan, wala lang naman kasi iyon sa kaniya. Hindi importante kumbaga.

Hindi nga ba?

"Ah may tinapos lang po sa eskwelahan nay." Pagdadahilan na lamang nya.

"Ah ok, pero sa susunod sanay mag text ka kung gagabihin ka ng uwi para hindi ako nag-aalala sa iyo." Anito. Mababasa dito ang nararamdamang pag-aalala sa kanya.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now