kabanata 15

3.5K 99 0
                                    

"Tsk ! My wife, may sapak talaga yung lalaking iyon.Akala nya siguro madadala nya ako sa kalandian nya.Oo malandi sya!"pagkausap ni Mallari sa sarili.

Gabi na pero hindi parin sya dinadalaw ng antok. Iniisip nya parin magpahanggang ngayon ang nangyari kanina at huling pangungusap na binitawan ni Darth.Kahit mahina ang pagkakasabi nito ay malinaw nya itong narinig.

Maya maya lang ay nakaramdam sya ng pagkauhaw kaya napagdesisyunan niyang bumaba. Ngunit hindi nya naituloy ng mapadaan sya sa harap ng salamin ng kanyang kwarto.Tila may kung anong pwersa ang nagtulak sa kanya para tignan ang sariling repleksyon dito.

Pfft! Ehem, goodnight my wife

Pfft! Ehem, goodnight my wife

Pfft! Ehem, goodnight my wife

Pfft! Ehem, goodnight my wife ...........

*Lubdub*

*Lubdub*

*Lubdub*

*Lubdub*

Naalala naman nya ang mga katagang binitawan ni Darth.Ngunit ang hindi nya inaasahan ay kasabay nun ay ang pagbilis ng tibok ng puso nya at ang pag-init ng mukha nya.

"A-anong nangyayari sakin? H-hindi ako makahinga ng maayos."natataranta nyang sambit. Napahawak sya sa kanyang dibdib.

"Hwuah!" Sigaw nya at dali daling humiga sa kanyang kama at nagtalukbong.

Tila isang patay na nabuhay muli si Mallari kinaumagahan ng sya'y tumayo.Hindi sya nakatulog sa hindi nya malamang dahilan.

"Ay jusko pong bata ka!"gulat na sabi ni manang ng makasalubong nya sa ibaba ito.

"Good morning manang."walang ganang bati nya.Nilagpasan nya na ito tyaka dumiretso sa kusina at kumain na ng almusal.

"Aaaahh! Daddy zombie!"napatingin sya sa pinto ng marinig ang sigaw ni Grey. Napatayo rin sya ng wala sa oras at tinignan ang paligid.

"Asan ang zombie?"natataranta nyang sambit.

"What's happening?" Bungad ni Darth pagkapasok sa kusina kasama ang anak nitong mahigpit na nakayakap dito.Nagkatinginan sila sandali pero mabilis din syang umiwas.

"Daddy there's a zombie here!"natatakot na sambit ni Grey.

"Pffft!"

Napalingon sya ng marinig ang pigil na pagtawa ni Darth. Sinamaan nya ito ng tingin pero ibinaling nya rin kaagad kay Grey ang kanyang titig ng mapansing tinuturo ng hintuturo nito sya.

"Pfft! Grey she's not a zombie. Si mommy yan.Pfft!"paliwanag ni Darth kay grey na nagpipigil pa ng tawa.

Naramdaman ni Mallari ang muling pag-init ng pisngi niya.Ano bang itsura ko? Tanong nya sa sarili. Kung tumingin lamang muli sya sa salamin ay nakita nya siguro ang itsura nya pero dahil sa pagtingin nya rin kasi sa salamin kaya hindi sya nakatulog.

"Mommy?" Napatingin syang muli kay Grey ng tawagin sya nito.Nginitian nya ito ng matamis.

Unti-unti itong kumalas sa ama nito at naglakad palapit sa kanya. Nang kalapit ito ay lumuhod sya sa harap nito tyaka niyakap ng mahigpit.

"Sorry mommy for calling you zombie."

"It's okey baby, but sobrang ugly na ba ni mommy ?"Humarap sa kanya ang musmos tyaka sya nginitian habang hinahaplos nito ang mukha nya. Sweet!

"No mommy,your very very pretty."nakangiting sambit nito.Ginulo nya ang buhok nito.

"Yay! That my baby."

"Ehem!"napalingon pareho ang musmos at si Mallari ng tumikhim si Darth.Para itong tangang nagpapansin.Napairap nalang si Mallari.

"Hihihi! Mommy, daddy is jealous oh!" Humahagikgik na bulong ni Grey kay Mallari.Nginitian niya lang ito.Kamo papansin yang ama mo!

"Daddy come here, let's group hug."aniya ng musmos sa kanyang ama.

"Is it okey with your mommy?"tanong nito sa anak.Kitams,arte!

"Bilis daddy." Pagkasabi nito ay otomatikong pagkalapit ay niyakap silang dalawa ng musmos ng mahigpit.Magkaharap sila habang nakatalikod naman sa kanila si Grey.

"I love you mommy, I love you daddy."malambing na sambit nito.

"I-i l-love you baby..."sagot niya. Naiilang sya tinging ipinupukol ng lalaki sa harap nya.Kahit gusto nyang umiwas ay hindi naman nya magawa dahil sa yakap si ni Grey sa leeg.

"I love... you...my son."ani ni Darth ng hindi parin inaalis ang titig sa kanya.Pakiramdam nga nya ay sa kanya ipinararating ni Darth ang sinambit nito.Ilusyunada! aniya ng kanyang isip.

"I like you, Mallari."biglang sabi ni Darth. Bumilis ang tibog ng puso nya dahil duon.Maliwanag na maliwanag ang pagkakarinig nya.Sa kanya iyon sinabi, sigurado sya dahil binanggit nito ang pangalan nya.

"Ano ba malelate na ako, bitawan mo nga ako."pagpupumiglas nya sa pagkakahawak sa kanya ni Darth. Pilit sya nitong pinasasakay sa sasakyan nito para isabay papasok.

"Bitawan mo ko sa--"Napahinto sya sa pagpupumiglas sya ng tignan sya ng seryoso niDarth.

............

"Bakit ba ayaw mong sumabay, ihahatid lang naman kita a, tyaka ilang araw mo na akong iniwasan a, sabihin mo nga bakit ilag ka sa akin ngayon?"matigas na sambit nito.Bumilis ang tibok ng puso nya. Ngayon lang ito nagalit sa kanya.

At tama iyon, simula ng araw na sabihin ni Darth ang mga katagang 'I like you' ay iniwasan na nya ito.Kahit hindi masyadong nilinaw ni Darth sa kanya ang ibig sabihin nito ay alam nya ang nais iparating batay sa kinikilos nitong ng mga nakaraang araw magpahanggang ngayon.

Simula kasi ng araw na iyon ay kung ano ano ng ang ginagawa ni Darth na hindi naman dapat gaya ng pagpapahatid sa kanya ng pagkain tuwing recess sa school, paghintay sa kanya tuwing uwian, pagpilit sa kanya sa pagsabay papasok sa Xladest, at pagsama sa kanya sa kwarto ni Grey para patulugin ang musmos.Ngunit sa kasamaang palad ay lahat ng iyon ay hindi nya pinapansin, gaya nalang ngayon ay pinipilit na naman sya nitong isabay.

"Ano hindi mo ako sasagutin?"nabalik sya sa reyalidad ng magsalita muli ito.Umiwas sya ng tingin dito.

"Wala, wala kang pakialam duon."walang emosyong aniya.

"Anong wala.Simula ng pumayag ka na maging ina ng anak ko,meron na akong karapatan sayo."walang gatol na ani nito.

Marahas syang napatingin dito.Nagulat sya sa inani nito.

"Hindi mo ako pagmamay-ari."mariin nyang sabi dito.Kumawala sa pagkakahawak nito at naglakad na ng mabilis.

"Mallari!" Tawag nito sa kanya ngunit hindi niya pinagkaabalahang lingunin pa.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now