Kabanata 45

1K 26 1
                                    

Ilang taon na ba sya? 28 or 29? Hindi na nya pa matandaan. Mas naging matikas at matigas ang pangangatawan nito. Mas naging maawtoridad ang dating nito. Mas naging maputi at pakiramdam ni Mallari mas tumangkad pa lalo ito, o hindi lang talaga nagbago ang height nya? Unfair!

Nagkaroon man ng  kaunting bigote hindi nabawasan ang pagiging magandang lalake nito. Kulay pink parin ang labi nito na akala mo nag aaya ng halik. Ang mga abong pares ng mata nito ay parang mata ng mga mababangis na hayop. Nakakainggit din ang natural na pagiging makapal ng mga kilay nito. At ang buhok, mas malinis at mas maayos pa sa buhok nya. He is close to perfection. Mas naging prominent ang kagwapuhan nitong taglay. At hindi maitatanggi na kahit sinong babae ay nanaising mapaibig ito, at mukhang kasama siya rito.

Hanggang ngayon may nararamdaman parin ba sya para rito? Pinakiramdaman nya ang sarili, marahil ay kahit papaano may puwang ito sa puso nya ngunit ang nararamdaman nya noon siguro ay naglaho na? Hindi sya sigurado. Sino bang magiging sigurado kung nasa posisyon nya? Ito lang namang lalakeng ito ang first love at the same time greatest love nya.

Nanatili silang dalawa na nakatayo, nakatingin mata ng isa't isa. Nagtataka sya. Bakit parang malungkot ang mga mata nito na parang masaya? Ang gulo. She can't predict what he is thinking. She wants to know and she don't even know why. Wala parin mga salita ang lumalabas sa mga labi nila. Naiilang na rin sya sa malalim na titigan nila na animo ay nag uusap at nagpapakiramdaman sa pamamagitan ng kanilang mga mata.

She miss him,too!

Hindi nya na matagalan ang kanilang titigan kaya nagawa nya nang basagin ang katahimikan.

"Ha...hi!" she said. Hindi ito sumagot. Naloloka sya, parang tinambol ang dibdib nya bigla sa kaba.

"So bakit ako narito?" dagdag pa nya.

"I brought you here last night." he replied blantly.

" May g--ginawa ka bang m--masama sakin, or you uncloth.."  hindi na nya natapos pa ang sasabihin nang magsalita ito.

" Do you really think gagawin ko iyon sayo?" sambit nito sa tinig na tila matigas.

"hehe... Gotta go! Marami pa akong aasikasuhin e." Akmang lalabas na sya ng pinto nang humarang ito.

" Who have no work for this season." he said as if he knew my working schedule.

"Ow! How did you found out? Hahaha! Iniistalk mo ko no." Naiilang nyang sabi.

"Yes." walang ka takot takot na sagot nito.

Huh, really?

"Uuwi na ko sa bahay ko. Let me out." aniya at tangkang aalis na.

"Kakabenta ko lang bahay mo. All your things ay nasa baba na, I already transfer all your things here." dire diretso nitong sambit. Nanlaki ang mata nya sa narinig.

"WHAT? Why did you do that?" hindi makapaniwala nyang sambit sa mataas na boses.

" Because you'll be staying here hanggat hindi tayo nakakauwi ng Pilipinas." he said a matter of fact.

"What the hell! At sino ka para magdesisyon sa buhay ko?" she roared angrily. Sino ba namang hindi magagalit. Kahit gwapo sya wala syang karapatang biglang ibenta ang bahay ko at ilipat ang mga gamit ko rito sa bahay nya without my permission! Sambit nya sa isip.

"Why are you doing this? What do you want? Revenge, kasi iniwan kita ng walang paalam? Mygod! It's been six years, don't tell me hindi nawala galit mo sakin after those years." litanya nya.

"I want you back. Wala akong planong maghigante or what. Hindi pumasok sa isip ko yun. And yeah, it's been fucking six years pero hindi ka parin mawala sa sistema ko." he answered back that made her silent.

Ano raw? What does he mean by that?

"Come back to me, Mallari. Come back to us. Come back to our home, and be my son's mother again." he pleaded.

Natulala sya at napanganga.

"Grey miss you so much honey." he said sofly

At bumalik sa kanya ang lahat lahat. Ang nakaraan. She remember from the start, kung paano nya nakilala ito, at ang anak nito. Si Grey. Ilang taon na ba ito, naaalala pa ba sya nito?  Nakaramdam sya ng galit sa sarili nang mapagtanto na sya nga mismo ay nakalimutan na ang mag ama.

"Nasaan sya?" tanong nya.

"Philippines waiting for you." he said.

Mommy!

Tila narinig nyang muli ang malambing na pagtawag sa kanya ng musmos.

She misses her little guy so damn much!

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now