kabanata 26

2.7K 85 0
                                    

Tahimik na nagsasalo- salo sa hapag ang mag-anak. Hindi alintana ang tensyon dahil sa mga nangyari kaninang umaga. Tanging ang nakakabinging katahimikan lang ang maririnig.

Lingid sa kaalaman ni Mallari na sya ang may puno't dulot nun.Alam nyang tungkol sa paliwanag niya ang babasag sa imik ng isa't isa.

"Pagkatapos nito ay wala munang matutulog.Mag- uusap- usap tayo." Basag ng ama niya sa katahimikan. Mababasa ang awtoridad sa sinabi nito,diin ang kapangyarihan ng pqgiging ama. Tanging pagtango lang ang naisagot niya, ng kanyang kapatid at ina.

Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya.Nanunuuot sa kaibuturan niya ang lamig na nararamdaman niya.

Naghuhugas sya ng pinggan. Mabagal ang pagkilos niya dahil alam nyang pagtapos nito ay nakakatakot na pag-amin ang magaganap.Hindi parin niya kung paano mag- uumpisang magpaliwanag.

Kahit anong pagbabagal man ay talagang hindi niya maiiwasang matapos.Nanginginig nyang nilalagay ang huling platong pinunasan sa lagayan.

Kita nyang tahimik na nakaupo sa sala ang tatlo, patunay na sya na lamang ang hinihintay. Umupo sya sa tabi ng kanyang kapatid na nagkukutkot ng kuko.

Napapikit sya ng mariin.Huminga sya ng malalim. Sya na ang babasag ng katahimikan dahil mukhang walang balak ang mga ito.

"T-tay nay, ganito po kasi yun..." Panimula niya. Yumuko sya

"Nung unang araw ko po sa kolehiyo ay pareho ng araw ng gabing makita ko si Grey sa may puno, umiiyak.Nilapitan ko po sya, tinanong ko po kung saan sya nakatira at kung nasaan ang magulang niya tapos yun diretso nyang sinabing wala na ang ina na at ang tatay niya busy daw sa monkey business nito..." Mahinang litanya.

"Ewan ko kung sinasadya na makita ko muli sila. Kinulit ako ng kinulit ng bata hanggang sa campus. Tapos pati ama niya kinulit narin ako. Hindi naman talaga ako papayag e, kaso nalaman kong may sakit ito. Naawa ako kaya pumayag ako..." Pagtuloy niya.

Huminto sya sandali.Hindi na niya alam ang susunod na sasabihin.

"Tapos?" Naiinip na tanong ng nanay niya.

Tumingin sya sa kapatid para humingi ng tulong. Naikwento na niya kasi ito ng buo sa kapatid, maliban sa nararamdaman niya. Umiwas kaagad ng mabilis ang kapatid niya.

Walang kwentang kapatid! Anas niya sa isip.

"Ano po, yun nga po pumayag ako. Kailangan ko pong tumira sa bahay nila, I mean sa mansyon nila kaya n-nagsinungaling po ako nay. Nay, tay, sorry po!" Aniya.

Paulit- uli sya humingi ng tawad. Tumulo rin ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata maipakita lang nyang sinsero sya sa sinasabi.

Napabuntong hininga ang nanay niya bago lumapit sa kanya para yakapin sya.Pinapatahan sya nito. Samantalang ang kanyang ama ay walang kibo at blanko ang ekspresyon. Marahil ay hindi pa ito lubos na nakakahuma sa mga narinig. Ngayon ay malinaw na dito kung bakit hindi humingi ang anak ng pangbayad sa dormitoryo kuno na kinuha nito at maging sa panggastos nito sa araw- araw at sa eskwelahan.

Napabuntong hininga ang ama niya. Hindi pa siguro nito tanggap ang nangyari kaya pumasok nalang ito ng silid nilang mag-asawa.

Naiyak lalo si Mallari. Mas gugustuhin pa nyang sinampal sya nito kaysa sa maging malamig ito sa kanya. Ayaw nyang ng dahil lamang sa kanya ay masira ang masaya nilang pamilya.

Pinaramdam sa kanya ng kanyang ina na napatawad na sya nito. Alam nyang kasi sa mga ganitong sitwasyon, kahit anong kasalanan ang magawa ng isang anak tatanggapin at papatawarin parin ng ina ito gaano pa kabigat iyon.

Inalalayan sya ng kanyang kapatid papasok sa kanilang silid.

"Huwag ka ng umiyak ate. Ano ka ba! Bukas bati na kaagad kayo ni tatay." Pag- aalo ng kapatid nyang si Miranda.

" *hik* S- sana nga... *sniff*" aniya. Ngumiti sya rito.

Nilamutak ng kapatid niya ang mukha niya.

"Ang pangit mo ate! Hahaha!" Pang- aasar nito.

"Argh! Ano ba mashaket! Mir- anda! Tumigil ka nga!" Pagsuway niya dito. Imbis na sundin sya ay tumawa lang ito ng malakas.

Napatigil lang sila ng may tumunog. Sabay pa nilang tinignan ang sari- sariling cellphone. Nakumpirma nyang sa kanya ang tumutunog ng makita ang numero ni Darth ang tumatawag. Dali- dali nyang sinagot iyon.

"H- hello...?" Nag- aalangang sambit niya. Nakatingin lang sa kanya ang kapatid niya.

"Happy new year mommy!" Masiglang bungad ng musmos sa kanya.

Napatakip sya sa kanyang bibig ng mapagtantong si Grey ang bumati. Tumulo na naman ang kanyang luha.

"B- baby... *hik* !" Nahihirapan nyang sabi. Pinipigilang marinig sa kabilang linya ang paghikbi niya.

"Mommy are you crying?" Nag- aalalang tanong nito.

"N- no baby! Happy lang si mommy kasi hindi mo ako nakalimutang i-greet." Sinikap nyang masambit iyon ng hindi nauutal.

"Happy new year, too baby." nakangiti ngunit lumuluha paring sabi niya.

"Mommy, daddy wants to greet you, too." Sabi nito bago sandaling tumahimik sa kabilang linya.

"M- mallari..." Nag- aalalang tawag nito sa kanya.

Napahagulgol sya ngunit tinakpan niya ang cellphone para hindi sya marinig. Nang makahupa sya ay binalik kaagad din niya sa tenga niya ang cellphone.

"Nandyan ka pa ba M-mallari?" Tanong nito sa kabilang linya.

"O- oo! Ano, may ginawa lang ako sandali. Hehe! Nga pala sabi ni Grey babatiin mo daw ako ah!" Pilit nyang pinasisigla ang kanyang tinig.

"Happy new year mommy, and I love you..." Mahina ngunit mababakas sa tinig nito na sinsero iyon.

Napapikit sya ng mariin. Nation parin ang mga luhang walang humpay sa pagtulo.

Isa pa ito sa kinahaharap nyang suliranin ngayon, ang nararamdaman niya. Alam niya sasariling gusto na nyang tugunin ang sinasambit nito ngunit hindi pa oras.

"Pwede bang happy new year lang muna? Next time nalang yung sagot sa isa." Pagbibiro niya.

"It's okey. I'll wait." Mahinang sambit nito. Rinig niya ang pagbuntong hininga nito matapos sabihin iyon.

He can wait, but until when? Biglang tanong niya sa sarili. Hindi niya alam kung hanggang kailan ito maghihintay, o baka bukas makalawa magulat nalang sya may bago na itong sasabihan ng mahal dahil nainip na sa kanya.

"Sige na ibababa ko na ito, bye daddy !" Malabing nyang sabi pambawi man lang sa pagsabi nito ng 'I love you'.

Aaminin nyang natakot sya sa isiping baka magsawa ito sa kakahintay sa kanya.

"Ayeeeh! Luma- love life ang aking ateng ah!" Pangangantyaw ng kanyang kapatid matapos nyang putulin ang linya.

"Che! Kuha mo na nga lang akong tubig, nauuhaw ako e." Utos niya.

"Yan kasi, drama pa ateng. Gusto mong award? Best actress goes to Mallari Alcantara!" eksaheradong sambit nito. Napailing nalang sya. Masakit sa ulo magkaruon ng abnormal na kapatid !

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now