Chapter 55.1

17.8K 207 9
                                    

CHAPTER 55.1

Luna

"Everyone, please fasten your seat belts and we're about to take off," sabi noong flight attendant.

            Malapit ako sa bintana at katabi ko si Justin. Sina Steff at Kevin, Rio at Sarah kasi ang magkakatabi. Oo, nandito ngayon si Sarah. Sinabi kong isama siya dahil baka kailanganin namin ang tulong niya. Mas madami ang bilang namin, mas maganda. Baka sakaling makumbinsi ko ang mga magulang ni Jessie.

            "Jacket?" alok sa akin ni Justin dito sa tabi ko.

            Tumango ako. "Thanks." Kinuha ko iyon. Nilalamig na din kasi ako. Inaamin ko, wala akong panahon para mag-empake ng gamit. Kinuha namin ang pinakamaagang flight papuntang America at buti na lamang at nakakuha kami ngayong gabi, 11 PM.

       Naramdaman ko ang pag-andar ng eroplano. Napatingin ako sa labas habang patuloy ang pagtakbo nito. Biglang may pumasok na alaala sa isipan ko... 

            ‘Honey Ko! ‘Wag mo kong iwanan! Mahal na mahal kita! Honey Ko!’

            Pumikit ako at saka napayuko. Nangilid ang luha sa mga mata ko at tila maya-maya lamang ay isa-isa na silang tutulo. Parang sirang plaka ang sinabing iyon ni Jessie sa akin noong kasalukuyan akong lumalayo sa kanya. Ako, nakasakay sa eroplano at siya naman, tumatakbo at hinahabol ako. 

            ‘Honey Ko! Honey Ko!’

            Unti-unting umangat ang eroplano. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang damdamin ko. Pagkalipas ng ilang minuto ay nasa ere na kami.

            "Luna." Napalingon ako kay Justin. Nakatitig siya sa akin. "Sorry," sabi niya.    

            "Bakit ka nag-sosorry?" tanong ko.      

            "Kasi hindi ko napigilan si Jessie. Wala akong nagawa." Yumuko siya at bakas sa mukha niya ang kalungkutan.    

            Hinawakan ko ang kamay niya. He looked at me. "Hindi, Justin. I should be the one... saying sorry."      

            "Bakit?" 

            "Kasi... dapat ngayon ko sasabihin ang sagot sa tanong mo noon. Kung pwede mo ba kong maging girlfriend."    

            Tama, dapat ngayong Christmas Eve ko sasabihin ang sagot ko sa kanya. Na dapat sana ay positive.I wanted to give him a chance. Pagod na pagod na ko sa kakaiyak kay Jessie noon. I wanted a new life at sa tingin ko, si Justin ang makapagbibigay sa akin noon.    

            Pero siguro nga, hindi talaga kami ang para sa isa't isa.    

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon