Chapter 19

24.1K 350 26
                                    

CHAPTER 19

Luna

 

“Sis, bilisan mo!” sigaw ni Steff.

            “Oo, sis, teka lang naman!” mabulul-bulol na sabi ko.

            “Dalian mo namang mag-toothbrush! Kanina ka pa dyan. Baka mabungi ka na!” Tsk. Kapapasok ko pa nga lang sa banyo e. “Naku, dali, sis! Ayan na ‘yung PC!”

            Minadali ko yung pagtu-toothbrush. Kinuha ko ‘yung baso ng tubig at nagmumog. Pinunasan ko ‘yung mga kamay at bibig ko ng towel at saka lumabas ng banyo. Magkatabing nakaupo sina Steff at Kevin sa kama at tutok na tutok sa TV.

            Pagtingin ko sa TV, nakita kong papaupo na sina Justin, Rio at Jessie sa likod ng isang mahabang table. Ngumiti sila sa camera. Lahat sila ay semi-formal polo shirt. Umupo ako doon sa may sofa at muling itinuon ang atensyon sa TV.

            Ngayon ang press conference na ipinangako ng PC para sa media. Tumahimik ang paligid. May tumayong isang reporter at lumapit sa mic na nakalagay sa may aisle. “Good afternoon. This question is for Mr. Wright. Kumusta na po ang kalagayan ni Mr. Perillo?”

Kinuha ni Jessie ‘yung mic na nakapatong sa table at nagsalita. “Good afternoon. He’s fine. Sa awa ng Diyos, naka-recover naman siya. Thankful din kami sa lahat ng prayers at sa lahat ng fans na nag-send ng get-well-soon messages kay Kevin.”

“Gaano pa po siya katagal mananatili sa ospital?” tanong ulit ng reporter.

            “Well, maybe a month or two? I don’t know. He’s still under the supervision of the doctor. But we’re glad to announce that he’s doing really well.”

            “Thank you, Mr. Wright.” Umupo na ‘yung reporter. Nagpasalamat na din si Jessie at muling ibinaba ‘yung mic sa table. May tumayong isang matabang reporter at nagsalita sa mic sa gitna.

            “This question is for Mr. Lee. Maraming nagtatanong kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Bakit po ba nabaril si Mr. Perillo?”

Kinuha ni Rio ang mic. “We were inside our van. Nakaparada kami sa tapat ng isang abandonadong factory dahil nagkaroon ng problema sa makina. Then one of my friends went out to buy a drink. Pero noong pabalik na siya, nakita ni Kevin na parang may mga lalaking sumusunod doon sa kaibigan namin.”

            Tumaas ‘yung kilay ko. “Sabi na nga ba.” Napatingin kami ni Steff kay Kevin. “Sabi na nga ba at hindi nila sasabihin ang totoo,” pagpapatuloy ni Kevin.

            “Bakit naman, Babe?” tanong ni Steff.

            “Utos ‘yan ng IVF Entertainment, ang talent agency namin. Hindi naman kasi pwedeng sabihin na pumunta kami para iligtas si Luna. At lalong hindi pwedeng sabihin na nakipagsuntukan kami at humawak ako ng baril. Sikat ang Pepperoni Cheese. Madaming magiging spekulasyon at baka makasira pa ‘yon sa career namin.” Nagbuntong-hininga si Kevin. “Alam kong hinaharang ng kompanya namin ang public investigation ng kaso. They’re investigating it privately.”

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon