Chapter 36.1

22.6K 272 20
                                    

CHAPTER 36.1

Luna

Hundred Islands ▪ Day 1

Bumaba na kaming lahat sa bus. “Shucks, ang ganda!” sigaw nung isang baklang estudyante.

           

        “Ang linaw ng tubig!”

            “Tara, swimming na tayo!”

            “Loko, palapa kita sa pating dyan, e!”

            “Students, please behave!” sigaw ni Mr. Pineda habang pinipilit na ayusin ‘yung mga estudyanteng pumunta na sa may sakayan ng bangka.

            “Sis!” Yumakap si Steff sa likuran ko. “Ang ganda! Payakap!”

            “Nye, ano konek?”

            “Wala, maganda kasi ako.” Tapos ay tumawa siya.

“Babe! Tara sakay na tayo sa bangka.” Kinuha ni Kevin ‘yung kamay ni Steff at saka hinatak papunta sa isang bangka sa may daungan.

            “Tara na?” tanong ni Justin sa tabi ko.

            “Paano ‘yung mga bagahe natin?” tanong ko.

            “‘Yung professors na ang bahala doon. Hindi kasi pwedeng isakay sa maliliit na bangkang katulad niyan kasi baka hindi kayanin.”

            “Ah.” Pumunta na kami ni Justin doon sa maliit na bangkang sinakyan nina Kevin at Steff. Ipinatong ko ang kanang paa ko sa bangka at...

            “Aaah!” Napahawak ako sa kahoy na poste. Bakit umuuga siya? Huhuhu.

“Hahaha! Si Luna takot! Haha!” tawa ni Kevin habang itinuturo pa ko. Binigyan ko siya ng isang masamang tingin.

            “Haha, relax lang, hindi naman tayo lulubog. Teka ako muna sasakay.” Unang pumunta si Justin sa bangka. Umupo siya sa loob at saka inilahad ang parehong kamay sakin. “Halika na.”

            Lumunok ako. O, Lord, hindi naman siya lulubog, ‘di ba? Hinawakan ko ang parehong kamay ni Justin at sinubukang itapak ang isang paa ko doon sa bangka. Ang hirap, umuuga siya. Huhu.

            Tumabi ako kay Justin sa upuan. Ang sumunod namang sumakay sa bangka ay si Kat at Jessie. Umupo sila sa likuran namin kaya naman medyo naiilang ako. Pero minabuti kong huwag na lang pansinin ang nararamdaman kong iyon.

            Huling sumakay si Rio. “Pare, nasaan si Sarah?” tanong ni Justin.

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon