Chapter 18

23.3K 318 17
                                    

CHAPTER 18

Sarah

“I want to have news about him. And that’s final.”

            Ibinato ni Mr. Lozada ‘yung report paper ko sa office table niya. Kinuha niya ‘yung tabako at humitit ng kaunti. May katandaan na siya. Siguro ay mid-forties na. Napangiwi ako. For two reasons: una, ang baho nung usok na nanggagaling mula sa tabako niya at ikawala, napakakulit ng taong ito.

            “I told you, Mr. Lozada. Hindi ko magagawa ‘yung pinagagawa niyo. And that’s also fimal.” Lumapit ako sa office table niya at kinuha ‘yung written report ko o article para sa newspaper company kung saan ako suma-sideline.

            “So, Ms. Vernon. Is that a word of resignation?” matapang ‘yung boses ni Mr. Lozada.

“If that’s what you think,” I said.

            Tumawa ng mahina si Mr. Lozada. Ikiniskis niya ‘yung dulo ng tabako sa ash tray. “Iyan ang gusto ko sa’yo. Palaban ka. Hindi ako nagkamali ng pagpili sa’yo.”

Tumaas ang kilay ko. Ipinatong niya ‘yung magkabilang siko sa table. Pinagdaop niya ‘yung mga kamay niya at ipinatong doon ang kanyang baba habang nakatingin sa akin ng may kakaibang ngiting naglalaro sa mga labi niya. “I still won’t drop the article.”

            Inis akong huminga ng malalim. “Ano ba, Mr. Lozada! Sabi ko namang hindi ko gagawin–”

            “You’ll do it,” matapang na pahayag ni Mr. Lozada. “Whether you like it or not.”

            Kumunot ‘yung noo ko. “Hindi mo hawak ang buhay ko kaya wala kang karapatang sabihin kung ano ang gagawin ko o hindi.”

            “I’ll pay you big time.”

            “I don’t care about your stupid money.” Kinuha ko ‘yung bag ko sa may upuan at akmang aalis na sa loob ng office nang bigla siyang nagsalita.

            “Wag mong idamay ang sariling damdamin sa trabaho.”

            Napahinto ako sa paglalakad. Lumingon ako sa kanya at ngumisi. “Look who’s talking. Hindi ba’t kaya mo sakin pinapagawa ‘yon ay dahil na rin sa sariling damdamin mo?”

            “I know. But I’m the boss. And you’re just my journalist.” Ipinagdiinan ni Mr. Lozada ‘yung dalawang salitang iyon.

            “Not anymore. Because I resign.” Tumalikod muli ako sa kanya at hinawakan ‘yung doorknob.

“You’ll regret this someday, Ms. Vernon. Alam kong darating ang panahon na pasasalamatan mo ko at inalok ko sa’yo ang trabahong ito. But don’t worry, because my office is always open for you. If ever you change your mind.” Sumandal si Mr. Lozada sa black office chair niya at ngumiti sa akin.

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon