Chapter 38.2

22K 272 33
                                    

CHAPTER 38.2

Luna

Hundred Islands ▪ Day 2

“Jessie.”

            Tumingin siya sa akin. “Hm?”

            “Hanapin na kaya natin si Steff?” sabi ko.

            Ngumiti siya at saka tumango. “Okay.” Tumayo na kami ni Jessie sa buhangin. Pinagpag ko ‘yung maliliit na butil ng buhangin na kumapit sa pantalon ko. Papaalis na sana ako ng biglang...

            “Honey Ko.” Huminto ako sa paglalakad at saka lumingon kay Jessie. Pumunta siya sa tabi ko at saka hinawakan ang kamay ko. Bumaba ang tingin ko doon sa mga kamay namin. Tumalon ang puso ko sa ginawa niya. Ang lambot ng kamay niya. Ang init sa pakiramdam.

            Ngumiti siya sakin. “Pahawak, ah?”

            Tumawa ako ng mahina. “Okay.” Lumakad kami ng magkahawak ang mga kamay. Nakakaramdam ako ng kiliti sa palad ko. Kung minsan nga’y sumisimple ako ng tingin sa mga kamay namin at lihim na napapangiti.

            “Sis!”

Lumingon kaming dalawa ni Jessie sa pinanggalingan ng boses na ‘yon. May babaeng papalapit sa amin ngayon. May hawak siyang nilagang mais na nakatusok sa stick. “Ano nangyari–?” Bigla siyang huminto sa pagtakbo. Sinundan ko ‘yung tingin niya.

            Biglang nag-init ang mukha ko. Nakatingin si Steff sa magkahawak na mga kamay namin ni Jessie. “Sis? A-Anong ibig sabihin nyan?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Steff sa akin.

            “Um, k-kasi, sis. Ano...” Yumuko ako at kinagat ang ibabang labi ko. “Teka, paano ko ba ie-explain sayo ‘to? Um. Kasi–”

            “Bumalik na ‘yung alaala ko.”

Tumingin si Steff kay Jessie at napanganga ng kaunti. Hindi agad siya nakapagsalita dahil sa gulat. “B-Bumalik na?” Tumango si Jessie. Nahulog ‘yung mais na hawak-hawak ni Steff kanina. Itinakip niya ‘yung kamay sa bibig niya. “Oh my gosh!”

“Sis, baka atakihin ka dyan?” natatawang sabi ko sa kanya.

            Umiling-iling pa si Steff na para bang may pilit na inaalis sa isipan niya. “I can’t believe it! It’s so sudden!”

            Tumawa ko. “Wow, sis, English ‘yun, ah?”

            Itinuro niya ko. “Huwag kang magulo, Luna Reyes! Ina-absorb ko pa ‘yung makalaglag panty na sinabi ni Jessie!”

            “Bakit? Tutol ka ba?” nakangiting tanong ni Jessie.

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon