BMA Special Chapter #2 (5.18.14)

19.9K 274 45
  • Dedicated kay LunessieLoveteamFans:)
                                    

Mapa-publish na po ang MY DRUMMER BOY! I'll keep you guys updated. :)

NO SOFTCOPIES.

Twitter: @Nikkidoo_03

Instagram: @nikkidoowp

--------------------------------

BMA Special Chapter #2

Luna

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

      Ang liwanag kaya naman tinakpan ko sandali ng braso ko ang mga iyon at alam kong wala na sa tabi ko si Jessie. Inaantok pa yata ako. Pagkaraan ng limang minutong pagbababad sa kama, napagdesisyunan kong tumayo na.

     Tiningnan ko ‘yung sarili ko bago tumayo. Oh well, may suot pa naman ako. HAHA.

     Pumunta ako sa CR at naghilamos. Pagkatapos ay nagsuklay ako at saka lumabas ng kwarto. Nakarinig ako ng kaluskos kaya naman pumunta ako sa kitchen. Ngumiti ako noong makita ko si Jessie na nakatalikod sa akin, nakaharap sa may stove at nagluluto habang may nakasuot sa kanyang apron.

     Nakasuot siya ng white sando at gray pajamas. Lumapit ako at yumakap sa likuran niya. Halata namang nagulat siya kasi biglang naging tensed ‘yung mga muscle niya. “Good morning,” sabi ko at saka hinalikan ‘yung balikat niya.

 

 

      Kahit na nakalapat ang pisngi ko sa likuran niya ay alam kong nakangiti siya ngayon. “Good morning, Honey Ko. Umupo ka na matatapos na ‘yung niluluto ko.”

     Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan kung ano ang niluluto niya. “Itlog at hotdog lang? Ang cheap ha,” pang-aasar ko sa kanya.

     “Kaysa naman sa’yo. Itlog at hotdog na nga lang sunog pa.”

     Tiningnan ko siya ng masama. “Ang kapal mo ha! Magaling kaya akong magluto,” sabi ko at saka I crossed my arms.

     “Huwag mo nga akong patawanin,” sabi niya ng parang natatawa.

     “Nakakainis ka.” Nainis ako sa sinabi niya kaya naman tumalikod ako at umalis sa tabi niya.

     Hinawakan ni Jessie ‘yung kamay ko. “Uy, Honey Ko, joke lang. Ikaw naman.”

     Ewan ko ba pero parang sinumpong ako ng espirito ng pangti-trip. Haha. Pilit kong inalis ‘yung kamay ko mula sa kanya. “Ewan ko sa’yo.” Nakangiti ako ng palihim habang papunta sa labas ng beach house. Ang arte ko. Haha. Magpapahabol muna ko.

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon