Chapter 26.1

23.2K 291 15
                                    

CHAPTER 26.1

Jessie

 

“Pepperoni Cheese, meet Mr. Dela Torre,” sabi ni nung presidente ng IVF Entertainment.

            Tumayo ang isang matabang lalaki na forty-two years old. Nakasalamin siya at naka-gel ‘yung buhok. “Hello.” Ngumiti si Mr. Dela Torre sa amin.

            Nagsalita si Mr. President. “He will be your new manager. Kahit na sa kasamaang palad ay hindi na natin makakasama pa si Mr. Dy, kailangan pa ring magpatuloy ng career niyo.”

Kinamayan kami isa-isa nung bagong manager. Noong inabot ko ‘yung kamay niya, nakaramdam ako ng kakaiba. Parang na-feel ko ‘yung tension at uneasiness sa katawan ko. Lalo na nung titigan niya ko ng maigi sa mga mata at ngumiti. “Nice to meet you, Jessie Wright.”

            Pinilit kong ngumiti. “Nice to meet you, too, Mr. Dela Torre.”

Binitawan na niya yung kamay ko. “So...” Pinagtama ni Mr. Dela Torre ‘yung parehong kamay at ngumiti. “Nice meeting you all and I hope that we’ll have a healthy relationship.”

            Ngumiti naman kaming apat. “Okay.” Umupo si Mr. Dela Torre sa sofa. “Let’s start with your concert project.”

Pagkaraan ng limang minuto...

Blag!

Padabog kong binuksan ‘yung pinto at lumabas kaming apat sa office ni Mr. President. Lahat kami ay nakakunot ang noo. “Nahihibang na yata ‘yung tabachoy na ‘yon!” bulalas ni Kevin.

            “Nasisiraan na ba siya ng bait? Ika-cancel ‘yung concert? Kung kailan malapit na? The hell!” inis na pahayag ni Rio.

            “Wala akong makitang dahilan para i-cancel ‘yung concert. Handa na naman ang lahat,” sabi ni Justin.

            Lahat ng tao ay nakatingin samin habang lumalakad kami palabas ng IVF Entertainment. Nung nakasakay na kami sa van, pare-pareho kaming nagbuntung-hininga. “Baliw na talaga ‘yung matanda na ‘yon!” patungkol ni Kevin sa presidente at sabay iling ng ulo. Pumayag kasi siya sa gustong mangyari ni Mr. Dela Torre.

            Sumandal ‘yung ulo ni Rio sa upuan. “Hindi naman sapat na dahilan ‘yung sinabi ni Mr. Dela Torre e.”

            “Oo nga. Ika-cancel ‘yung concert kasi may gagamit daw ng stage sa Westmore Academy that day? E for sure naka-reserve na satin ‘yon pagkatapos ipaalam sa school ang tungkol sa concert,” katwiran ni Justin.

            “Ewan ko ba mga pare,” sabi ko at sana kumunot ang noo. “Iba ang nararamdaman ko sa Mr. Dela Torre na ‘yan. Parang may mali.”

            Tumingin silang apat sakin. “Paanong iba, Jess?” tanong ni Kevin.

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon