Chapter 51.1

18.9K 239 39
  • Dedicated kay Momoxhien Clarkson Mnemosyne
                                    

CHAPTER 51.1

Sarah

 

Ding. Dong.

Huminto ako sa pag-aayos ng gamit ko at tumungo sa may pintuan. Pagbukas ko ng pintuan...

            “Girl!” May isang babaeng kasing edad ko lang ang yumakap sa akin. “Ilang buwan na din tayong hindi nagkita! I miss you!”

            “Ah, yeah. Nice to see you, Leslie.” Yes, ang babaeng nasa harapan ko ngayon ay ang ‘bitchfriend’ ko noong high school. Tourism ang kinuha niyang course kaya bihirang-bihira na rin kaming magkita, lalo na’t magkaiba at magkalayo pa kami ng school.

            “Tsk, ikaw talaga, girl. Hindi mo man lang ako na-miss.” Ngumuso siya at umarte na parang nagtatampo.

            “Pumasok ka na nga lang,” naiiritang sabi ko sa kanya at saka binuksan ng maluwang ang pintuan.

            Umupo siya sa may sofa. Nagdala ako ng kape para sa aming dalawa. Umupo ako sa harapan niya para madali kaming makapag-usap. “Ano na naman bang gusto mong malaman?” tanong ko sa kanya.

            “Wow, girl, ah. Kapag nandito ako, automatic na may gusto akong malaman?” sabi ni Leslie at kinuha ‘yung cup of coffee niya.

            “I know you, Lez. Spit it out,” sabi ko at saka humigop ng kaunting kape. “You better hurry up because I need to go somewhere.”

            Ngumisi si Leslie. “Kilala mo na talaga ko, girl. Gusto lang naman kitang kumustahin.” Hinalo niya ‘yung kape at ibinaba ang kutsara sa may platito. She took a sip. “Balita ko maraming fans ng Pepperoni Cheese ang bumabatikos sa’yo ngayon dahil doon sa article? But I believe that you weren’t the one who wrote that sh*t.”

            “Talaga.” Kumunot ang noo ko. “Screw that writer. Sinisiraan niya ang isang Sarah Vernon? Hindi niya alam kung sino ang kinakalaban niya.”

            “You’re right about that, girl,” she smirked. “And I also know that you wouldn’t do it because of that guy, Rio.”

            Biglang tumalon ang puso. Montik ko nang mabitawan ang hawak kong tasa ng kape. Ugh. I hate this feeling. Hindi ko makontrol ang sarili ko. “You’re blushing,” pansin ni Leslie at binigyan ako ng isang mapang-asar na ngiti. “Ibig sabihin, totoo ngang ibinalik mo na ‘yung pagmamahal niya after three years.”

            Tinaasan ko siya ng kilay. “At saan mo naman narinig ang tungkol sa bagay na ‘yan?”

            “Sikat si Rio, girl. It’s a viral news.” Humigop si Leslie at saka ibinaba ang tasa sa may coffee table. “Can I use your bathroom for a bit?”

            “Yeah. Sure. Kumaliwa ka lang sa may corridor,” I said lazily.

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon