Chapter 20

25.3K 319 22
                                    

CHAPTER 20

Luna

 

Lumalakad ako sa hallway ng Westmore Academy at papunta sa classroom.

Tumingin ako sa kanan. “Siya ba talaga ‘yon?”

           

“Yung babaeng kasama ni Justin?”

            “Hindi naman pala kagandahan.”

            Tumingin ako sa kaliwa. “Hindi talaga sila bagay.”

            “Maganda pa ko sa kanya.”

            “Siguro social-climber nga siya.”

            Yumuko nalang ako at nagbuntung hininga. Iba’t ibang reaksyon ang naging dulot ng sinabi ni Justin. Alam ko, utos ‘yon ng kompanya niya. Sinabi na niya sakin ‘yon. Nag-sorry siya at naiintindihan ko naman siya.

            Kaso parang nakakailang naman na maging bukambibig ng bawat estudyante sa school. Mahigit kalahating buwan na ang nakalilipas simula noong maospital si Kevin. Nakalabas na siya sa ospital at maayos na din ang kalagayan niya.

At mahigit kalahating buwan na din akong pinag-uusapan ng buong school. Tsk. Nakakasawa na.

Nung binuksan ko ‘yung pintuan ng classroom, biglang tumahimik ang lahat ng tao sa loob. Tumingin sa akin ‘yung mga estudyante na kanina lamang ay masayang nag-uusap. Umakyat ako at humanap ng bakanteng upuan. Hindi ko nalang pinansin ‘yung bigat ng titig nila sa akin.

         

   “Dito ka nalang.” Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa kanan ko. May hawak siyang libro at doon nakatuon ang atensyon niya. “If you don’t want, then fine,” simple niyang sabi.

            Huminga ako ng malalim at inilagay nalang ‘yung bag ko sa table at saka umupo sa tabi niya. “Hindi ko alam na magkaklase pala tayo,” sabi ko.

            Inilipat ni Sarah ‘yung page ng libro. “Since high school, you know that I love writing.”

            “I know.”

            “Ikaw, bakit Creative Writing ‘yung kinuha mo?” tanong niya habang patuloy pa din sa pagbabasa.

            Nag-shrug ako. “I don’t know. Siguro, kasi nagustuhan ko ‘yung pagsusulat sa diary ko noong nasa America pa ko?”

            “Ah,” matamlay niyang sabi.

Maybe ito ‘yung first time na nakausap ko si Sarah ng masinsinan. Hindi ko rin naman siya nakausap masyado noong na-kidnap kami. Nagbago na kaya siya sa tatlong taong lumipas? Feeling ko kasi parang... parang hindi na siya ganoon kasama sa akin.

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon