Chapter 54.2

17.9K 212 20
                                    

CHAPTER 54.2

Luna

Nandito kami ngayon ni Steff sa IVF Entertainment.

11 AM noong umalis si Jessie mula sa penthouse, kailangan daw niya kasing mag-ayos at saka kailangan maaga siyang dumating dito. Halos 3 PM na at madami na ring tao sa loob ng hall. Kompleto din ang reporters mula sa iba’t ibang network. ‘Yung PC Friends, nandoon sa isang sulok at may dalang banners at placards bilang pagsuporta sa mga idol nila.

            Kami naman ni Steff ay nakatayo lang sa isang tabi. Hindi na kami makikisiksik pa sa mga tao. Makikinig nalang kami mula dito. “Kinakabahan ako, sis,” sabi ko.

            Hinawakan ni Steff ang kamay ko. “It’s okay, sis. Sabi ni Babe, magiging maayos na daw ang lahat pagkatapos nito. Dala mo ba?”

            Humigpit ang pagkakahawak ko sa paper bag kung saan nakalagay ang regalo ko para kay Jessie. “Oo. Nakalimutan kong dalin kanina sa penthouse, e. Buti nalang at sinamahan mo kong umuwi–”

Nagulat ako sa biglang sigawan sa loob ng hall. Napuno ng hiyawan at flash ng camera ang buong lugar. Papunta na ang PC sa may platform sa harapan. Pero teka... Bakit...?

            “Good afternoon, everyone,” bati ni Justin.

            May tumayo agad na reporter sa microphone at nagtanong. “Good afternoon, Mr. Cuevo. Ano pong masasabi niyo tungkol sa mga issue na kumakalat ngayon?”

            “First of all, yes, totoong nabuwag ang Pepperoni Cheese. Pero temporary lang iyon. Dumaan sa matinding depresyon ang banda namin, pero ng dahil sa suporta niyo, ng fans namin at ng mga mahal namin sa buhay ay nagawa naming tumayo sa harapan ninyo ngayon. At kahit na...” Nanatiling nakabuka ng ilang segundo ang bibig ni Justin na para bang hindi alam kung ano ang sasabihin niya. Napansin ko rin na medyo nanginginig ang mic mula sa pagkakahawak niya.

            At halos mahulog ang puso ko noong sinabi niyang, “At... at kahit tatlo nalang kami, makakaasa kayong wala paring magbabago. We’ll continue making music for everyone.”

            Nagkaroon ng bulung-bulungan sa loob ng hall.

            “Mr. Cuevo, bakit po tatlo nalang kayo?” tanong nung isang reporter.

            “Ano pong nangyari kay Mr. Wright?” tanong pa noong isa.

            Hindi agad nakasagot si Justin. Sina Kevin at Rio naman napayuko na lamang. “Jessie,” panimula ni Justin at parang hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin. Nanatili siyang nakanganga at hawak-hawak ang mic ng ilang sandali bago niya sabihing...

“He left.”

            Lalong lumakas ang usap-usapan sa loob. ‘Yung ibang fans naman ay umiyak. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Anong he left? Seryoso ba si Justin? Umalis si Jessie sa PC? Pero bakit?

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon