EPILOGUE: "The Greatest Love On Earth"

21.7K 279 28
  • Dedicated kay CarlaJoycePablo
                                    

EPILOGUE

“The Greatest Love On Earth”

Pumikit si Luna at ninamnam ang sariwang hangin sa isla kung saan sila ngayon nagbabakasyon ng pamilya niya.

            “Honey Ko?” tawag ng isang lalaki.

            Lumingon siya dito at saka nagpakawala ng isang kalmadong ngiti. “Bakit?”

            Ngumiti din si Jessie sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “Tara na. Kakain na.”

            Muli siyang tumingin sa dagat. “Ang ganda pala ng dagat sa umaga.”

            Tumawa ng mahina si Jessie at hinalikan siya sa pisngi. “Don’t worry. Kahit gaano pa man kaganda ‘yang dagat, mas maganda ka parin para sa akin.”

            Tumawa si Luna. Hinila siya ni Jessie papunta doon sa beach house kung saan sila tumutuloy ngayon. ‘Si Jessie talaga.’ Iyan ang naiisip niya. Dahil alam niyang unti-unti nang naglalaho ang kagandahan niya sa pag-usad ng panahon. Subalit masaya siya dahil mahal na mahal parin siya ni Jessie.

            And she feels the same towards him.

            “Mommy! Uwaaa! Mommy!” iyak ng isang batang tatlong taong gulang pa lamang.

            Tumawa si Luna at saka lumapit sa kanya. “Ikaw talaga, Marco. Ang likot-likot kasi!” Binuhat niya ‘yung bata at tumigil na iyon sa pag-iyak. Kinukusot ni Marco ang mata niya habang binubuhat siya ni Luna pabalik sa lamesa.

            “Nasaan na ba ‘yung iba?” tanong ni Jessie at saka inilagay ‘yung pakwan sa mesa.

            “Ayun na po, Pa,” sabi ni Aidan (Ey-dan) at itinuro ‘yung pitong taong papalapit sa kanila na kalalabas lang ng beach house.

            “Mommy!” tawag ni Marco habang nakaunat ang parehong bisig.

            Ibinaba siya ni Luna. Tumakbo si Marco doon sa isang babae at yumakap sa parehong hita niya. “Ikaw, Marco,” suway nung babae. “Nagpabuhat ka na naman sa lola mo. ‘Di ba sabi ko sa’yo, mabigat ka na? Baka hindi na kaya ng lola mo.”

            Tumawa si Luna. “Hindi pa naman ako ganun katanda, Callie. Binubuhat din kita ng ganun noong bata ka pa.”

            Tumawa si Callie at saka nagmano sa kanya. “Good morning, Ma. Happy anniversary sa inyo ni Papa.”

Pare-pareho na silang bumalik doon sa mesa at masayang nagsalu-salo sa pagkain. Masaya si Jessie at Luna sa buhay nila ngayon. Kontento na sila dahil nagkaroon sila ng dalawang anak. Isang babae at isang lalaki. At ngayon, kasama dito ang mga asawa nila pati na din ang mga apo nila.

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon