EPILOGUE

1.1K 42 7
                                    

“UY, Laur!”

Palapit si Elojah kay Lauree na nakatayo malapit sa railings ng yate. Isang baril lang ang bitbit niya. Ang isa ay ibinigay niya kay Havannah dahil wala itong armas. Saglit lang siyang nilingon ng babae, at muling bumalik ang atensyon nito sa malawak na dagat.

Napangisi lang siya.

Cold talaga.

Tumabi siya rito nang makalapit. Inilapag niya ang baril sa harang habang nanatiling nakahawak dito. Malakas ang alon. Ramdam na ramdam niya ang paggewang sa kinatatayuan, pero balewala lang iyon sa kanya. Naranasan na niyang tumakbo sa rumaragasang tren na nawalan ng kontrol sa isa sa mga misyon nila sa Japan.

“Why are you here? You should be at your post,” kaswal na sabi sa kanya ni Lauree na hindi man lang siya tiningnan.

“Break ko na. Nando’n na si Lydia.”

“Then rest.”

Tumalikod siya sa dagat at sumandal sa railing. Isinuksok niya ang baril sa holster na nasa hita. Natatawang tiningnan niya ito.

“Naks, Laur. Parang nanay ko lang, a.” Ipinagkrus niya ang mga braso sa tapat ng dibdib.

Tiningnan lang siya nito nang malamig. Sa halip na ma-offend dahil ni hindi man lang ito nakisakay sa pakikipagbiruan niya ay mas natawa siya. Lauree just tilted her head to the side as if to shake her head at her. Sigurado siyang iniisip nitong nababaliw na siya.

Pero sino ba namang hindi mababaliw? Ang gaan  ng nararamdaman niya. Pakiramdam nga niya pwede siyang lumipad. Ligtas si Havannah, at buhay si Ace. Wala na ang facility ni Alice. At tuluyan nang matatapos ang lahat kapag pinasabog na ang isla.

“Bakit hindi ka tumulong na awatin ‘yong mga kasama natin kagabi sa pambubugbog kay Wilson?” tanong niya. “Ikaw ang pinaka-rational mag-isip sa ‘ting lahat. In-expect ko na isa ka sa magsasabing wala nang mababalik na buhay kahit patayin pa siya.”

Tumango ito nang isang beses. “Because he deserved it. The parents of those agents who died in that island, they’ll never know. It wouldn’t have happened in the first place if he didn’t betray them.”

Hindi nakaimik si Elojah. Kumirot ang puso niya. Tama si Lauree. Ang mga magulang ng kambal, ang mga magulang ni Austin, hindi malalaman ng mga ito kahit kailan na namatay ang mga anak nila para sa mundo, para mapigilan ang pagkaulit ng nangyari noon.

“And…” sabi nito na kumuha ulit sa atensyon niya, “he took five years from us. He took five years I should have spent with my Minmin.”

Kinagat ni Elojah ang pang-ibabang labi. Alam niyang hindi siya nagkamali sa narinig na pagkabasag sa boses nito sa dulo. Kahit hindi nito kadugo si Ciarah, sigurado siyang mahal na mahal nito ang panganay na anak. Saksi roon ang peklat na nasa tiyan nito. Five years ago, they were sent on a mission in London even though they were still mourning for the loss of their children. It was the first time that she saw Lauree distracted. Hinahabol sila noon ng bata-batalyong mga zombies. Hindi nito namalayan ang nakausling basag na salamin ng shop na kinaroroonan nila. She almost went straight at it. Mabuti na lang at agad itong nahila palayo ni Charles na siyang pinakamalapit dito. Pero malalim pa rin ang naging sugat nito sa tumamang parte.

“Elojah,” matigas na wika ni Lauree.

Napatuwid siya ng upo at agad na hinugot ang baril sa hita. Mabilis siyang umikot paharap sa dagat. Sa ilang taon nilang magkasamang lumaban, alam na niya ang ibig sabihin ng ganoong tono nito. Hinanda niya ang Whisperer na suot para makapagbigay agad ng signal sa mga kasama.

“Lauree’s detecting something. Do you copy?” wika niya.

Umingay sa kabilang linya, at narinig niya ang boses ni Xienna. “Copy.”

Fence Academy: Living Flesh (Flesh 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon