CHAPTER 22: WRATH

532 27 1
                                    

23 years ago…

“KAKAIBA ‘yong dugo niya, ‘no? Paano kayang nangyari ‘yon?”

“Kaya nga. Bigla na lang nawala ‘yong virus dahil sa property na nasa dugo niya.”

Napangisi si Alice habang kumakain sa cafeteria ng Fence Lab dahil sa usapan ng mga baguhang empleyado na nasa kabilang table. It had been years since she broke up with Jettro after receiving that message. A, mali. Ito nga pala ang nakipaghiwalay sa kanya nang walang kahit anong eksplanasyon. What Dominique said in a call that she received after that message played in her mind over and over for the past years.

“You know, Alice, wala naman talagang kakampi sa ‘yo. Habang-buhay kang magiging miserable mag-isa. Pinagtiyagaan ka lang ni Jettro dahil naawa siya sa ‘yo. Look at him now in my arms. He doesn’t love you. Dahil kung mahal ka niya, hindi siya matutukso sa akin. ‘Wag mo na siyang hintayin sa bahay niyo. Hindi na siya uuwi. Bye---Oh, wait. Ayoko talagang gawin ‘to, pero dahil ex ka niya, I should at least invite you to our upcoming wedding. Nakalimutan kong sabihing last month pa kami nagkikita behind your back. See you. Kung makakapunta ka.”

Hindi niya iyon makalimutan. Hindi niya iyon kinalimutan. They became her motivation to come up with her plan that will materialize not too long from now. Kailangan na lang niyang makuha ang taong susi sa gagawin niyang epidemya. Si Daniel Fontamillas. Ang dugo nito ang isa sa top priorities na nire-research ng mga empleyado ng Fence Lab sa nakalipas na labingwalong taon. They discovered a new blood type from him which they called Blood X because it still remained a mystery how his blood could combat different kind of viruses. Sa isa sa mga ospital na pagmamay-ari nina Sir Max ipinanganak si Daniel kung kaya naman nagawang pigilin ng organisasyon ang pagkalat ng balita tungkol sa bagong klase ng dugo. Kailangan muna nilang masigurong hindi mapapahamak ang bata sa mga nagtatakang gamitin ito para sa research and development. At isa pa ay gusto nilang mas mauna silang malaman kung ano ba talagang mayroon sa dugo nito para malabanan ang iba’t ibang virus.

Tinapos na ni Alice ang pagkain. May kailangan pa silang gawin mamayang gabi. Kailangan niyang ihandang mabuti ang sa lahat para hindi magkaroon ng kahit anong aberya.

Naglalakad siya pabalik sa lab niya ng facility nang makasalubong niya si Gideon at Xyleena. Huminto ang tatlo sa hallway.

“How are the patients?” tanong niya kay Xyleena. Ang tinutukoy niya ay ang mga brain-dead patients na naka-admit sa secret facility nila sa isang probinsiya. Nasa bundok iyon.

Her friend looked worn out. Naintindihan niya naman iyon. Sobrang stressful ng nakalipas na mga buwan para rito at para kina Gideon at Gabriel. Balita niya pa ay hindi na natutukan ng mga ito ang bunsong anak na si Xienna. Hindi niya pa nakilala kahit kailan ang bunso nito dahil mula nang maghiwalay sila ni Jettro ay lumayo na rin siya sa mag-asawa. Ngayon ay mga katrabaho na lang kung tatruhin niya ang dalawa. Natakot siya. Hiwalay na sila ni Jettro na totoong kaibigan ng mga ito. Sampid lang naman siya. Kaya bago pa siya layuan ng mga ito ay nauna na siya. Ayaw man niya ngunit bumaon sa isip niya ang sinabi ni Dominique na wala naman talaga siyang kakampi at naawa lang ang mga ito sa kanya.

Umiling si Xyleena. “They’re not doing good. Lumalala lang sila. We can’t see any improvement with their brain activities.”

She pretended to have a somber look on her face. But inside her mind, she was celebrating. Umaayon sa kanya ang lahat. Kapag naisagawa niya ang plano, nasisiguro niyang kikilalanin siya sa buong mundo. At kapag nangyari iyon, ang mga tao na ang lalapit sa kanya. Hindi na siya mag-iisa. Hindi na siya ang maiiwan. Siya na ang magkakaroon ng pagpipilian kung sino ang iiwan niya at kung sino ang hindi. Mas maganda ang isa niya pang plano. Pero saka na iyon. Hindi niya pa kailangan ang army ng biological weapons. Wala pa siyang sapat na resources para roon.

Fence Academy: Living Flesh (Flesh 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon