CHAPTER 24: ESCAPE

563 28 3
                                    

IF looks could kill, Havannah would not think twice to glare at Alice to death. What was the devil smiling about? Ngunit kahit nanunuot sa bawat buto niya ang galit dito, hindi pa rin nawala sa isipan niya ang pagtataka kung paanong bumata ulit ito. Hindi na siya magugulat kung nakaimbento ito ng miracle drug na kayang i-restore at i-rebuild ang cells ng mga tao. Kung nagawa nga nitong simulan ang isang apocalypse, sisiw na lang dito ang paggawa ng drugs na nakakapagpabata.

“What do you want?” mariing tanong niya sa babae.

Tumuwid na ito ng tayo mula sa pagkakahawak sa magkabilang braso ng upuan. Tumingin doon si Havannah at mas sumama ang timpla niya nang makitang ang mga kamay niya ay pinipigilan ng mga metal straps.

Tumawa si Alice. “I already told you. I need the Project C&M. The twins couldn’t find it in your things. Where is it?”

“Hoy, tang ina,” sigaw ni Walter. Nakapiring pa rin ito at nagpupumilit kumawala. “Nangialam kayo sa mga gamit namin? Baka kinuha niyo ‘yong mga magazines do’n!”

Milo laughed and patted Walter on the shoulder as if they were long time friends. “I enjoyed it. Se-sexy.”

What the hell? Pero sa halip na kay Walter ay kay Alice ibinuntong ni Havannah ang galit niya.

“What are you talking about? We don’t have it. ‘Di ba nga na kay Kuya Roshi ‘yon?”

Tumaas ang isang kilay ni Alice at ngumisi. Ipinagkrus nito ang mga braso. “You are one nosy brat, aren’t you?”

“I’m not a brat!” asik niya rito.

But she was lying, of course. Iyon nga ang madalas na itawag sa kanya ng daddy niya at mga kaibigan niya dahil sa ugali niya.

“So, what did you find out in my records?” tanong ni Alice.

Mas tumalim ang titig ni Havannah rito. “All your evil plans. And I also know that you’re a pathetic, weak, and attention-seeker asshole. You can’t even connect with other people, and ask them if they really don’t care about you. Now you want to endanger the whole world by building an army of bio weapons just so you can cover up your weak and lonely shit.”

Alice’s smirk was wiped off her face. Isang hakbang lang at pisil-pisil na nito ang mga pisngi niya. Napadaing siya sa sakit dahil bumaon ang mga kuko nito sa malambot niyang balat.

“Havannah!”

“What are you doing to her?”

“Pakawalan niyo kami rito! Lumaban kayo nang patas!”

Kinilabutan si Havannah habang nakatingin sa babae. Wala na ang naglalaro at magaang awra nito. Napalitan na iyon ng galit na kahit kailan ay hindi pa niya nakita sa buong buhay niya.

“Ulitin mo ang sinabi mo,” Alice said through gritted teeth.

Kahit pinagpapawisan na siya at halos mabingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya, lumunok pa rin si Havannah at sinubukang pantayan ang talim ng titig nito.

“Ang sabi ko, isang kang mahina at---Ahh!”

Bumaling sa gilid ang mukha niya nang lumagapak ang palad nito sa pisngi niya. Halos mabali ang leeg  niya. Uminit agad ang nasaktan niyang mukha at sumigid ang sakit. Ramdam niya pa ang bakas ng palad nito. Nagsigawan ulit ang mga kasama niya dahil sa lakas ng sampal ni Alice sa kanya, imposibleng hindi nahulaan ng mga ito kung ano iyon.

“Wala kang karapatan! Hindi ako mahina! Hindi! Hindi! Kayang-kaya kitang patayin ngayon mismo kung gugustuhin ko.” Idinuro siya ni Alice at namumula ang mga mata nito.

Fence Academy: Living Flesh (Flesh 2)Where stories live. Discover now