CHAPTER 5: MANSION AND STORAGE

995 45 8
                                    

"ANG kulit mo, Kuting." Itinulak ni Roshi ang noo ni Ciarah.

Ngumuso siya at tiningnan ito nang masama. "Bakit ba? Gusto ko lang amuyin, e. Ang bango, e."

"It's bad for your health. Tumigil ka." Ibinalik na nito ang gas pump sa fuel dispenser nang ma-full tank.

"Hmp!" Umirap na lang si Ciarah at nag-cross arms habang nakaupo pa rin sa motor. Hindi na siya nito pinababa at inilagay na lang ang stand.

Ang KJ naman ni Rosyong, e! Minsan lang naman siyang umamoy ng gasolina tapos hindi pa siya pagbibigyan. Ang bango-bango. Nakakaadik. Hihi!

Akala niya ay sasakay na ulit si Roshi kaya umusog siya palikod para makasampa ito nang maayos.

"Dito ka lang," sa halip ay sabi nito dahilan para magtaka siya.

"Bakit? Anong gagawin mo?" tanong niya nang makita itong papasok na sa convenience store na nasa likod ng station.

"Search for additional supplies."

"Teka!" Nagmamadali siyang bumaba sa motor. Tumakbo siya hanggang sa nasa tabi na siya nito.

Roshi gave her a straight face. "Ba't ka pa bumaba? Sabi ko do'n ka na lang."

"Ayoko nga. Baka may zombie sa loob ng store. Mamaya makagat ka pa."

Hindi sa wala siyang tiwala sa kakayahan ng kaibigan. Umiral na naman kasi ang kakulitan niya at ayaw niyang naka-standby lang siya at walang ginagawa. Isa pa, kung sakali mang mayroon ngang mga zombie sa loob, iyon na ang pagkakataon niya para makabawi sa nangyari kanina. Disappointed pa rin siya sa sarili niya dahil wala siyang nagawa.

"Kaya nga ayaw na kitang papasukin," sabi ni Roshi. "Ang kulit mo talaga."

"Edi mas kailangan mo ako. Baka maduling ka pa at hindi mo mabaril nang maayos." Humagikhik siya.

Roshi smirked at her. "I'm better at handling guns now. Hindi mo ba nakita kanina? The first headshot was from me."

"Nye, nye, nye," pang-aasar ni Ciarah dito na tinawanan lang naman ng lalaki.

Okay, she admit it. Mas gumaling nga ito sa pamamaril pero hindi niya sasabihin 'yon. Yayabang lang ito at hindi na niya ito maaasar kapag nagpagalingan na naman silang dalawa.

"Stay behind me," seryoso nang sabi ni Roshi nang makarating sila sa may tapat ng glass door.

She looked around. Makalat ang paligid. May mga dugo ang glass walls ng grocery store pero hindi basag ang mga iyon. Tumunog ang bell nang buksan ni Roshi ang pinto.

Ikinasa ni Ciarah ang baril at hinawakan iyon nang mahigpit habang nakatapat sa tiled floor. Madilim sa loob at ang tanging nagsisilbing liwanag ay ang sikat ng araw na nagmumula sa labas. May hawak na flashlight si Roshi ngunit hindi sapat iyon para makita nila ang ibang sulok ng tindahan. Kinuha na rin ni Ciarah ang flashlight na nasa gilid ng duffel bag niya at binuksan ito. Napaatras at napasinghap siya sa gulat. Mga kalansay ang bumungad sa mga mata niya nang mailawan ang parteng malapit sa cashier.

"What is it?" Napalingon agad sa kanya si Roshi nang marinig nito ang reaksyon niya.

Kumurap-kurap siya bago sumagot. "Wala. Nagulat lang ako sa mga kalansay."

Tumingin din si Roshi sa inilawan niya. Kumunot ang noo nito. "Tara na. 'Wag kang hihiwalay sa akin."

Naglakad si Roshi para lumapit sa mga estante. Sumunod siya habang sinusuri pa rin ang paligid. Ayan na naman ang mabilis na kabog ng puso niya. Masakit sa dibdib. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para maibsan ang takot na nararamdaman. Ramdam na ramdam niya ang pamamawis ng mga kamay niyang may hawak sa baril. Mas hinigpitan niya ang kapit doon dahil baka bigla na lang iyong dumulas.

Fence Academy: Living Flesh (Flesh 2)Where stories live. Discover now