CHAPTER 6: CODED

743 45 4
                                    

"SUMAGOT kayo. Sino kayo at anong ginagawa niyo rito?" Lalong ipinagdiinan ng taong iyon ang nguso ng baril sa sentido ni Ciarah. Base sa boses ay mukhang babae ito na may katandaan na.

Gusto man niyang sumagot pero tila naumid ang kanyang dila. Nanigas siya sa kinatatayuan niya. Ni hindi niya magawang lingunin ang taong iyon para makita ang itsura nito. Natatakot siyang sa oras na gumalaw siya ay pasabugin na lang nito ang bungo niya.

"The question is, who are you?" matigas ang boses na wika ni Roshi.

Ni hindi man lang ito natakot sa balisong na nakatutok sa leeg nito. Sinubukan niyang tingnan ang taong iyon sa pamamagitan ng gilid ng mga mata niya pero hindi niya makita ang mukha. Madilim ang buong mansion at ang kakaunting liwanag ng buwan ay hindi umabot sa kinaroroonan nila. Ang alam lang ni Roshi ay halos magkasingtangkad lang sila. May palagay siya na lalaki rin iyon.

"Kayo ang una naming tinanong, kayo ang unang sumagot," sagot ng may hawak ng balisong.

Tama nga ang hula ni Roshi. Lalaki nga iyon.

"Is one of you Alice?" Sinubukan ni Roshi na lingunin ang babaeng nasa gilid ni Ciarah ngunit ipinagdiinan ng lalaki ang balisong na hawak nito sa leeg niya.

"Alice?!"

Humigpit ang pagkakahawak ni Ciarah sa kamay ni Roshi nang tumaas ang boses ng babaeng may hawak ng baril.

"Huwag mo kaming ipagkakamali sa demonyong iyon!" Sa panggagalaiti nito ay ikinasa nito ang baril.

"Roshi!" hindi na mapigilang sigaw ni Ciarah dahil sa takot.

Napapikit siya. Nanlalamig na ang mga kamay niya at nanginginig. Unti-unti nang namumuo ang maiinit na luha sa kanyang mga mata. Galit na galit ang babae at isang maling salita lang nila ay siguradong kakalabitin na nito ang gatilyo.

"Bakit niyo siya hinahanap? Kasamahan ba kayo ng babaeng 'yon?" tanong ng may hawak ng balisong. May kalakip na ring galit ang boses nito.

Roshi scoffed and his face crumpled. Isang malaking insulto sa kanya ang mapagbintangang kasamahan ng taong nasa likod ng karumal-dumal na pangyayari labingwalong taon ang nakararaan.

"We're not. We're here to kill her," diretsong sagot ni Roshi. "If you're not with her, I don't see any reason to put a bullet in your brain."

"Kahit kailan ay hindi kami magiging kasabwat ng halimaw na iyon," mariing wika ng babae.

Sa wakas ay ibinaba na ng mga ito ang mga hawak na armas. Mabilis na naghabol ng hininga si Ciarah dala ng sobrang ginhawa. Napahawak siya sa dibdib niya.

Buhay pa ako! Mababalikan ko pa sina Nanay. Hindi iiyak si Walter.

Agad siyang dinaluhan ni Roshi. "Are you okay?"

Tumango siya at nanginginig ang boses na sumagot. "O-Okay lang."

Habang hinihimas ni Roshi ang likod niya para pakalmahin ay lumiwanag. Sabay silang napatingin sa pinanggalingan noon. Sa harap nila ay nakatayo ang dalawang tao. Isang babaeng sa tingin ni Ciarah ay nasa 50s na ang may hawak ng kandilang nakapatong sa isang lalagyan. Maamo ang mukha nito, taliwas sa talim ng boses na narinig niya kanina. Sa tabi naman ng babae ay isang binatang matalim ang titig sa kanila at halos kaedaran lang nila. Ang matangos na ilong nito at ang kakaibang kulay ng mga mata ang patunay na may dugong banyaga ang lalaki.

"Kung balak niyong patayin si Alice, nangangahulugan lang iyong hindi kayo kalaban. Sumunod kayo." Tumalikod ang matandang babae at sumabay rito ang binatang katabi. Unti-unting lumayo sa kanila ang liwanag dahil sa paglayo ng kandilang hawak nito

Fence Academy: Living Flesh (Flesh 2)Where stories live. Discover now