CHAPTER 19: RAGE

547 31 7
                                    

NANLIIT ang mga mata ni Havannah dahil sa iritasyon. Patuloy ang paghalakhak ni Walter habang nakahawak sa sariling tiyan, at ang isang kamay ay nakaturo sa kanya.

One of her brows perked up and smiled sarcastically. “‘Di ka pa tapos tumawa? Are you planning to get the attention of all the unidentified creatures here in the forest?” Huminga siya nang malalim atsaka sumigaw. “Shut up, Walter!”

Saglit itong natigilan dahil sa lakas ng boses niya pero agad ding bumalik sa pagtawa. “It was your scream that woke all the creatures here. Seaweed lang pala.”

She glared at him and muttered under her breath. “You are so annoying.”

Kaaahon lang nila at mula sa tubig hanggang sa dalampasigan ay hindi pa rin natigil ang pang-aalaska sa kanya ni Walter. Pinili niyang ignorahin na lang ito. Padabog niyang hinubad ang long sleeves na suot. Naiwan siyang nakasuot lang ng racerback sports bra. Doon tuluyang nahinto sa mapang-asar na tawa si Walter habang si Axel naman ay sumipol.

“W-What are you doing?” Nanlaki ang mga mata ni Jeena at mabilis na nag-iwas ng tingin.

“Changing my clothes. Magpalit na rin kayo. Bawal pa kayong magkasakit.” Kumuha siya ng black shirt at leather jacket sa water proof niyang tactical bag.

Sumunod ang tatlo sa kanya maliban kay Margaux na sinundot ang impis niyang tiyan.

“Margaux,” saway niya rito.

Ngumiti nang malapad ang babae. “How did you get those abs?”

“Training.” Nilingon niya ang dalawang lalaki. “Turn around.”

“Bakit?” Walter’s ripped muscles flexed as he put on a white shirt.

Eight-pack abs. Havannah wondered if Lexus’ abs was like that. Agad niya ring iniling-iling ang ulo upang matanggal ang lalaki sa isipan. Kasama rin ito sa mga lagi niyang naiisip sa nakalipas na mga taon, ngunit hangga’t maaari ay ayaw niya itong bigyan ng espasyo sa utak niya. Sapat nang nagsisisi siya sa mga pagkakataong pinalampas niya kasama ang kuya niya. Ayaw na niyang madagdagan pa iyon.

“Daming tanong. Will you just turn around?” iritadong aniya.

“Sungit,” wika ni Walter atsaka tumalikod.

Nang masigurong hindi ito lilingon ay tinanggal na niya ang basang panloob. Malakas na napasinghap si Jeena kaya napalingon siya rito. Kitang-kita niya ang pamumula ng magkabilang pisngi nito at nahinto sa gitna ng mga braso ang isinusuot na bagong T-shirt. Nagsalubong ang mga kilay niya.

“Remove your undergarments. Useless ‘yang pagpapalit mo kung basa pa rin ang mga panloob mo.”

“B-But…” Napatingin ang babae sa basang sandong suot nito. Kanina pa nito nahubad ang leather jacket na basa rin.

“No buts, Jee. Nakatalikod naman sila,” tukoy niya sa mga lalaki na tapos na rin sa pagpapalit at nanatiling hindi tumitingin sa gawi nila.

“O-Okay.” Jeena removed her garments with hesitation.

Matapos makapagbihis ng lahat ay nagsimula na silang pasukin ang masukal na kagubatan. Mabilis ang pagbaba ng temperatura nang makapasok na sila sa kakahuyan. The stones and dried leaves made crunching sounds beneath their heavy footsteps. They all listened for any sign of danger. Ang tanging narinig lang nila noong mga oras na iyon ay ang huni ng mga ibon at kuliglig.

Mahigpit ang hawak ni Havannah sa hawakan ng katana niya. Sa kabila ng lamig ng paligid ay unti-unting nababasa ang kapapalit niya palang na tuyong damit dahil sa kaba at takot. Hindi nila alam kung saan sila unang maghahanap. Ngunit pupuntahan nila ang apat na lokasyong pinaghinalaang kinaroroonan ng pasilidad ni Alice. Mabilis ang mga kilos nila at wala silang sinayang na sandali. Nanatiling tahimik ang grupo hanggang sa makalabas sila sa kalsadang patungo sa bayan. Hindi alam ni Havannah kung hihinga nang maluwag dahil wala silang nakaengkwentrong mga zombies, o kakabahan dahil wala silang nakalaban ni isa gayong alam nilang lahat na puno ang islang iyon ng mga halimaw.

Fence Academy: Living Flesh (Flesh 2)Where stories live. Discover now