CHAPTER 8: HIS NAME

665 47 7
                                    

HER whole body ached. Hindi alam ni Olivia kung nasaan siya nang magising.

"Where am I?" kinakabahan at nagtatakang tanong niya sa hangin.

Hinila niya ang sarili patayo. Napadaing siya dahil parang sinusuntok ang bawat kalamnan niya sa kaunting paggalaw. Nakangiwi siya sa sakit nang tuluyang makaupo. Pakiramdam niya ay kulay ube ang likod niya at may malaking pasa iyon. She scanned the place.

Nakaupo siya sa isang kamang may puting bed sheeet. May isa pang kama sa tabi niya. Puti rin ang bed sheet noon at gusot. Halatang may gumamit. Dumako ang tingin niya sa metal na pinto hindi kalayuan sa kinalalagyan niya. Bukod sa dalawang kama ay wala ng iba pang makikita sa buong kwarto. Walang bintana. Dalawang lampara lang na nakasabit sa kisame ang nagsisilbing liwanag.

Tiningnan niya ang sarili. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.

"Why am I dressed like this?" Halos matumba siya sa pagmamadaling tumayo.

"Aray!" daing niya nang sumigid ang kirot sa katawan. "Ouch, ouch, ouch!" Hinawakan niya ang likod dahil iyon talaga ang pinakamasakit.

Napabalik siya ng upo sa kama. She gritted her teeth and sipped the air. Sinubukan niyang pakalmahin ang pananakit ng katawan. Inalala niya ang mga nangyari bago siya nawalan ng malay. Hinahabol sila ng horde ng zombies. Nangunguna roon ang mukhang octopus ang ulo. Na-trap sila sa storage room at bigla na lang silang gumulong pababa. At pagkatapos... pagkatapos... ano na? Hindi na niya maalala.

Tiningnan niya ulit ang sarili. Nakasuot siya ng puting patient's gown. Wala ang mga baril niya. Humugot siya ng malalim na hininga bago dahan-dahang tumayo. She groaned in pain, but it was more bearable than earlier. Moving carefully was the right decision. Ngunit, kahit dahan-dahan ang paggalaw niya, natataranta naman ang isip niya.

Where are my things? Who took it? Who dressed me?

Hirap na hirap siyang yumuko para tingnan kung nasa ilalim ba ng mga kama ang mga gamit niya pero wala. Kinapa niya rin ang mga kuston, iniangat ang mga ito kahit na parang tinatanggal ang mga braso niya sa sobrang sakit. Hindi niya nakita ang mga gamit.

She looked at the door. Anong nasa likod noon? Sino o anong makikita niya sa paglabas niya? Kahit na kinakabahan siya at natatakot sa kung anong bubungad sa kanya kapag binuksan niya ang pinto, tahimik pa rin siyang naglakad palapit doon. Maingat ngunit mabibigat ang bawat hakbang niya.

She gasped silently when the rough floor hurt her feet. Mabato iyon at wala siyang suot na pangyapak. Nag-atras-abante ang kamay niya sa paghawak sa bakal na hawakan ng pinto.

Oh my gosh! What's behind this door?

Dahil kinakabahan ay hinaplos niya ang buhok. Ngunit, hindi niya nakapa roon ang mga pampakalma niya. Her heart beated wilder.

And... where are my clips?!

Dalawang kamay na ang ginamit ni Olivia sa pagkapa sa buhok niya. Mula sa may anit hanggang pababa sa buhok niyang hanggang bewang ay hinanap niya roon ang mga ipit. Wala.

Where are my clips?! I need to find it!

Mas nataranta siya sa kaalamang hindi niya suot ang mga clips niya kesa sa pagkawala ng mga armas niya. Naiiyak na siya.

Kung kanina ay nag-iingat, ngayon ay padarag na niyang binuksan ang pinto. Gumala agad ang tingin niya sa paligid. Unang bumungad sa kanya ang study table na may lampara at mga nakatambak na papel. Wala ring bintana. May kulay putting cabinet sa tabi nito. Dali-dali niya iyong nilapitan. Gumawa ng malakas na tunog ang metal cabinet dahil sa padabog niyang pagbukas.

Fence Academy: Living Flesh (Flesh 2)Where stories live. Discover now