CHAPTER 16: WHAT HAPPENED AFTER

554 26 2
                                    

"MOM!" Havannah called out as soon as she entered their house.

Nadatnan niya ito sa kusina, nakaupo sa may island counter at tulala. May nakasalang sa kalan na base sa amoy sigurado siyang adobo.

She stayed by the door just looking at her. Ni hindi man lang nito napansin ang pagdating niya. Pero ayos lang. Dahil pareho lang sila ng nararamdaman. It had been five years. Her mom missed him. She missed him, too. And they both knew that he was not coming back.

"Mommy." Humakbang na siya palapit dito. Hindi pa rin siya napansin ni Elojah. Marahan niya itong hinawakan sa balikat at hinalikan sa pisngi. Napapitlag ang mommy niya at doon lang nabalik sa reyalidad.

"Hav," wika nito nang mapatingin sa kanya.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sariling mapaiyak sa harapan nito. Her mom's eyes were red and puffy. A sign that she had been crying so hard and non-stop before she came.

"Sorry. Hindi ko namalayang nandyan ka na pala." Tumayo ito at hinalikan din siya sa pisngi. Pagkatapo ay lumapit ito sa kawali kung saan nakasalang ang adobong niluluto. "Gutom ka na ba? Malapit na 'tong maluto. Ang daddy mo? Dumating na rin ba?"

Kitang-kita niya kahit na nakatalikod ang mommy niya kung paano nito pinunasan ang mga pisngi. Suminghot din ito habang nagdadagdag ng rekado upang ayusin ang timpla ng ulam. Nanatili lang siyang nakatingin dito. Nag-init ang sulok ng mga mata niya habang pinapanood itong pigilan ang sarili upang hindi mag-break down sa harapan niya. Isinalin ni Elojah ang ulam sa isang mangkok at naglagay na rin ng kanin sa isang plato.

Naglakad na ito papunta sa dining table dala ang mga pagkain. "Halika na. Kumain ka na. 'Wag mo na kaming hintayin ng daddy mo dahil baka gabihin na naman 'yon pag-uwi."

Tahimik siyang naglakad papunta roon at umupo sa hapag. Umupo ito sa tabi niya. Ngumiti sa kanya si Elojah at hinaplos ang pisngi niya nang marahan. Halata sa maputing pisngi ng babae ang mga bakas ng luhang natuyo.

"Are you tired? Gabi ka na nakauwi. Ano ba 'yang pina-practice niyo?" tanong nito.

Nag-iwas siya ng tingin at naglagay ng ulam sa ibabaw ng kanin niya. "Our play for our upcoming literary night."

That was not exactly true. And she hated herself for lying. But she couldn't tell her mom what she had been really busy about.

"Ah." Napatango ito. "What's your role? Nasa main cast ka ba ulit?" Ngumiti ito sa kanya. "I'm sure you are. Alam kong kayang-kaya mo ang audition para sa main cast."

Humigpit ang hawak niya sa mga kubyertos. Ilang beses na niyang sinabi rito, pero mukhang hindi nito natandaan dahil laging nasa kuya niya ang isip nito. Sa kuya niyang hindi na babalik.

Kiming tumango lang siya. "Yeah. I got Portia's role."

Lalong lumapad ang ngiti ni Elojah. "I'm so proud of you, Hav."

Are you really?

Gustung-gusto niya iyong itanong dito, pero pinili niyang itikom ang bibig. She didn't want to upset her more even if it meant that she would be the one to carry the heavier emotional burden.

"Noong high school pa kami, si Tita Xienna mo ang naging Portia at si Daniel sa role ni Shylock. We did it for our final exam in English." Natawa ang babae. Havannah felt the longing in her mom's voice. "Nakakatawa lang kasi kung nakilala mo lang siya, hindi mo masasabing bagay sa kanya ang mga gano'ng---"

Padabog niyang ibinaba ang mga kubyertos kaya natigil ito sa pagsasalita. Nang tingnan niya ito ay bakas ang gulat sa mukha ni Elojah. Agad din iyong napalitan ng pagsisisi.

Fence Academy: Living Flesh (Flesh 2)Where stories live. Discover now