CHAPTER 23: TRUTH

557 29 2
                                    

WALANG makapang ni isang salita ang tatlo nang matapos ang video. Hindi magawang umukil sa mga isipan nila ang mga sinabi ni Gideon. Ang simula ng lahat, ang mga balak pang gawin ni Alice, at ang ginawa ng mga magulang ni Xienna. Si Havannah ang unang nakabawi.

“That started it all? All the nightmares, all those monsters that killed those people and my brother…” hindi makapaniwalang wika niya. Kumuyom ang mga kamay niya at nag-igting ang mga bagang. “Just because of her selfishness and the desire to have protection and recognition?”

Hindi rin alam ni Margaux ang sasabihin. Kumilos si Axel upang tanggalin ang memory card na nasa cell phone nito.

“Better keep this somewhere else. We don’t know who might snoop in our things when we’re not looking,” wika ng lalaki at iniabot kay Havannah ang memory card. “Keep this?”

Humugot siya ng malalim na hininga at tumango.

“Scary how pain and trauma cause crazy things,” naiiling na sabi ni Margaux. “Pero ang talino niya. Nagawa niya ang lahat ng ‘yon. But I’m wondering. Nasaan na ang anak niya ngayon?”

Napaisip din sina Havannah at Axel. Alam ni Gideon ang tungkol kay Jeorjette, pero wala silang matandaang may nabanggit na ganoong pangalan ang mga magulang nila nang ikwento ang mga nangyari noon.

“Baka ngayon niya lang nalaman ang lahat ng nangyari. No’ng ipinadala sila rito sa isla,”’ sabi ni Havannah. “And remember that there was no way to communicate with someone outside this island. Something must have happened that’s why he was stuck here for all these years.”

“I remember Mom saying that Alice had an accomplice, but Lolo Max and Lola Letty didn’t know who it was. That must be Jeorjette. Sinabi ni Gideon na walang ibang nakaalam na nagkaanak sila ni Jettro. Nagtrabaho rin si Jeorjette sa Fence Lab pero ibang pangalan ang ginamit at iba ang itsurang ipinakita,” wika ni Axel.

Tumayo si Havannah at binuksan ang flashlight na dala. “Let’s go back to them first. Kailangan din nila ‘tong malaman. Maybe Tita Xienna or Tita Lauree told something to those two.”

“Pero nando’n ‘yong kambal,” sabi ni Margaux na nakasunod sa kanya nang patayin niya ang lamparang nasa kwarto. “I’m not worried about their grandma since matanda na ‘yon. Baka nga hindi na ‘yon nakakarinig nang maayos.” Tumawa ito. “But the twin will definitely be suspicious kung bababa pa tayo just to talk to each other.”

“Don’t worry about it. Ako na lang ang makikipag-usap. Just entertain the twin.”

Naglakad na silang tatlo pabalik sa treehouse. Makulimlim ang langit dahil sa nagbabadyang ulan. Habang nasa kakahuyan ay pakiramdam ni Havannah ay may nagmamasid sa kanila sa paligid. Kumunot ang noo niya. The hairs on her nape stood. The crunching of twigs and dried leaves dominated the forest. Walang huni ng mga ibong maririnig sa paligid o ng kahit na anong insekto. Kakaiba ang katahimikan ng paligid kumpara noong bago sila pumasok sa kweba. Dahil ba sa katotohanang nalaman nila kaya mas naging alerto siya sa mga maaaring mangyari?

Napabaling ang ulo ni Havannah nang makarinig ng kaluskos sa may kanan.

What is that?

Siya ang nauuna kaya nang mapahinto siya ay ganoon din ang dalawang nasa likuran niya. Muntik pa siyang mabangga ni Axel dahil abala na ulit ito sa pagse-cell phone.

“Tsk.” Inis niyang binalingan ang lalaki. Ngumisi lang ito at nagkibit-balikat.

“Akin na nga ‘yan.” Hinablot niya ang cell phone nito kung saan nagpe-play pa ang isang cooking game. Natanggal tuloy ang nakakabit na earphones sa tenga nito.

Fence Academy: Living Flesh (Flesh 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon