CHAPTER 14: ON THE LOOSE

563 26 8
                                    

NAGULANTANG sina Ciarah nang makarinig ng mga putok ng baril sa labas ng kwarto.

Ano 'yon? Sina Roshi!

"What is that?" Napalingon si Alice sa pinto at naalerto. Binigyan nito ng matalim na tingin si Wilson. "Check that."

Walang imik na kinuha ni Wilson ang tatlong baril na nakapatong sa isa sa mga lamesa roon. Isinukbit nito ang M4A1 sa balikat nito habang ang Beretta M9 ay isinuksok sa may waistband. Lumabas ito ng kwarto na hawak ang isa pang Beretta.

Pumunta si Alice sa isa sa mga controls at nagsimulang pumindot sa keyboard doon.

Muling umingay ang putukan ng mga baril. Nanlaki ang mga mata ni Ciarah habang palipat-lipat ang tingin sa may pinto, kay Alice, at sa halimaw na nasa incubator na dating si Drishti. Kinabahan siya. Anong pinagmulan ng mga putukang iyon?

"No!" Ciarah's eyes pinned on Alice. Hinampas ng babae ang keybaord. Nagtaas-baba ang dibdib nito sa galit habang titig na titig sa mga monitors. Hindi makita ni Ciarah kung ano ang tinitingnan nito. "You can't do this! You can't ruin my plan. Matagal ko itong hinintay. Hindi kayo ang sisira sa akin at sa mga plano ko." Napasabunot ito sa sariling buhok at sumigaw.

Nagsitayuan ang mga balahibo ni Ciarah nang lingunin siya nito. Magulo na ang buhok ni Alice at malalaki ang mga hakbang na lumapit sa kanya. Umatras siya para makalayo sa babae, ngunit naalala niyang may mga metal straps siya. Napalunok siya sa takot. Anong binabalak nitong gawin? Kung ano man iyon ay hindi iyon maganda. Parang papatay ang babae sa itsura nito. Nasiraan na talaga ito ng ulo.

"Ikaw!" Pinisil nito ang mga pisngi niya.

"Ahhh!" daing niya nang bumaon ang mahahaba at matutulis nitong mga kuko sa makinis niyang balat.

"Hindi ka nila makukuha. Hindi nila kayo makukuha." Nilingon nito si Gia na wala pa ring malay. Pagkatapos ay binitiwan siya nito. Natahimik ito at tumuon lang ang mga mata sa sahig, nag-iisip nang malalim. Maya-maya ay tumawa ito. Tumawa ito nang tumawa at tumingala sa kisame. Muli siya nitong tiningnan. Ngumiti ito nang matamis sa kanya at hinaplos ang pisngi niyang may kaunting dugo dahil sa pagbaon ng mga kuko nito kanina. Lalong nangilabot si Ciarah. Taliwas ang haplos na iyon sa rahas ng pagkakahawak nito sa kanya kanina.

"A-Anong..." Hindi niya malaman ang sasabihin. Sinubukan niyang lunukin ang bara sa lalamunan, pero hindi iyon mawala-wala. Nangilid ang mga luha niya.

"Don't worry. They can't take you away from me. My plan will materialize. I will get every drop of blood from your body and make my army."

Nanginig ang mga labi niya at nanlaki ang mga mata. "H-Hindi... 'Wag mong gagawin 'yan..."

Nagmamadali itong pumunta sa isa sa mga glass cabinet. Pagbalik nito ay may dala na itong mga gamit para sa blood extraction. Inayos nito ang mga gagamitin. Nagmamadali ang mga kilos nito kaya ang ibang mga gamit ay naglaglagan sa sahig. Hindi iyon pinansin ni Alice.

"'Wag kang lalapit sa akin! 'Wag kang lalapit!" Halos magwala si Ciarah, ngunit parang bingi ang babae. Hindi siya nito tinapunan ng pansin.

Nang matapos ang paghahanda nito ay pilit nitong iniharap ang loob na parte ng siko niya upang matusukan ng karayom.

"'Wag! Lumayo ka! Bitiwan mo ako." Gustung-gusto niyang magwala. Hindi maaaring magtagumpay ang babae sa binabalak nito. Hindi pwede.

Mahigpit ang hawak ni Alice sa braso niya kaya hindi niya iyon maitalikod. Napasigaw siya nang wala nitong pag-iingat na itinusok ang karayom.

"Walanghiya ka! Walanghiya ka! Bitiwan mo ako!" Hindi na niya napigilan at tuluyang tumulo ang mga luha niya. Galit na galit at takot siya.

"Stay put!" Halos hindi niya makilala ang dumagundong na boses ng babae. Mistulang halimaw ang boses nito na kayang magdala ng matinding kapahamakan.

Fence Academy: Living Flesh (Flesh 2)Where stories live. Discover now