CHAPTER 26: PLUNGE

599 22 6
                                    

“BAKIT kayo nagsinungaling?”

Nakakuyom ang nanginginig na mga kamay ni Elojah. Himalang normal ang tono ng boses niya sa kabila ng sasabog niyang emosyon. Mariin siyang nakatitig kay Lolo Max na nakaupo sa likod ng table nito sa office ng HQ ng Stealth Potion. Si Lola Letty naman ay kanina pa hindi nagsasalita mula nang dumating sila. Hinayaan nito ang asawang magpaliwanag ng lahat. Naroon din sina Xienna at ang iba pa nilang mga kaibigan. Malaki ang office at may mahahabang mga sofa, ngunit lahat sila ay nanatiling nakatayo sa harap ng mag-asawa sa buong oras ng pagpapaliwanag nito ng lahat.

“You will not understand. You---”

“What,” sigaw niya at inihampas ang kamay sa lamesa, “will I not understand? Malinaw na malinaw sa amin ang ginawa niyo. Hindi niyo lang kami pinagmukhang tanga. Hinayaan niyo kaming hayaan ang kaibigan namin sa hindi makataong paraan.”

Elojah felt her husband’s hand on her shoulder, but she ignored it. Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya kahit anong pigil niya. Nagtagis ang mga bagang niya at pilit niyang nilunok ang namuong bara sa lalamunan.

“You… You killed him in the most inhumane way… Kung alam ko lang! Kung alam lang namin… Hinding-hindi kami papayag na mangyari ‘yon! Anong pakialam ko kung mamatay ang lahat ng tao? Anong pakialam ko kung siya na lang ang natitirang pag-asa ng mundo dahil sa ginawa ng putang inang Alice na ‘yon na miyembro ng organisasyon niyo?! Binaboy niyo ang katawan ni Daniel!”

“Sis!” sigaw ni Xienna nang damputin niya ang mga papeles na nasa ibabaw ng lamesa at itapon sa dalawang matanda.

Napapikit lang nang mariin si Lolo Max nang matamaan ang mukha nito ng sumabog na mga papel samantalang si Lolo Letty naman ay napasigaw at napatayo. Wala siyang pakialam kung mahihina na ang mga ito dahil sa lumipas na mga taon. They deserved that kind of treatment.

“Elojah, that’s enough!” galit na saway ni Avy sa ginawa niyang pambabastos sa lolo at lola nito.

Pumitik ang ulo niya paharap kay Avy. Agad itong napaatras nang makita ang nagbabagang tingin niya. Rexan immediately put a protective arm around her wife’s shoulder.

“Enough? Hindi pa ‘yan sapat!” Idinuro niya si Lolo Max. “Hindi sasapat kahit ang buhay nila para mabayaran ang ginawa nila kay Daniel. A microchip inside the heart? Bobong-bobo talaga tayo no’ng mga panahong ‘yon kaya naniwala tayo.”

“Elojah, we understand what you’re saying,” Lauree’s cold voice said. “Pero hindi ‘yan ang ipinunta natin dito.”

Doon siya natigilan. Nawala sa isipan niya ang totoong pakay nila kung bakit sila sumugod sa HQ nang magsimulang magpaliwanag si Lolo Max kung ano ba talagang nangyari noon. Napunta roon ang usapan dahil narinig nila ang sinabi ni Lola Letty tungkol kay Daniel na carrier ng Blood X bago pa man sila tuluyang makita ng mga ito.

Lumipad ang tingin ni Elojah sa kamay niyang nakakuyom. Sa ilalim noon ay gusot na ang iniwang sulat ng anak niya.

“Lolo Max,” seryosong sabi ni Warren. “Tulungan niyo kaming pumunta sa isla. Kailangan naming sundan ang mga anak namin.”

Napayuko si Lolo Max at bumagsak ang mga balikat nito. “I can’t.”

Lalong umakyat ang dugo sa ulo ni Elojah. “Anong ibig mong sabihin?”

Bago niya pa muling masugod ang matanda ay nahila na siya ni Harvey. “Sweetheart, don’t. Calm down. Hindi makakatulong ang galit mo. Time is essential. With each passing second, our children are getting farther from us and nearer to that island. Pagbalik natin, saka natin sila kakausapin tungkol sa nangyari kay Daniel.”

Fence Academy: Living Flesh (Flesh 2)Where stories live. Discover now