• Five

34.4K 398 18
                                    

"Are you insane?" Tumayo na ko at kinuha yung gamit ko. Ayoko nung pinapagawa niya. Puso na yung nakataya dun!

"Jillian please? Ayokong nasasaktan si Lorraine. Gusto kong ipa-realize sa kanya na kahit anong gawin siya hindi siya mapapansin nung gagong yun."

"Dax... maglaro ka ng patas. Hindi mo pwedeng paglaruan lang yung damdamin ng iba! Isipin mo, didikit ako dun sa gagong tinutukoy mo, masasaktan yung Lorraine na sinasabi mo. Masasaktan at masasaktan siya Dax. Hindi pwedeng hindi. Babae yun! Hayaan mo siya."

"Jillian... you don't understand..."

"It's you who can't understand, Dax!" Tinalikuran ko na siya at naglakad na kong papunta sa pintuan.

"Look, if you're going to accept my offer... mapapagamot mo si Jamie. Baka nga mailipat mo pa siya sa mas magandang hospital. Hindi yung lagi siyang nasa waiting list para lang masalinan ng dugo. I'm also doing you a favor, Jelly."

"Fine. Just prepare the documents... para mapirmahan ko na. And please, include that the agreement will expire five months from now. Also, I will receive your payment every 15th day."

"Yun lang? Walang problema."

Napag desisyunan namin ni Dax na puntahan yung apartment ko, para makuha ko yung mga gamit ko.

Ngayong meron na kong sure income monthly, kahit mapadalas na yung pag dalawa ko kay Jaime. Miss na miss ko na kasi siya. Mag iipon muna ko, para naman mailipat ko na siya ng hospital. Tama si Dax... sayang yung offer niya. Ginagawa ko to para kay Jamie.

"Okay lang ba?" Umikot ako sa harapan ni Dax. Ngayon na kasi yung appointment ko kay Mr. Abuel.

"Sabi ko sa'yo kahapon, hindi bagay sa'yo yan. Makikitaan ka diyan."

"Duh! Nagsalita ang conservative." 

"Hindi bagay. Ang panget! Payatot."

"Umalis ka nga dito sa kwarto ko! Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

"Chini-check ka. Ang tagal mo kasing mag ayos eh. Mali-late na tayo."

"Teka. Eto, patapos na."

Nagsuklay lang ako sandali ng buhok, tapos iniangat ko lahat. Ime-messy bun ko na lang wala ng oras eh. Kung bakit ba naman kasi napahaba ang tulog ko kanina. Eto namang si Dax, hindi ako ginising.

Tapus mag rereklamo na mali-late na. Nagkataon pa na invited din pala siya sa party na pupuntahan ko, dapat hindi na siya a-attend, pero sabi niya nga nung una, sasamahan niya daw ako.

Napatingin ako sa kanya at nailang ako, kaya naman medyo ibinaba ko yung braso ko kasi nakatitig siya.

"Ano bang tinitignan mo?!"

"Ang ganda pala ng armpit mo no?"

Namula ako sa sinabi niya. Itinuturing ko kasi na private part yung kilikili ko. Mabuti na lang nga maputi at makinis eh. Hindi ata ako tinubuan ng buhok, nagpapasalamat na din ako sa genes ko. Pero kasi naiilang talaga ako.

"Hintayin mo na nga lang ako sa labas."

"Bakit mo tinatago? Mahihirapan ka sa pag aayos ng buhok mo kung iniinpit mo yan."

"Pwede ba? Hindi mo ko madadala sa mga ganyan mo."

"Talaga?" Napansin ko sa salamin na dahan dahang naglalakad si Dax palapit sakin.

Bago pa ko maka-react, naitaas na niya ang kamay ko.

"Daaaaaax! Aaaah! Ano ba? Ano ba?! Bitawan mo ko!!" Pinipilit niyang itaas ang kamay ko at sa pagpupumiglas ko, sabay kaming bumagsak sa kama. Pero diretso pa rin siya sa ginagawa niya.

Bayarang Babae (Ongoing)Where stories live. Discover now