• Twenty Two

17.8K 368 89
                                    


Tahimik lang kaming dalawa ni Jamie sa buong biyahe pauwi. Even Dax... hindi rin siya nagsasalita. Baka sa sobrang saya niya, nakalimutan na niyang merong tao sa backseat. Siguro pagkatapos ng nangyari ngayon, I need to go back on my business.

Hindi na niya ko kailangan, of course. Okay na sila ni Lorraine. Finally! Nagustuhan siya ni Lorraine. Baka naisip niya na hindi naman siya mapapansin ni Arx as a girlfriend. Kaya kay Dax siya.

"Ate... tutulog na ko."

Ibinaba ko sa sahig yung tabo na may face towel. Kakatapos ko lang kasi siyang punasan.

"Okay. Mamaya gigisingin kita ha? Magluluto ako ng lugaw."

Tumango lang siya at nahiga na. Naligo muna ko bago ako magluto. Isinalang ko sa stove yung malagkit na bigas na naupo ako sa counter.

May kirot kirot pa rin akong nararamdaman sa puso ko dahil kada pumipikit ako, yung kissing scene pa rin ni Dax at Lorraine ang nakikita. 

Tinignan ko lang si Dax nung pumasok siya sa kitchen. Naka boxer shorts lang siya, basa basa pa ang buhok. Uminom siya ng tubig at naupo rin sa counter sa harapan ko.

"How's Jamie? Sa tingin mo nag enjoy siya?"

Tinanguan ko lang siya bilang sagot.

Ako ba Dax? Hindi mo ba ko tatanungin kung nag enjoy ako?

"Ikaw mukhang enjoy na enjoy ka sa company ni Arx."

Pakshett ka! Ang manhid mo.

"Yeah. I really did."

Tumango tango lang din siya. Tumayo ako para haluin yung lugaw na niluluto ko at bumalik ulit ako sa counter.

"May progress ba?" I asked him.

"What kind of progress?"

"C'mon! I saw you ki-- I saw your bonding together... your closeness... your sweetness. She's a thoughtful girl... and a multitasker. Imagine, napag sabay niya kayong dalawa ni Arx!"

Kumunot ang noo ni Dax sa huli kong sinabi kaya nag isip agad ako ng pampatanggal talipandas ng bibig.

"I mean... I mean you, as her bestfriend of course, and Arx, as her crush or her apple of the eyes."

"Yeah. Pero hanggang dun na lang yun."

Wtf? Ganon na sila ka intact ni Lorraine? At kung makapag bigay siya ng statement about her and Arx... hanggang dun na lang yun?

"So what's your stand?"

"Her... bestfriend."

Lul! Letse!! So ano yun? Bestfriends with benefit? Pakiss kiss na lang sa lips, kasi mag bestfriend?? Kung ganyan nga ang mangyayari, maraming mabi-bestfriendzone! Letse ka Dax!!! Nakakabeastmode ka!!

Tumayo na lang ako at hinalo ko ulit ng hinalo yung lugaw.

"Nakita kong magkayakap kayo ni Arx kanina. May kailangan ba kong malaman?"

"Wala naman. Bukod sa former boyfriend ko siya... damn! I can't call him as my ex. Sabagay pareho namang past yun. Pero mas okay yung word na former. Until now, there's no closure."

"Did he say something?"

"Yes. Kung pwede lang daw sana niya kong nakawin."

"What's your answer?"

"Nothing. I just laughed."

"Ah. So you just laugh?"

"Yeah. Why? Does it mean anything?"

Bayarang Babae (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon