• Fourteen

19.7K 318 41
                                    

Halos araw araw na kaming dumadalaw ni Dax kay Jamie. Pero minsan niyayaya ko siyang puntahan si Lorraine sa bahay nila, pero ang sagot lang niya sakin, pagod siya.

Masaya ko kasi nakikita ko na masaya din si Jamie pag nandun kami. Sa palagay ko nga eh crush niya si Dax, pero nahihiya lang siya. May mga times din na ioopen up niya yung tungkol kay mama, pero binabago ko kaagad yung topic para lang hindi sumagi sa isip niya na ipahanap ulit si mama.

Minsan din, ininsist sakin ni Dax na tutulungan niya kong hanapin si mama... pero tumanggi ako. We don't need her in our life. Masaya naman si Jamie eh. Hanggat maaari, hindi ko iniisip yung dalawang buwan.

Bumangon ako sa pagkakahiga at naupo lang sa kama. Kasalukuyang nag tatali ako ng buhok ng marahang kumatok si Dax sa pinto at pumasok na din siya.

Hinayaan ko lang siya dahil nag tatali ako ng buhok.

"Breakfast is ready." Yun lang ang sinabi niya pero napansin ko na nakatayo pa rin siya sa gilid ko at nakatingin sakin kaya ibinaba ko kaagad ang braso ko dahil sa armpit ko lang naman siya nakatingin.

"Susunod na ko." Sinenyasan ko siya na lumabas na at natauhan siguro kaya sinunod ako.

Tinanggal ko lang yung kumot na nakatakip sakin. Naghilamos na rin ako at nag mumog. Dumiretso na ko sa kusina pagkatapos kong mag punas ng towel sa mukha.

"Ang bango ah. Grabe! Pwede bang wag ka na lang kay Lorraine... sakin ka na lang." Nakagat ko ang labi ko. Uminom ako ng lemon water at napangibit ako sa asim.

"What?" Tanong sakin ni Dax kaya napasubo ako ng skinless langgonisa.

"Sabi ko... sakin ka na lang. Para pag gising ko, may mga naka ready ng pagkain. Kahit tanghaliin akong magising, may kakainin pa din ako."

"Gusto mo ba?"

"Huh?" Hindi ko naintindihan yung sinabi ni Dax dahil para kong nabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Ang sabi ko, gusto mo pa ba ng langgonisa? Eto rin, fresh tomatoes."

Kinain ko lahat ng inilalagay ni Dax sa plato ko. Pakiramdam ko kasi gutom na gutom ako.

"Uy! Yung sweldo ko pati allowance!! Wag mong kakalimutan!"

"Deposited na po. Kahapon pa."

"Good. Kala ko nakalimutan mo na eh. Nagbabalak na sana kong humanap ng bagong client."

"Tss. Tumigil ka, Jillian! May kontrata tayo."

"Oo... alam ko yun. Kala ko kasi ikaw unang hindi tutupad sa kontrata. Mabuti na yung may back up plan."

"Oh eto pa... kumain ka pa."

"Anong susunod nating plano kay Lorraine. Napapadalas tayo kay Jamie. May kontrata tayo... hindi magiging successful yun kung hindi naman natjn nakakasama si Lorraine... malamang pinag pipyestahan na ni Arx yun."

"Argh! Tara sa spa."

"Yayain kaya natin sila?"

"Wag na. Dito na lang tayo. Mag cuddle cuddle."

"Lul. Tigilan mo ko Dax."

"To be honest, Jelly, I want you to focus on your sister. She needs you... and your mom--"

"Not again, Dax. Not today. I signed a contract... binabayaran mo ko. Meron akong condo, meron akong brand new car. At walang mag bibigay sakin nun sa isang iglap lang, Dax. Yung iba umaalis ng bansa para lang manilbihin o mag alaga ng hindi naman nila kaano ano para lang kumita ng malaki. Hindi ko naman pwedeng gawin yun kasi ayokong iwan si Jamie. I can't even work full time kasi pano ko mabibigyan ng oras si Jamie.  At ano namang magiging trabaho ko? Promodiser sa mga mall? Service crew sa mga fast food chains or resto? Call center agent? No. Gugugulin ko yung oras ko dun, tapos hindi naman ako mareregular dahil hindi naman ako naka graduate sa college. Tapos maliit lang ang suswelduhin ko. Mauubos lahat ng oras ko, hindi ako pwedeng basta na lang umabsent para mapuntahan ko si Jamie pag may nangyayaring hindi maganda sa kanya. Buti nga marami akong nagiging client. Easy money na, hawak ko pa yung oras ko. Hindi ko kikitain sa loob ng isang buwan yung binabayad sakin pag employed ako."

"Yung mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa'yo... hindi ka nababother yun?"

"Why would I be? Alam ko naman yung totoo. They're not helping me... or us. Kaya hinahayaan ko na lang. Hindi naman sila mahalaga sakin."

"Tell me about your father, Jel..."

"Si papa... alam mo na siguro na palipat lipat kami noon diba? Yung literal na NPA o no permanent address. Kung saan lang sila ipadala nung company, dun kami. Buti nga hindi siya natatanggalan ng trabaho. Kasama pa rin siya sa mga projects ng company nila. Dati sa Marikina kami. Six months yung kontrata nila. Dun na rin kami iniwan ni mama. Paiba iba rin ako ng school, buti nga pumapayag na mkapag transfer ako kahit kalagitnaan na ng pasukan. Tapos hanggang sa napunta kaming Batangas. Four months yung contract ni papa dun. Dun ko nakilala yung dalawa kong kaibigan... si Zeria tsaka si Annie. Tapos si Arx... hindi ko pinaalam sa kanila na aalis na kami. Sila lang talaga yung naging kaibigan ko. Kaso nawalan na kami ng communication kasi nagkasakit si Jamie... kinailangang ibenta yung cellphone na regalo sakin ni papa nung grumaduate ako ng elementary. Siya yung tumayong nanay at tatay namin ni Jamie. Kahit na hirap at pagod na siya galing site, nakikipag laro pa siya samin ni Jamie. Hanggang sa inatake na lang siya sa puso habang nasa construction site. May konting halaga na ibinigay yung company at nag ambag ambag din yung mga kasamahan niya at yun yung ginamit ko para makapagtinda tinda. First year college ako nun. Nag stop ako dahil nag aaral sa high school si Jamie. Sabi ko sa sarili ko... okay na rin siguro yung graduate ako ng senior high. Then nag trabaho na ko. Kaibigan ko na pala noon si Jeremy. Tapos nalaman ko yung tungkol sa sakit ni Jamie... kaya lahat ng raket noon, pinatos ko. Ultimo networking. Kaso wala... kulang na kulang yung kinikita ko sa panggastos namin ni Jamie. At yun, kinailangan na talaga siyang maconfine for medication. Hanggang sa may nag offer sakin na babayaran niya daw ako para lang maging kadate niya sa kasal nung ex girlfriend niya. Nasundan na lang ng nasundan yun. Kaya kahit papaano eh nakakaraos. Then you came along. Bakit kaya ganon... hindi pa rin Niya ko pinapabayaan kahit na tinalikuran at nakalimutan ko na Siya. Sa mga oras na kailangang kailangan ko ng pera, bigla na lang kitang nakilala. Ikaw pala yung mag dadala sakin ng maraming pera..." mapait akong natawa at napasandal na lang sa upuan.

"Siguro... nakatadhana na mag krus yung landas natin. Atleast makakatulong ako sa'yo."

"Yun na nga. Kaya ang gagawin natin, tatayo tayo, mag aayos, mag didate, tatawagan si Lorraine, yayayain natin silang dalawa ni Arx. Dahil mag diday off ako sa weekend. Ako ang magbabantay kay Jamie." Hinila ko si Dax patayo dahil hindi pa siya kumikilos. "Bilisan mo na! Tatrabahuhin pa natin yang forever mo. Pwe!" Tinulak ko siya papuntang kwarto niya at bago ko pa sinarado nag salita pa siya.

"Kunwari si Lorraine... pero si Arx talaga gustong makita."

"Oo na lang, Dax. Jusko. Mag ayos ka na ha!"

Kung alam mo lang Dax... pero wala eh... mas alam kong mas masasatan ako pag hinayaan kong madevelop ako sa'yo.

(c) Eiramisu

Bayarang Babae (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon