• Sixteen

18.1K 313 18
                                    


Pagkarating naman ni Dax sa spa & massage, nandun na sa coffee shop na tabi ng spa sila Lorraine at Arx. Magkaholding hands kami ni Dax na lumapit sa kanila. Nakangiti lang ako habang naglalakad papunta sa table nila dahil naiilang ako sa mga titig ni Arx.

"Hi. Kanina pa kayo dito?" Habang nag bebeso si Lorraine at Dax, hindi niya binibitawan yung pagkakahawak ni sa kamay ko.

"No. Hindi naman. Kakarating lang din namin ni Aldrin." Sagot ni Lorraine.

Nagulat ako ng bigla akong hinalikan ni Arx sa pisngi at medyo naramdaman ko yung pag higpit ni Dax sa kamay ko at parang medyo hinila niya ko.

"H-hi..." bineso ko na rin si Lorraine para walang ilangang mangyari.

"Dito muna tayo. Mamaya na tayo mag pa massage. For sure hindi na kayo makakapag usap sa loob." Naupo kami ni Dax at katabi ako ni Arx.

"How's Tita Jena, Dax?"

"She's fine."

"Birthday na niya next week, are you gonna throw a party?"

"I wanted to, but she refused."

"Charity again?"

"You know her, Lorraine."

Salitan lang ang tingin ko kay Dax at Lorraine habang nag uusap sila. Talagang kilalang kilala na nila yung isa't isa. At ang alam ko lang ata kay Dax eh mayaman siya, may tinutulungan silang foundation. May stepmother siya... hanggang dun lang yung alam ko. I don't know, pero para kong sinisilihan ng selos. Yung pakiramdam na ang bigat bigat sa dibdib.

Napatingin ako kay Arx dahil bigla niyang pinagapang yung kamay niya sa batok ko. Ngiting ngiti siya kaya naman tumawa ako. Ganon kasi lagi yung ginagawa niya pag nakatulala ako noong mag classmate pa kami pero kami na noon. Iniabot niya sakin yung iphone niya. Hindi ko magets kaya napakunot na lang ako ng noo.

"Number mo. Itype mo." Sabi niya.

"Ah. Hahaha. Hindi mo naman agad sinabi." Kinuha ko yung iphone at tinype yung number ko at inabot ko pagkatapos.

Tinawagan niya yung number ko kaya kinuha ko yung phone ko sa bag at pinakita sa kanya yung screen.

"Mabuti na yung sure. Baka mamaya hindi mo number yung ilagay mo." Natawa ko sa sinabi niya kaya sinagot ko yung tawag niya.

"This is Jillian Sandoval, how can I help you?" Nakatingin ako kay Arx habang nagsasalita ako sa phone.

"Help me to forget you."

"Sira!" binato ko siya ng tissue at tumawa lang kaming dalawa.

"We better go." Sabi ni Dax. Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko kaya tumayo na rin ako.

Tumayo na rin sila Arx at Lorraine. Nauna kaming pumasok ni Dax sa loob ng spa. Si Dax ang nakipag usap sa attendant at lahat kami full body massage. Pinaghintay kami ng 5 minutes para iready yung room para saming apat.

Walang nag sasalita saming apat. Nakahawak lang si Dax sa kamay ko. Gusto ko na nga bumitaw kasi pinag papawisan na yung kamay ko pero kada mag tatangka ako,  hinihigpitan niya lang lalo yung grip niya sa kamay ko.

"Sir, Ma'am ready na po. This way." Ginuide kami kung saan kami pupunta. Binigyan kami ng tag iisang robe at maliit na towel. "Dito po yung changing room." Pumasok kami ni Lorraine sa changing room for girls. Sinarado niya lang yung pinto at diretso na siyang nag hubad ng damit.

"Wag ka ng mahiya."

Nginitian ko lang siya at nag hubad na rin ako ng damit. Napansin ko lang na mas sexy ako sa kanya. Duh! Ang liit ng balakang niya. Hindi gaya sakin na parang hourglass ang shape.

Napansin kong tinatanggal nya yung hook ng bra niya sa likod.

"Even the bra?"

"Yep. Panty lang matitira."

"That's kinda awkward."

"Sinabi mo pa. Pero sanayan lang naman. Nakadapa naman kaya hindi maeexpose."

Tumango lang ako at nag hubad na rin ng bra. Pero nilagay ko yung kamay ko sa dibdib para kahit matanggal yung hook, hind maexpose yung boobs ko.

Buti na lang yung partner na bagong bra at panty ang isinoot ko. At buti na lang, tinapon ko na lahat ng undewear ko na bacon na ang strap. Kung hindi, nakakahiya at baka yun pa masoot ko.  Eh mukhang mamahalin pa ang mga undies ni Lorraine.

Inayos ko yung pag kakatupi ng mga damit ko. Sabay na kaming lumabas ni Lorraine sa dressing room. May nag hihintay saming dalawa sa labas, at sumunod lang kami sa kanya. Pumasok kaming dalawa sa isang room. Nandun na si Arx at si Dax, nakadapa na at nakasubsob. Dahan dahan akong sumampa dun massage bed. Itinakip ko sa dibdib ko yung laylayan ng robe saka ko tinanggal yung sa kamay. Inalalayan ako nung reflexologist na tanggalin yung robe ko pag kadapa ko.

Tinignan ako ni Dax at nag thumbs up siya sakin. Medyo inangat niya yung tingin niya para tignan yung nasa kaliwa ko, nasa kanan ko kasi siya eh. At sa kaliwa ko, nakadapa si Arx at sa kaliwa niya, si Lorraine.

Sumimangot si Dax kaya tinignan ko yung tinitignan niya. Nakagat ko ang labi ko dahil baka iniexpect niya na dun ako pupwesto sa kaliwa ni Arx para katabi niya si Lorraine. Bumangon si Dax at nagpunta siya sa paanan ko. At pasimple ko siyang sinundan ng tingin. Kunuha siya ng towel at binuka yun. Nagulat ako ng ilagay niya yun sa nakaexpose kong butt.

Napasubsob ako sa hiya. Nakalimutan kong takpan yun. Naramdaman ko siya lumapit sakin at nag squat siya kaya magkapantay na ang ulo namin.

"Palit tayo. Dun ka sa kabila." He said calmly.

Susunod na sana ko kaso dumating na yung mga reflexologists na may hawak hawak na mga tray.

"Bumalik ka na nga dun sa pwesto mo." Natawa ko ng irapan ako ni Dax. Bubulung bulong pa siya habang tunatayo. Malalaki naman yung agwat ng mga massage bed. Pinagmasdan ko siyang maglakad papunta sa bed niya. Naka boxer lang siya. Hindi ko naiwasang hindi mapatitig sa may pwet niya, dahil matambok. Ang ganda din ng likod niya. Damn! Pwedeng pwede siyang maging model dahil sa ganda ng katawan niya. Sinubsob ko ulit yung mukha ko ng makadapa na siya.

Naramdaman ko na lang yung paghaplos ng reflexologist sa bandang balikat ko.

Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ko. Pagkaangat ko ng ulo, wala na si Arx at Lorraine sa kama, pero si Dax, nakaupo sa bed niya at nakatingin sakin. Napansin kong nakabihis na rin siya kaya nakagat ko ang labi ko.

"Nasan sila?"

"Nandun na sa labas."

"Hala! Nakakahiya. Nakatulog na pala ko."  Babangon na sana ko kaso nakalimutan kong wala pala kong bra. Napangiwi ako dahil wala yung robe na soot ko kanina.

Nakita kong tumayo si Dax at pag balik niya ipinatong niya sa likuran ko yung robe kaya bumangon na ko. Nakapikit siya kaya nagmadali ako sa pag susoot ng robe.

"Thanks... Dax?"

"Umm?"

"Kanina pa ba tapos?"

"Ah huh."

"Ilang minutes na kayong naghihintay sakin?"

"Thirty, I guess."

"Nakakahiya, Dax! Jusko ayoko ng lumabas."

"Hindi yan. Sinabi ko sa kanila na masyado kitang napagod kagabi kaya nakatulog ka."

Namula ang pisngi ko sa sinabi ni Dax at nasuntok ko siya sa braso.

"Anong kashongahang dahilan yun? Nakakahiya ka! Hindi mo na ko binigyan ng kahihiyan."

"Matic na yun. Girlfriend kita, mag ka live-in na tayo."

"Girlfriend sa papel. Tse! Kahiya to." Iniwan ko siyang nakatayo dun at bago ako lumabas nilingon ko siya at kinindatan ako kaya inirapan ko, but deep inside, nalulusaw na ang kaibuturan ko sa kilig.

(c) Eilramisu

Bayarang Babae (Ongoing)Where stories live. Discover now