• Three

34.7K 392 12
                                    

Isang linggo na ang nakakaraan nung huli kong dalawin sa Jamie sa hospital. Kung pwede lang na araw araw ko siyanga makasama... pero hindi sa ganong kalagayan niya. Pag nakikita ko kasi siya, parang laging dinudurog yung puso ko, pinupulbos pa.

Lubog na yung pisngi niya, nakaangat na yung collar bone niya. Yung balat niya halos mag kulay violet na...

Gustong gusto kong maging matapang sa harap niya, kasi ayokong mas lalo siyang panghinaan ng loob.

Sinigurado ko na naka padlock yung pintuan at lahat ng pwedeng pasukin sa bahay. Delikado na ang panahon ngayon. Kahit napaka liit lang ng bahay ko, ayokong mapagsasamantalahan pa ko. Baka ikabaliw ko yun.

"Oh napatawag ka, Jer?"

"Baklaaaaaaaa! Hinahanap ka ng magulang ko! Omg! What to do?"

"Nako. Ayan na ang consequence, harapin mo na."

"Hindi pwede! Ayoko! Nasan ka ba?"

"Kakaalis lang ng bahay. Mamimili ako ng gagamitin ko para sa raket ko."

"Puntahan mo na lang ako, plith??"

"Hindi pwede. Busy ako."

"Dali na! Mababaliw na ang lola mo! Kaloka!"

"Ginusto mo yan. Harapin mo mag isa. Kung ako sa'yo, aamin na ko. Mahirap yang may tinatagong katotohanan, lalo na sa parents mo. Sige na. Bye bye na."

Narinig ko pang nag salita si Jeremy, kaya lang hindi ko na naintindihan kasi pinatay ko na.

"Hi Jelly beybe! Pwede ka ba tonight?" Sabi nung adik kong kapitbahay. Hindi ko na lang sila pinag papapansin, kasi mahirap na. Baka pag lumaban ako, magbalak sila ng masama sakin. Nasa squatters area lang ako nakatira, at sa araw araw na ginawa niyang Diyos, kada may dadaanan ako, pagtsitsismisan nila ko. Na kesyo kabit ako ng isang bilyonaryo, nag tatrabaho sa club, isang GRO, pokpok, at kung anu ano pa.

Sa simula masakit, kasi hindi naman nila ko kilala eh. Hindi naman nila alam kung ano talaga ang ginagawa ko at para saan talaga ang ginagawa ko.

Pero habang tumatagal, wala na kong pakialam, sa nangyayari ba namang to sa buhay ko, hindi pa ko masanay? Eh puro kalyo na ang buong pagkatao ko dahil sa lahat ng sakit.

Sakit na matagal kong nilalabanan, pero sa halip na gumaling, lalong lumalala.

Nagsimula lang naman tong sakit na to nung iwan kami ni mama... hanggang sa magpalipat lipat kami ng bahay at iwan lahat ng mga nagiging kaibigan ko, kaya simula nung umalis kami sa Batangas... hindi na ko ulit nakipag kaibigan pa, basta kung sino na lang yung dumating. Pero pinipigilan ko yung sarili ko na ma-attach sa kanila ng sobra... si Jeremy lang talaga yung kaibigan ko na hindi kami nawalan ng communication. Hanggang sa namatay si papa, at ngayon si Jamie naman yung unti unting nawawala sakin...

Nang papunta na ko sa terminal ng tricycle, may napansin ako na medyo pamilyar na rebulto... at bago ko pa maisip kung sino siya, hinila na niya ko papasok ng kotse niya.

"Tiba tiba nanaman tong si Jelly. Pucha! De sasakyan nanaman ang bagong kinakalantari" Bago niya isara yung pinto, narinig ko pa yung isang babaeng nagtitinda ng gulay, kilala ko siya kasi kapitbahay ko siya. At isa siya sa mga salot sa lipunan na sa halip iniaangat ang sarili niyang buhay... pilit pa siyang nambabagsak ng buhay ng iba.

Marami sila sa lugar ko... halos lahat nga eh.

"Ano bang kailangan mo sakin?" Tanong ko sa kanya nung nakasakay na siya ng kotse at pinaandar na niya yung makina ng sasakyan. "Isa pa... paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

"Dapat ang tanong mo, ano pa ang hindi ko alam sa'yo."

"Ha? Ang labo mo Dax."

"Nakaka-flattered naman. Alam mo pa rin ang pangalan ko."

"Pwede ba? San mo ba ko dadalhin?! May pupuntahan pa ko!"

"Sakin ka na mag ta-trabaho simula ngayon."

"Excuse me? What the hell are you talking about?"

"40 thousand a month, how about that?" Napaisip ako kung seryoso ba talaga ang kumag na to. 40kyaw daw? Ha!

"Kaya kong kitain yan sa dalawang deal lang."

"I knew about that already. Nagbakasali lang ako. Anyway, my offer is 70 thousand a month--"

"Naglolok--"

"Plus a weekly allowance, a car and a condo unit..."

Napanganga lang ako sa offer niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya... at kung ano bang trabaho ang sinasabi niya.

"Take it or... take it?"

"You're crazy..."

"Is that a yes?"

"Give me a reason why should I accept your offer."

"Because it's a good offer. Come on... I know you need money... that's why I'm here. Offering you a good deal."

"What's my job then?"

Humarap siya sakin at ngumiti.

"This is not the appropriate place to talk about your job description."

"At saan mo pa ba ko dadalhin?"

"Sa condo ko..." tinignan ko siya ng masama. Mukhang may nakikinikinita na ko sa gagawin niya. "Relax Miss Sandoval. Wala akong balak na masama sa'yo... pupunta tayo sa magiging condo mo."

"Ah. Mabuti na yung nag kakaintindihan tayo. Pero pwede bago mo ko dalhin dun, idaan mo muna ko sa ukay ukay?"

"Ukay ukay? Ano yun?"

"Bilihan ng mga damit yun... mga second hand. Basta... pag may nakita kong ukay ukay, ihinto mo ah!"

"Bakit? Wala ka ng damit?"

"Meron. Eh may pupuntahan ako bukas... importante yun! 30kyaw din yun!"

"Bakit pa? Eh di ba sakin ka na mag ta-trabaho?"

"Oo nga! Pero bago yun, may nauna na kong ka-deal."

"Hayaan mo na yun!"

"Anong hayaan? Hindi pwede!"

"Babayaran ko na lang yun!"

"Pwede rin sana. Kaso hindi talaga pwede. Palabra de honor. Alam mo ba yun?"

"Aish! Sige na. Oo na. But in one condition, I'll go with you."


(c) Eilramisu

Bayarang Babae (Ongoing)Where stories live. Discover now