• Twenty Three

21.7K 386 122
                                    


Nagmamadali ako sa pag aayos. Nawala kasi sa isip ko yung text sakin ni Arx. Late ko ng nabasa yung huling text niya na 11am niya ko susunduin sa lobby nitong condo.

Balak ko pa sanang isama si Jamie, pero nung tinanong ko siya kanina kung bakit siya nagsuka kagabi, ang sagot lang niya eh baka nahilo lang siya sa biyahe dahil hindi naman daw siya sanay sumakay sa mga kotse. Kaya sinabi ko na mag pahinga na muna siya ngayon dahil baka mahilo nanaman siya. Pinagpapasalamat ko rin sa Diyos dahil ganon nga lang ang nangyari... dahil ayokong umabot sa worst part.

Kinuh ko na yung sling bag ko at nagmamadali akong lumabas ng kwarto.

"Dax! Ikaw na munang bahala kay Jamie ah? Sandali lang naman siguro kami."

"Oo na! Kahit labag sa loob kong aalis ka!"

"Hindi naman mahirap alagaan si Jamie. Sandali lang talaga ko. Promise!"

"Wala namang problema na ako ang kasama ni Jamie. Do you really have to go?"

"Of course!"

Tinignan lang ako ni Dax at nagsimula na ulit siyang maghiwa ng repolyo.

"Bye! Thank you talaga."

Naabutan kong nanunuod ng Tinkerbell si Jamie sa living room. Hinalikan ko siya sa noo at nagpaalam na ko.

"Sabihan mo lang si Kuya Dax pag may gusto ka o pag may sasabihin ka sakin para matatawagan niya ko. Okay?"

"Mag iingat ka ate. Ikamusta mo ko ulit kay kuya Arx."

Nginitian ko siya at lumabas na ko ng unit namin. Nakakailang hakbang pa lang ako nung may tumawag sakin. Pagkalingon ko, nakatayo si Dax sa tapat ng unit namin. Nakasoot siya ng apron at may hawak hawak pang sandok.

Kung totohanan talaga yung set up namin, tatakbuhin ko siya. Yung tipong slow mo pa palapit sa kanya. Dadambahin ko siya at bubuhatin niya ko... tapos hahalikan niya ko.

"Anong nginingiti mo diyan?"

"Huh?"

"May curfew ha. Umuwi ka ng ala una."

"Hindi naman ako aabutin ng curfew. Isa pa, adult na ko. Hindi na ko huhulihin. Diyan ako mag didinner no!"

"Anong dinner? Anong huhulihin? Ala una ng tanghali tinutukoy ko. After lunch! Hindi after midnight! Kailangan nakauwi ka na."

"Ala una ng tanghali? Ano ako teenager?"

"Tss. Buti nga pinayagan pa kita eh."

"Aba! Wala sa contract natin na hindi ako pwedeng lumabas mag isa."

"Hindi lahat kailangang idaan sa contract!"

Inirapan ko lang siya at tinalikuran ko.

"Hoy! San ka pupunta?"

"Aalis na!!"

Nagsimula na kong maglakad papuntang elevator at naramdaman ko si Dax na sumusunod sakin. May nakasalubong kaming dalawang babae at nakatingin ng diretso kay Dax at humahagikgik pa. Gusto ko sanang habulin para dukutin yung mga mata. Malalandi eh!

"Aww. Ang cute. Naka apron pa."

"Shett ang swerte kung siya ang cook."

Mga letseng babae to! Hello! Hinahabol niya ko oh! Nagpapapansin pa kayo!

"Pumasok ka na dun Dax! Walang kasama si Jamie."

"Wait muna kasi. Ihatid ka na lang kaya namin ni Jamie. O kaya hintayin ka na lang namin."

Bayarang Babae (Ongoing)Where stories live. Discover now