• Thirty Three

2.6K 86 6
                                    

Gabi gabi pa rin akong umiiyak simula nung nailibing si Jamie. Miss na miss ko pa rin siya.

Hindi ako iniwan ni Dax sa mga panahong halos bumagsak ang mundo ko. Lagi lang siya nakaalalay sakin. Siya lahat ng gumagawa ng chores dito sa condo.

Bumabangon lang ako pag mag c-cr. Nagpupunta din dito si mama at pinipilit niya kong lumipat sa bahay niya. Pero tumanggi ako.

"Sigurado ka ba Jelly? That's also your home. Mabuti pang lumipat na kayo ni Dax sa bahay."

Umiling ako at tipid siyang nginitian. Maybe I will consider that. Pero sa ngayon, gusto ko dito muna ko. Dahil na rin sa mga memories ni Jamie. I can still feel her presence here.

"Hindi na muna kita pipilitin sa ngayon. Pero next time, iuuwi din kita sa bahay. Hindi pwedeng habang buhay na ganito ka."

Tumango na lang ako para mapanatag na ang loob niya.

Lagi akong inaasikaso ni Dax. Hindi siya napapagod na dalhan ako ng pagkain dito sa kwarto. Alam kong hindi dapat ganito yung magiging set up namin. Hindi na rin kasi siya lumalabas ng unit dahil lagi siya nakabantay sakin.

Minsan pa nga ay naaabutan ko siyang natutulog sa sofa dito sa kwarto. Hindi niya ko pinapabayaan. Hindi niya ko iniiwan..

Nagising ako na umiiyak. I saw Jamie in my dreams. Napakaganda niya sa soot niyang puting bestida. Tumatakbo siya habang palayo sakin. Nung nilingon niya ko ay tumatawa siya at kinakawayan ako. Sobrang aliwalas ng mukha niya. Tapos naglakad na ulit siya palayo sakin... papunta sa puting liwanag.

Napangiti ako habang umaagos ang luha sa mga mata ko. Alam ko na maganda na yung kalagayan niya sa langit. Maayos na siya dun at masaya. Kung noong nabubuhay pa siya, kundi siya nakahiga, eh nasa wheelchair lang siya.

Sobrang gumaan yung pakiramdam ko. Parang pinarating niya sakin na I should be happy too kung nasan man siya ngayon.

Bumangon na ko at nagpuntang cr. Naligo na rin ako at nag ayos na. Alas singko pa lang naman kaya paniguradong tulog pa si Dax. Binuksan ko yung glassdoor patungong terrace at malamig na hangin ang dumampi sa mga balat ko.

Tinignan ko kung ano yung pwede kong lutuin sa kusina. Babawi ako kay Dax. This time, ako naman yung magsisilbi sa kanya.

Isinangag ko yung natirang kanin na nakita ko sa rice cooker. Nagluto din ako ng bacon and scrambled egg at inayos na sa mesa.

Nagulat ako ng merong kamay na pumulupot sakin galing sa likuran ko. Naamoy ko na yung scent ng sabon na ginagamit niya. Kakaligo niya lang panigurado. Ibinaon niya yung mukha niya sa leeg ko at naramdaman ko na parang merong ipo ipo sa tiyan ko.

He planted a small kisses on my shoulders at mas lalo niya kong hinigit palapit sa kanya.

"I am so happy." Tuluyan na niya kong niyakap mula sa likuran. "Finally, lumabas ka na rin ng kwarto."

His husky voice made my whole body shiver.

Hinawakan ko ng mahigpit yung braso niya na nakapulupot sakin. Medyo niluwagan ko yung pag kakayakap niya sakin at saka ako humarap sa kanya.

Tinitigan ko ng mabuti ang mukha niya. Ngayon ko na lang ulit siya nakita ng ganito. Simula kasi nung isinugod si Jamie sa hospital. Hindi ko na masyadong pinag tuunan ng pansin si Dax dahil sobrang sumama ng husto ang loob ko. Pero hindi naman niya ko iniwan. Nanatili pa rin siya sa tabi ko kahit na minsan, hindi ko siya kinakausap o nililingon man lang.

Kitang kita ko sa mga mata niya yung pagsusumamo. Napalunok ako ng bumaba yung tingin ko sa mga labi niya na mapupula.

Hindi ko alam kung anong namamagitan saming dalawa... alam ko na nagsimula kami sa pag pipretend. Pero nalaman ko na nga na hindi naman talaga totoo yun. Ginawa niya lang yun para mapunta ako sa puder niya... kami ni Jamie.

Bayarang Babae (Ongoing)Where stories live. Discover now