• Twelve

21.2K 300 25
                                    


Walang nagsasalita samin ni Dax habang nasa loob kami ng kotse niya. Bigla na bigla na lang din tumutulo ang luha ko pag naaalala ko si Jamie. Ang hirap hirap tanggapin na binigyan na ng taning yung buhay niya.

Napatingin ako sa paligid ko ng pumasok kami sa loob ng gate. Nagtaka ako kung bakit kami biglang huminto ni Dax sa isang park or... mini forest? I don't know. Mga bakanteng lote naman yung katabi nitong area na to.

"What are we gonna do here?"

"Mag rerelax lang. Halika. Dali." Lumabas na siya ng kotse kaya napilitan akong lumabas na rin.

Maraming puno dito. Meron ding man-made pond at may maliit na tulay. Malawak to at may mga bulaklak din. Pumunta kami sa tulay at merong maliliit na koi fish yung pond. Merong mga puno dung malalaki at ginawang tree house yung itaas ng pinakamalapad at pinaka malaking puno.

"Lagi ka bang nandito?" I asked.

"Hindi naman. Minsan lang. Pag may problema, may iniisip, mga ganon lang."

"Eh nasan tayo? Para namang gubat to."

"Don't worry. We're still in the city." Napansin ko na may hawak pala siyang comforter.

"Try to relax and breathe some fresh air." Sumunod ako sa kanya habang umaakyat siya sa tree house. Merong half door yun. Pumasok kami sa loob at inilatag niya yung comforter.

"Yung totoo, Dax, nasan tayo? Baka mamaya may nagtatagong MILF dito."

"Ang taba ng utak mo. Tss. Walang MILF dito. Actually, my mom gave me this lot when I graduated from high school. Then my grand parents gave me money as a gift. My dad offered me a brandnew car but I refused it and instead of that I asked him about my plan kaya ipina-landscape ko to ng ganito. Kaya tignan mo, parang gubat. Tara, higa tayo."

Nahiga siya sa comforter at iniunan niya yung braso niya. Hindi na ko nagdalawang isip kaya nahiha na rin ako. Malaki yung tree house dahil dalawang puno ang kinakapitan nito.

"Mapuno na ba talaga to nung binigay sa'yo ng mom mo?"

"Nope. Plain and ordinary vacant lot. Hindi pa ganito kalalaki yung mga pano nung inilagay dito. Lahat ng punong nakikita mo, pinalagay ko lang. Buti nga naglakihan sila tulad ng mga ganito."

"Sinong nag memaintain dito?"

"May nagpupunta dito tuwing hapon para mag linis dito."

Ipinikit ko ang mga mata ko para pakinggan yung mga huni ng ibon. Tama si Dax... nakakarelax nga dito. Wala akong naririnig na tunog ng mga sasakyan. Presko dito at tahimik.

Naramdaman ko na lang na nasa mukha ko na yung kamay ni Dax.

"Hindi naman masamang umiyak, Jel. Basta ishishare mo. Hindi yung ganyan na bigla bigla ka na lang umiiyak."

"She has two months to live, Dax. The doctor told me about it earlier. Two months left..."

"I'm sorry to hear about that."

"Ginagawa ko naman lahat para sa kanya! Bakit ang dali dali na lang niyang sumuko." Bumangon ako naupo. Pinupunasan ko lang lahat ng luhang tumutulo sa mga mata ko.

"Jelly... alam mo ba kung anong sinabi niya sakin kanina? Gustong gusto pa niyang lumaban. Gustong gusto niyang gumaling, pero hindi na daw kaya ng katawan niya. At gusto niya bago siya mawala, makita niya ulit yung mama niyo..."

"No! Hindi ko hahayaan na mamatay siya Dax. At mas lalong hindi ko hahayaan na makalapit samin si mama. Nung araw na iniwan niya kami, nawalan na siya ng karapatan samin."

"Bakit hindi mo pagbigyan yung request ng kapatid mo?"

"No Dax! Nung mamatay si papa, ako na ang tumayong nanay at tatay kay Jamie. I know what's best for her. Hindi na niya kailangan pa si mama."

"You can still think about it, Jelly. You know what's best for her but you didn't think about her happiness."

"Ayokong makipagtalo Dax... magpunta na lang tayo dun sa Novaliches. 2pm pa lang naman."

Tinulungan ko si Dax na ligpitin yung comforter na inilatag niya.

"Have you ever brought Lorraine there?"

Sinulyapan lang ako ni Dax dahil nagmamaneho siya.

"Hindi pa... bukod kila mommy, ikaw pa lang ang nadadala ko dun."

"Wow ah! Ang special ko naman para sa'yo at dinala mo ko dun. Bakit hindi mo pa dinadala dun si Lorraine?"

"I don't know. Oo nga no... bakit nga ba hindi ko dinala dun si Lorraine?"

"That place is beautiful, Dax. It looks like a piece of paradise. Advice ko lang ah... siguro pag dinala mo dun si Lorraine, matutuwa ng sobra yun. Ano ka ba naman kasi? Gusto mo, pero hindi ka nag eeffort. Dapat kasi pinaparamdam at pinapakita yun."

"Natatakot lang naman akong masira yung friendship namin. Baka maawkward siya."

"So ano pa palang ginagawa ko dito kung natatakot kang masira yung friendship niyo? Dax, given na yun eh. Magkaibigan na kayo simula pagkabata niyo. Ano ba naman yung ipaparamdam mo kahit konti na mahal mo siya higit pa sa pagkakaibigan? Naghintay ka na lang din naman ng matagal, eh di wag ka ng matakot na mag take ng risk."

"Kaya nga nandiyan ka eh. Gusto ko siya yung makakarealize na kailangan niya ko... na gusto pala niya ko."

"Hay nako Dax! Kaya hindi umaasenso ang Pilipinas eh... kasi nakatunganga. Naghihintay ng milagro. Swerte mo lang natsambahan mo ko."

"Oo na, Jelly... Ikaw na lang yung alas ko." Sinulyapan ulit ako ni Dax and this time, kinuha niya yung kaliwang kamay ko at dinala niya yun sa labi niya. "I need you the most... babe."

Bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Nagtayuan din yung mga balahibo ko sa batok at sa braso. Ramdam ko kasi yung sincerity ng boses niya sa sinabi niya at kitang kita ko sa mata niya na seryoso siya.

At nakaramdam ako ng kakaiba. Para bang ako talaga yung kailangan niya sa buhay niya at hindi niya ko kailangan para lang makuha yung iba.

"Lul." Binawi ko yung kamay ko at dumiretso ako ng upo. Kahit de aircon tong buong kotse parang pinawisan pa rin ako.

Ayan tayo Jelly eh... trabaho lang to, okay?Wag mong bigyan ng ibang ibig sabihin yung sinasabi niya. Kaya maraming paasa eh... kasi mas maraming umaasa kahit sa umpisa pa lang, wala naman na talagang dapat asahan.

(c) Eilramisu

Bayarang Babae (Ongoing)Where stories live. Discover now