• Twenty Eight

7.4K 198 61
                                    

Nang matapos kaming kumain si Jollibee, niyaya ko na rin kaagad silang umuwi. Napansin ko kasi si Jamie na namumutla at parang bumabagsak yung mata niya. Hindi na rin naman namin kasama si Jeremy dahil  may pupuntahan pa daw siya. At naoawkward siya na makasama si Dax ng matagal. Iniabot niya lang sakin yung cake na para pala kay Jamie.

Inayos ko na si Jamie at pinagpahinga ko muna siya. Hapon pa lang naman at naisipan ko na magluto. Parang sa pag istay ko dito, kain lang ang ginagawa ko. Hindi naman ako nakakapagluto. May nag lilinis rin dito weekly at nag papalaundry na lang kami. Yun kasi ang gusto ni Dax.

Nagbihis lang ako at nagpunta na ko sa kitchen. Mabuti at wala dun si Dax. Binuksan ko yung ref para tignan kung anong mga pwedeng iluto. Merong frozen meat sa ref kaso wala namang mga ingredients. Isang pirasong patatas lang yung available kaya mag aadobo na lang siguro ako.

"Ay kokok!!" Nagulat ako kay Dax na nakatayo sa may entrada ng kitchen. May mga bitbit siyang plastic ng isang sikat na  grocery store. "Bigla ka na lang sumusulpot diyan! Nakakagulat ka!"

Nakatitig lang siya sakin at seryosong seryoso ang mukha niya. Kinuha ko na lang yung patatas at sinarado ko na yung ref.

"Gutom ka na?" Tanong niya.

"Hindi pa. Naisip ko lang magluto ng maaga."

"Ako na lang. You can rest."

"No. Wala kasi akong ginagawa dito eh." Tinulungan ko siyang iaayos yung mga pinamili niya.

"So what are you planning to cook?"

"Umm... adobo sana. Kasi yun lang ang pwedeng iluto. Pero gusto ko sana ng sabaw, para kay Jamie."

"Perfect. Gusto ko din ng may sabaw. Mag sisinigang na hipon kasi sana ako."

"Ayun na lang. Ikaw na lang magluto, papanoorin na lang kit-- I mean tutulungan."

Nag sinigang na hipon na kasi dati si Dax, at nagustuhan ko ng sobra yun. Tama lang kasi yung asim at alat. Isa yun sa mga paborito ko na niluto niya.

"I'm just curious about Jeremy."

"What? What about him?" Bigla akong kinabahan para sa buhay ng bestfriend ko.

"Nothing. Just wondering why he haven't told his parents about his preference."

"Well, he's kinda afraid. Alam mo naman na General yung papa niya. Natatakot siya para sa buhay niya."

"Really? That's not what I heard."

"Heard what? Heard who?"

"That night at the party. I heard them talking about Jeremy. Like, kailan daw kaya siya magpapaka--"

Nagring yung cellphone ko kaya napatigil si Dax sa pag sasalita.

"Umm wait."

Kinuha ko yung phone sa bulsa ko. Si Arx yung tumatawag kaya sinagot ko kaagad.

"How are you? Nag enjoy ba si Jamie?"  Yun agad ang bungad ni Arx kaya napangiti ako.

"Okay naman. Nag enjoy naman siya, kaso medyo sumama yung pakiramdam. Kaya pinagpahinga ko na muna."

"Good. Umuwi na pala kayo agad. So nagpapahinga ka na niyan?"

"Not yet. Tutulungan ko kasing magluto si Dax eh."

"Oh... mag kasama pala kayo ngayon. Sa bagay, iisa na nga lang pala kayo ng bahay. Kainggit naman..."

"Arx! Ewan ko sa'yo ah. Puro ka joke."

Bayarang Babae (Ongoing)Where stories live. Discover now