• Twenty Five

19K 402 236
                                    

"What I mean is, nung college days. Sobrang close naming dalawa talaga. As in. Pero ngayon, syempre I have to step back... a little. Kasi may girlfriend na siya... ikaw"

Bumangon ako sa pag kakahiga at umayos ako ng upo.

"No, it's okay. Syempre alam ko naman na may past talaga ang boyfriend ko... si Dax, of course. I'm fine with that. Mas nauna kang dumating sa buhay niya kaysa sakin. So no worries. Okay ako kung close pa rin kayo or gawin niyo pa rin yung mga nakasanayan niyong gawin nung kayo pa--nung sorbrang close niyo pa. Y'know, childhood days to adulthood. I'm totally cool with that."

"Sounds like you're giving me away." Letse! Manahimik ka Dax! Malandi ka nga talaga. Ugh!!

"Of course not, well. It's all up to you..." ngiitian ko silang dalawa. Nagsasalit salit lang yung mga tininginan naming tatlo. "Chaaaar!" Pumulupot ako sa braso ni Dax at sumandal ako sa balikat niya. "Alam ko namang ayaw mo rin ng ganon. Mahal na mahal mo ko diba? Diba? Kaya mahal na mahal na mahal din kita. Kasi mahal na mahal mo ko."

Tumawa na lang ako dahil naawkward ako sa sinabi ko. Nakurot ko yung kamay ko dahil huli na para bawiin yung mga sinabi ko. Totoo naman na mahal ko na siya. Well, sinong tanga ang hindi maiinlove kay Dax Yvo Montalvo? But on my part, ako yung sobrang tanga dahil nahulog ako. Naging marupok ako... alam ko na nga na kaya ako nandito para mapasakanya si Lorraine, nagpakahulog hulog pa ko sa kanya.

"Of course, babe. You know how much I love you. Sabi nga nung mga jejemon, ikaw lang, sapat na."

Sana nga... sana talaga, Dax, ako lang, sapat na. Sana makita mo yun. Sana maramdaman mo yun. Sana nga maisip mo na mahal mo rin pala ko.

Gusto ko pa sanang magtagal sa tabi niya dahil eto lang naman yung mga pagkakataon na nasasabi ko yung feelings ko sa kanya ng hindi niya namamalayan na totoo na pala. Isa pa sa dahilan kung bakit ayoko pa sanang bumitaw eh dahil sa sobrang bango niya na kahit ultimo pawisan siya eh mahihiya ka pang dumikit dahil masyadong intimidating yung bango niya... kaso naalala ko na may trabaho nga pala ko. Kaya niya nga pala ko binabayaran. Bumitaw ako sa pag kakayakap ko sa braso niya at tumayo na ko.

"I'll just take a nap. Lorraine, maiwan ko na muna kayo dito ni Dax." Tumayo ako at nag stretch kunwari para makatotohanan. "Grabe napagod ako sa mga ginawa namin ni Arx." Sinadya kong lakasan para marinig nilang dalawa. Tutal gusto naman siguro ni Dax na makapagsolo sila ni Lorraine.

Pumasok ako sa kwarto at nahiga ako sa couch. Nakatitig lang ako kay Jamie habang natutulog siya. Pansin kong medyo nangangayayat siya lalo. Payat na nga siya nung inilabas ko siya ng hospital, mas pumayat pa siya. Baka kasi pag pina confine ko ulit siya, madepress lang siya at maging worst pa yung mangyari sa kanya.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Wala na si Jamie sa kama, kaya bumangon na rin ako.

Naghilamos muna ko sa banyo at nag ayos bago ako lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Jamie na nanunuod sa salas habang kumakain ng sliced apples. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.

Nakakapagtaka din na wala si Lorraine at si Dax. Eh wala pa nga ata akong isang oras na nakatulog.

"Jamie, nasan pala si-- yung cellphone ko? Alam mo ba kung san nilagay ni Dax?"

"Nandun ate sa kwarto ni Kuya Dax."

"Ah. Okay."

Siguro naman wala si Dax sa kwarto niya. Baka inihatid niya si Besssst.

Hindi nakalock yung pinto kaya pumasok na ko ng dirediretso pero natigil ako sa nakita ko... nagsusuot pa lang si Dax ng boxer shorts. Pero may towel na nakatali sa bewang niya.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Nagkunwari na wala namang epekto sakin yun, pero ang totoo, parang kong hinahabol ng leon dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"N-nasan yung cellphone ko?"

"Nasa bulsa ko."

Napatingin ako sa kanya and good thing nakasuot na siya ng boxers. Pero damn! What a tempting abs!

"Can I have it now?"

"Yeah. Kunin mo sa bulsa ko."

"I don't have time for that, Dax."

"Why? Can't wait to text Aldrin?"

Nagpunta siya sa harap ko at naupo siya sa kama habang nakabalandra yung abs niya. Amoy na amoy sa buong kwarto yung sabon na ginamit niya.

"Wala ka na dun, Dax."

"Narinig mo na ba yung phrase na 'iniputan sa ulo?'"

"Ano namang connect nun sa pagkuha ko ng cellphone ko?"

"Anong ginawa niyo? Bakit napagod ka? Anong nakakapagod sa ginawa niyo?"

Okay, hindi ko alam kung anong itinatakbo ng usapan namin. Hindi ko magets at hindi ko alam kung anong patutunguhan nito.

"What are we talking about?"

"You and Aldrin! Talagang sinabi mo pa kay Lorraine na napagod kayo ni Aldrin sa ginawa niyo! Iniannounce mo pa!"

"And so? What's your point?"

"My point is, iisipin ni Lorraine na pinagtataksilan mo ko!"

"Eh di mabuti! Nang matapos na tayo! Hindi ba pabor pa nga sa'yo? Bakit hindi natin baliktarin, instead na sasaktan natin si Lorraine using Arx, ang gawin natin, ikaw ang masasaktan. Saka ka mag pa comfort sa best mo! Tutal, mukha namang hindi naman talaga ganon kagusto ni Lorraine si Arx. Mas madali kung ikaw mismo ang ipapain."

Nagseselos ako Dax! Letse kasi! Mahal na kita! Letse talaga! Kung pwede lang ba na ang gawin ko eh ang mainlove ka sakin, eh di hindi na dapat pa nadadamay si Lorraine at Arx.

"Ayoko!"

"C'mon Dax. Gusto ko ng matapos to. Gusto ko ng mag focus sa kapatid ko."

"Kung ano yung plano, yun yung gagawin natin. No changing of plans, is that clear?"

"Hell no, Dax! Kung gusto mo talagang mainlove sa'yo si Lorraine, yung sakin ang susundin nating dalawa!"

"I said no!!"

Medyo napaatras ako dahil halos pasigaw na si Dax.

"Y'know what, you should have told me that Lorraine will visit us. Sana sinabi mo ng mas maaga. Para naman naalala ko na may trabaho nga pala kong dapat gawin, instead of going somewhere, dapat ginawa ko na lang yung trabaho ko. Hindi mo naman kailangang gamitin si Jamie para lang umuwi ako. You should atleast told me about Lorraine. Sana sinabi mo sakin na papapapuntahin mo siya dito... or sana nagsolo na lang kayong dalawa. You want her, right? Just grab every opportunies, Dax. Nga pala, sana man lang minsan ipaalam mo sakin kung sino ang papapuntahin mo sa unit ko..."

Tinalikuran ko na siya at naglakad na ko papuntang pinto.

"Nagseselos ako Jillian! Nagseselos ako dahil kay Aldrin o Arx!"

Napatigil ako dahil sa mga sinabi niya. Parang kinukurot kurot yung puso ko. Nagsimulang mamuo yung mga luha sa mata ko. Pero pinipigilan kong magpatakan yun.

"She's with you, ano pa bang dapat mong ikaselos?"

Humakbang ulit ako pero naramdaman ko yung kamay ni Dax sa braso ko. Hinila niya ko palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nung inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko.

Before I could react, I felt his lips touches mine.

(c) Eilramisu

Bayarang Babae (Ongoing)Where stories live. Discover now