• One

71.3K 620 27
                                    

"Here's the payment Ms. Sandoval. You did a great job."

"Thank you, Sir." Inabot ko ang envelope na medyo may kakapalan ang laman. Nakipag kamay lang ako sa kanya saka umalis. Ayoko ng masyadong maraming kaek-ekan. Sayang ang oras ko.

Ganun lang naman ang trabaho ko, o mas tamang sabihin na raket.

Kinailangan ni Mr. Javier ang charm ko para makapag close ng deal sa isang sikat na negosyante. Nang magawa ko yun, tumataginting na 20 thousand ang kabayaran.

Kinuha ko ang cellphone ko nung tumunog yun, at nagpunta ako sa powder room.

"Yes?" Walang gana kong bungad sa caller.

"I need you. Meet me in Gerry's Grill, Banawe." Natawa ko sa pag di-demand ni Jeremy sakin. Best friend ko to way back in college. Super close talaga kami. Kahit na nag stop ako sa pag aaral, hindi kami nawalan ng communication. Sayang nga at isang taon na lang sana ga-graduate na ko. Mahirap din maghanap ng trabaho kung di ka naman college graduate. Kaya nagkakasya na lang ako sa paraket raket. At least, mahal ang bayad sakin.

"Jer, i'm busy. May iba pa kong pupuntahan. May tatrabahuhin pa ko."

"Cancel it, Jillian." Pag tinawag na niya kong Jillian, isa lang ibig sabihin niya, importante talaga yung sasabihin niya na kailangan kong sundin.

"If the price is right." You see, kahit bestfriend ko to kailangan wala akong patawad. Wala naman talaga kong ibang gagawin ngayon.

"Fine." Hindi rin naman siya makakatanggi. Kailangan daw niya ko eh.

"Shoot. I'll be there in a minute." Bago pa siya makapag react, lumabas na ko ng powder room at hinanap ang table niya. Anu kayang reaction niya pag nalaman niya na nandito lang din ako sa Gerry's.

"Hi Jer." Shock was written on his face. Kaya bineso ko na lang siya at naupo ako sa may chair sa harapan niya.

"What are you doing here?" Tumawa ako sa reaction niya.

"You said you need me, that's why I'm here."

"Ibang klase ka rin Jelly. Anyway... I have a problem."

"I know, right... what is it?"

"I need you to pretend... as my girlfriend"

"Pretend to be your WHAT????" Problema nga yan.

"You heard it right." He must be kidding me. "I am damn serious Jillian." With that, I burst into laughter.

"What made you think of having me as your pretend girlfriend?"

"Nako Jelly, hindi ko kagustuhan. Ngunit, subalit, datapwat, kinakailangan kong gawin yun dahil silver wedding anniversary na ng parents ko. Naloloka ang beauty ko sister. Yun ang gusto nilang regalo ko, sana man lang daw may maipakilala akong girlfriend sa kanila bago sila mamatay. Dramahan daw ba ang fes ko."

Yeah, he's a gay. Pero ewan ko sa baklang to kung bakit hindi pa sabihin sa parents niya ang totoo. For goodness sake, we're already 23. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya naglaladlad. Buti pa yung mga ahas nagpapalit balat.

"How much?"

"How about... 30 kyaw?"

"Grabe ka naman maningil. Parang hindi tayo mag bestfriend niyan."

"Sige na nga... 20 na lang. Last na yan, ah? Wala ng tawad."

"Deal."

"Good! Anyway, ilibre mo na rin ako. Since nandidito na tayo."

"Okay." Tinawag niya ang waiter kaya um-order na ko. Baka pa magbago isip niya. "Ano pa lang ginagawa mo dito?"

"Hmm, business!"

"Hindi mo man lang sinabi na nandito ka pala!"

"Nagtanong ka ba? Kilala mo naman ako, hindi nag si-share kapag hindi naman tinatanong."

"Ewan sa'yo."

"Kailan pala anniversary ng parents mo?"

"Next week."

"Agad agad?"

"Oo. Kaya mag ready ka!" Tumango tango na lang ako sa sinasabi ni Jeremy, at ng i-serve na ang order namin, konti lang ang kinain ko.

"Oh, nag da-diet ka nanaman? Kumain ka nga ng madami. Para naman hindi ka mag mukhang zombie diyan."

"Tama na to. Busog na ko."

"Nako! Kilala kitang babae ka! Sige na, ubusin mo na yan." Tumawag ulit si Jer ng waiter at um-order uliy siya. "Ano namang klaseng pag kain yan, ineng? Para kang daga kung kumain."

"I said I'm full."

"Shut up!!" Dumating yung waiter dala yung mga ni-take out ni Jer, iniusod niya yung plastic na may lamang take out food sa side ko. At sumandal siya sa upuan niya.

"Take that, Jelly. Ibigay mo yan sa kapatid mo."

"Jer..."

"Ganito na lang, pasalubong ko sa kanya yan... galing sakin, okay? Hindi yan galing sa'yo at hindi yan para sa'yo. Para yan kay Jamie. Kaya ubusin mo yang pagkain mo at wag mo ng ipabalot."

Nginitian ko si Jeremy, thankful talaga ko kasi may kaibigan akong gaya niya.

"Thanks, Jer..."

"Oh wag ka ng magdrama! Sayang ang mascara!!"

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Jeremy about sa anniversary ng parents niya, dumiretso ako sa E. Rodriguez. Pupunta kasi ako sa National Children's Hospital, isang linggo ko na kasing hindi nadadalaw ang kapatid ko, si Jamie.

Six months ago, nalaman ko na may Leukemia siya. Pakiramdam ko nung mga panahon na yun sasabog na ang pagkatao ko. Kaming dalawa na nga lang, nagkasakit pa siya ng malala. Six years old pa lang ako ng iwan na kami ni mama, two years old nun si Jamie. Naging responsable naman si Papa, itinaguyod niya kami. Gabi gabi siyang nag so-sorry samin ni Jamie bago matulog. Hindi ko alam ang reason. Or baka nag so-sorry siya dahil iniwan kami ni Mama at wala siyang nagawa. Nung 2nd year college na ko, namatay siya. Limang taon na kong tumatayong nanay at tatay kay Jamie. Huminto ako sa pag aaral para kay Jamie, para maipagpatuloy niya ang pag aaral niya. Kaka-17 pa lang niya nung malaman ko nga na may Leukemia siya. Noon pa man, mahina na ang resistensya niya. Pero hindi ko naman alam na aabot sa ganitong kalala ang kalagayan niya.

Nang makita ko siyang nakahiga sa hospital bed, tumulo nanaman ang luha ko. Napakaamo ng mukha niya. Idagdag pa yung sakit niya na mas lalong nagpatamlay sa itsura niya. Alam kong nahihirapan na rin siya... pero lahat gagawin ko, mapawi lang yung sakit na nararamdaman niya. Kahit ano... lahat ng pwedeng pagkakitaan, papasukin ko. Basta masigurado ko lang na may pambili siya ng gamot. Kahit puro kanya na lang mapunta lahat ng kitain ko... gumaling lang siya.

(c) Eilramisu

MEDYO MABIGAT PO ANG STORY NITO... KAYA MEDYO NAHIHIRAPAN AKO SA PLOT =)))))))

Bayarang Babae (Ongoing)Where stories live. Discover now