CHAPTER 35 ~ Threige ~

139K 2.2K 78
                                    

CHAPTER 35

ALTHEA'S POV

Naghihikab ako habang nakatingin ako sa phone ko na kanina pa umiilaw. Sunod-sunod kasi yung text galing kaila Hade at Quin. Mukang may nangyari na naman na kung ano kaya ngayon sa cellphone naman sila naghahasik ng lagim.

Nakabalik na ako sa work. Kasama ni Sir Mateo si Craige papunta sa kung saan..may inaasikaso sila. Hindi na nila ako isinama dahil may pinapagawa din naman sakin si Sir Mateo na kanina ko pa natapos.

Bakit ba ganito ang buhay ko?

Basta wala si Craige na bo-bored ako.

Nakasimangot na nangalumbaba ako at nilaro-laro ko yung cellphone ko sa lamesa. Ano kayang magandang gawin? Mag tumbling kaya ako? mag split?

-___-

Nevermind.

Nag-angat ako ng tingin at napangiti ng may naisip na naman akong kalokohan. Nakangiting nag type ako. Kukulitin ko na lang si Craige hanggang mapuno siya at bumalik dito.

Kaso parang ang corny..dapat iba naman..

hmm..

TO: Boss, Sir, Among Tunay Ko

Dito na me, wer na u?"

Napangisi ako. Ano kayang sasabihin ni Boss? Nakatingin lang ako don sa phone habang hinihintay ko yung reply niya. Dapat kasi sinama niya ako. 

Sumandal ako sa swivel chair ko at inikot-ikot ko yon. Dapat pala dinahan-dahan ko muna yung mga ginagawa ko kanina para hindi ako mawalan ng ginagawa. Patunugin ko kaya yung fire alarm?

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon